Chapter Twenty: NSD-ishonesty

85 14 1
                                    

"I'm not upset that you lied to me. I'm upset that from now on I can't believe you."

- Friedrich Nietzsche

***

Balfour

This is where you rest and sleep," turo ng babae nang mapasok namin ang isang kwarto na may limang kama. Tatlo sa mga ito ay may pagmamay-ari na dahil sa ilang damit na nakalagay dito. "This is your quarter 'til the last moment of Sanctum. As you have noticed, there are five beds which conclude that you have three more roommates. Your roommates are also your teammates under the Team B. Soon, you will be deployed as a team and you need teamwork to accomplished the mission.

"Here are your tablets," sabay abot ng babae ng dalawang tablet sa amin. "Inside are essentials for your stay here at Sanctum. If you have some clarifications and questions, just sent a message in the Feedback app. However, the response will take a long time. That's all for today, and once again, welcome to Sanctum. Don't forget the orientation at 3 PM sharp," paalala ng babae na sabay naming tinanguan ni Porter.

Pinanood naming umalis ang babae kasama ang dalawang bantay niyang sundalo. Nang makaliko sila sa isang kanto at hindi na namin mahagilap ay saka kami pumasok sa nasabing kwarto namin hanggang sa huling sandali ng Sanctum.

Kaparehong-kapareho sa mga nakikita ko sa pelikula ang ayos at desinyo ng quarter. Walang masyadong mga furniture at ang tanging makikita lang ay kama at maliliit na mga drawers na nakalagay sa gilid ng bawat kama. Sa dulo naman ng kwarto ay dalawang pinto na hula ko ay mga banyo. Napaka-simple ng kwartong ito na ibang-iba sa kwarto ko.

May dalawang oras pa kami ni Porter bago ang nasabing orientation kaya minabuti naming maghanda muna. Pinili ni Porter ang pinakadulong kama habang ako naman ang sa kama na bago sa kanya. Inilagay na namin dito ang mga gamit namin bilang tanda na kami na ang nagmamay-ari nito. Habang nilalabas sa bag ang mga damit, naimungkahi ni Porter na maligo muna bago dumalo sa orientation na siyang sinang-ayunan ko. Masyado kasing nakakahiya kapag nakisali kami roon tapos amoy araw at pawis kami kakalakad kanina.

Kaya sabay na naming tinungo ang banyo. Nang makita ang ayos nito, naalala ko ang shower area sa gymnasium ng Caerodyl University. At dahil d'on, naalala ko ang lahat ng naging karanasan namin doon. Kung paano kami namuhay kasama ang bago naming pamilya at kung paano rin ito nawasak at nasira dahil sa isang biktima na walang nakakaalam sa kalagayan niya. Naalala ko rin ang lima na siyang naging nagpa-emosiyonal sa akin.

Pero agad ko ring ibinalik sa pagliligo ang atensiyon ko. Ayokong magbigay impresyon sa iba na nahuli kami sa orientation dahil masisira ang imahe ko na isa sa pinakamaagang nilalang sa mundo. Kaya kahit hindi nagmamadali, para akong hinahabol ng oras habang nagsasabon. Walang sampung-minuto nang matapos ako sa pagligo. Maskin si Porter ay napabilis din ang pagligo at natapos din katulad ko.

Isang oras na lang ang natitira nang makalabas kami ni Porter sa banyo. Dahil madaling natapos sa pagligo, mas binagalan na namin ang pagbibihis. Mas pinili kong magsuot ng pormahan na kagaya ni Porter dahil nasanay na rin ako. Magmula n'ong subukan ko ang pormahan niyang oversized shirt at shorts ay iyon na ang palagi kong sinusuot. Hindi ko nga inakala na mahahawa ako sa sense of fashion niya.

Matapos magbihis ay sinunod namin ang buhok. Alam na alam kong hahayaan lang ni Porter ang buhok niya na buhaghag kasi 'yon ang estilo niya. At ayokong mawala 'yon dahil isa iyon sa nagpapagwapo sa kanya para sa akin. Pero ako, medyo inayos ko lang ito. Hindi rin ako gumagamit ng suklay kasi masyadong detailed 'yong estilo kapag ganoon. Kaya nagfi-finger comb lang ako para iayos ito nang kaunti.

Nematoda (BL Sci-Fi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon