Chapter Sixteen: Assess-ciates

108 16 0
                                    

"Sometimes people will stay in your heart but not in your life."

- Unknown

***

Balfour

Ngayon ang pangalawang araw ng pagsasanay namin. Kasalukuyan kaming nag-aalmusal ni Porter para bigyang laman ang mga sikmura namin. Dahil maga-alas-syete palang ng umaga, napagkasunduan namin ni Porter na magkaroon ng warm up marathon sa gubat na nasa likod lang ng bahay. Gusto niya kasing subukan kung gaano kabilis ang makakaya niya gamit ang mga enhancement na natanggap namin mula sa pag-infect sa amin ng nematoda.

Speaking of nematoda, nasabi niya na naging masuwerte raw siya na magkaroon ng hosts na may alam sa pakikipaglaban. Ayon kasi sa kanya, kaya niyang gamitin ang memorya ko para magdulot ng epekto sa katawan ko. Sa madaling salita, kaya niyang kontrolin ang kilos ng katawan ko at gagawin lang niya ito kapag nalagay na sa alanganin ang buhay ko—kapag wala na akong lakas para igalaw nang mag-isa ang katawan ko.

Ito ang isa sa pinag-awayan namin kagabi dahil tutol na tutol ako sa ideya na kaya niyang kontrolin ang katawan namin. Maskin si Porter ay kumampi sa akin dahil na rin sa kadahilaan na ayaw niyang kinokontrol at minamanipula siya. Gayunpaman, wala kaming nagawa kundi mag-reklamo dahil hindi na ito mababawi. Isa sa trabaho ng utak ang paggalawin ang katawan, at dahil nasa utak ang mga parasite, automatic na hawak na rin nila ang motor functions nito. Pero ipinangako ng nematoda na hindi nila ito gagawin ng walang matinong dahilan.

Mabilis naming natapos ang almusal namin dahil toast, itlog, at gatas lang naman ito. Hindi kasi pwedeng mabusog kami dahil baka maimpatso kami habang nag-iinsayo. Sabay kaming natapos ni Porter kaya sabay na rin naming nilagay sa lababo ang mga ginamit naming mga plato at baso. Sinunod namin ang pagsisipilyo ng ngipin hanggang sa maging handa kami.

Tinungo namin ang bakuran kung saan namin nakita sina Mama at Papa na wala ng buhay at kung saan kami nag-insayo kahapon. Naaalala ko pa kung paano ako pahirapan ni Porter gamit ang routine niya. Ibang-iba talaga sa routine ko at napakadelikado rin. Kung hindi dahil sa regenerative ability na nakuha rin namin sa evolution, siguro puno na ang katawan ko ngayon ng benda. Inis na inis ako sa kanya kahapon, pero siya tawa nang tawa. Tarantado talaga.

"Sa parehong track pa rin?" tanong ni Porter. Tinutukoy niya siguro ang daan na dinadaanan namin noon kapag namamasyal kami sa gubat.

"Wala naman tayong ibang daanan," punto ko bilang pagsang-ayon sa naging suhestiyon niya.

Isang tango ang binayad ni Porter at saka nagsimulang mag-warm up. Nag-warm up na rin ako na inabot ng dalawang minuto. Nang matapos ay agad na kaming lumabas sa gate para masimulan na ang marathon. Hindi lang layunin ng marathon na 'to ang tukuyin ang hangganan ng bilis namin, kundi para na rin ma-ehirsisyon na rin ang katawan. Ito ang magsisilbing warm-up ng pag-iinsayo namin mamaya.

May habang katumbas ng track and field ang daang tatahakin namin kaya sa tingin ko magiging mabilis lang ang pagbalik namin sa starting point. Hinanda na namin ang mga smart watch namin na siyang susukat sa bilis ng takbo namin. Nang ma-set ito, agad na kaming pumosisyon.

"Ready, set, go!" hudyat ni Porter na siyang nagpasimula sa takbo namin. Noong una naging mabagal pa ito na parang isang karaniwang bilis lang, pero habang tumatagal mas nararamdaman ko ang pagbilis namin. Hindi ko maikompara ang bilis namin pero sigurado akong hindi ito kasinbilis ni Flash o ni Superman.

Nematoda (BL Sci-Fi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon