Chapter Twenty-Three: All-eyes

78 14 3
                                    

“We do not remember days, we remember moments.”

- Cesare Pavese

***

Balfour

Hindi pa rin ako makapaniwala na tumalab ang eksperimento ko. Akala ko kasi papalya ako dahil alam naman ng lahat na hindi magkasundo ang parasite ng mga hosts at ng parasite naming mga Host-X. Pero iba ang nangyari. Pumayag ang hosts na makipag-alyansa sa amin para lang sa buhay at kaligtasan niya. Dito ko mas nalaman na mas pipiliin ng mga hosts na maging sunod-sunuran para mabuhay kesa tumaliwas at mamatay. Minalas lang ako sa unang hosts na pinag-eksperimentuhan ko. Sa dinami-rami ng pwede kong masubukan, bakit si Sir Oscar pa.

Kasalukuyan ko ngayong binibilang ang mga napatay kong hosts. Kahit nakadikta na sa ForeCom ang numerong trenta’y-uno, nag-abala pa rin akong bilangin ito nang manu-mano para makasiguro. Alam niyo naman na pumapalya minsan ang mga gadgets. Pero kahit na may hindi nasali sa kill count, ayos na sa akin ‘yon dahil sobra-sobra naman ang napatay ko. Sayang at hindi siya ma-credit sa next hunting schedule namin.

“Thirty-one, tama ba?” biglang tanong ng isang malalim at malamig na boses na nagpa-alerto sa akin. Nakahanda sa harap ko ang mga dagger na tila pinoprotektahan ang sarili sa posibleng pag-atake. Pero nang makita ko na si Froylan pala ito, agad ko itong ibinaba.

“Froylan! Akala ko nasa mga classrooms ka?” tanong ko habang tinitingnan siyang lumalapit. Nakasablay sa balikat niya ang atsa niya na ngayon ay namamantsahan na ng dilaw na likido na galing pa sa mga hosts na pinatay niya.

“Maaga kasi akong natapos, kaya naisipan kong manood sa iba,” tugon niya.

Ibinalik ko na sa mga lalagyan nila ang mga dagger. “At ba’t ako ang napili mong panoorin?”

“Sabihin na lang natin na may napapansin ako sa’yo. At sa hindi sinasadyang pangyayari, narinig ko ang pag-uusap niyong tatlo kahapon tungkol sa NSD,” deklara niya na ikinagulat ko. Napaatras pa nga ako dala ng pagkabigla.

Agad kong binura ang gulat at nababahala kong mukha, at pinalitan ito ng isang seryoso at matapang na itsura. Pakiramdam ko kasi hindi magiging maganda ang pag-uusap na ‘to. “As expected sa dating sundalo ng militar. Ano na? Isusumbong mo kami sa kanila?”

“Sa NSD? Bakit ko naman kayo isusumbong?” tanong niya na bahagyang nagpakunot sa noo ko. Sa hindi malaman na dahilan, gumaan ang pakiramdam ko na parang may mabigat na natanggal mula sa akin.

“Dating sundalo ka, kaya basically dati ka ring nagtatrabaho sa kanila.”

“Dati ‘yon, hindi na ngayon.”

“Pero pwede ka pa ring magsumbong. Alam mo naman ang sabi nila, loyalty can still stay even when they’re gone.”

“Binibigay ko lang ang loyalty ko para sa hustisya. Umalis ako sa serbisiyo dahil inutusan ako na gumawa ng isang bagay na hindi na sakop sa kung ano dapat ang trabaho ng mga sundalo. Ang sundalo ay dapat nililigtas ang mga mamamayan, hindi pinapahamak,” paliwanag niya na siyang tumumpak sa naging hula ni Porter. Nakumbinsi ako sa naging katwiran niya, dahilan para tuluyang mabura ang bigat ng nararamdaman ko n’ong magsimula ang pag-uusap namin.

“So, sinasabi mo na kaya mong kalabanin ang NSD para lang maibigay ang hustisya?”

“Kung hustisya ang pagpapabagsak sa kanila, then alam mo na kung nasaan ang loyalty ko,” tugon niya. Noong una hindi ko nakuha ang punto niya, pero kalaunan ay naintindihan ko ito. At dito ko natanto na meron na kaming bagong miyembro sa grupo namin laban sa NSD.

Nematoda (BL Sci-Fi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon