Chapter Twenty-Two: Hope-Four

93 14 2
                                    

"Sometimes it takes an overwhelming breakdown to have an undeniable breakthrough."

- Unknown

***

Balfour

Nandito kami ngayon sa pasilyo, sa likod lang ng pinto papasok sa Sanctum. Suot namin ngayon ang mga combat gear namin at nakalagay sa mga lalagyan nila ang mga sandata. Gaya ng inasahan, masakip nga ang damit pero hindi ito nakakasakal at hindi nito napipigilan ang paggalaw namin. Sa sobrang nipis nito ay halos hindi na namin ito ramdam. Ang tanging makapal lang na parte ay sa may crotch namin para maprotektahan ang mga pribadong parte.

Nakahelera kami ngayon kaharap ang General. "I have already said this a couple of times, but I'll say it again," panimula niya sa kanyang final briefing. "Work together and do not leave your teammates behind. Fight smart not hard and be aware all the time. I know you know what and what not to do so I don't have to tell you about it. Just fight and come back. Good luck, Team B," bilin niya at saka tumalikod. Kasabay ng kilos niya ay ang pagbukas ng pinto na siyang nagbunyag sa parehong hagdan na binaba namin ni Porter noong unang dating namin dito.

"Always remember to regularly check your ForeCom. If you found yourself in grave trouble, just send a distress signal for the others to know your situation. Working together is the most important part here so please observe. Remember everything I taught you and you'll going to get back here safe and accomplished," bilin din ng secretary na si Lt. Ferisha. "Go!" hudyat niya na nagpasimula sa amin sa pagtahak sa hagdan.

Nasa pinakaunahan si Froylan na may inaakbay na malaking atsa bilang sandata niya. Naging mas detalyado rin ang katawan niya ng dahil sa combat gear niya. Kung titingnan sa malayuan, parang mga tracksuit lang ang mga suot namin ng isang athletic competition dahil sa desinyo nito. Mabuti na lang at pansin ang mga sandata namin na nagpapatunay na hindi laro ang pupuntahan namin kundi isang laban.

Sunod kay Froylan si Usharo na may nakasabit na double katana sa likod niya. Bilang Japanese, alam kong bihasa siya sa sandatang ito. Hindi na ako magugulat na mas magaling pa siya kesa sa akin dahil malakas ang kutob ko na nag-aral din siya ng martial arts. Nilalabas din niya ang isang competitive na aura na karaniwang pinapakita ng mga competitive fighters na katulad ko.

Pangatlo sa linya si Eshme na may parehong sandata kay Usharo pero isa lang. Dito ko mas napansin ang kurba ng katawan niya na bumagay sa laki ng dibdib niya. Bumagay rin ang naka-ponytail niyang buhok sa overall physical stand niya. Sa madaling salita, parang itinadhana siyang maging Host-X.

Ako ang sumunod kay Eshme na may nakasabit sa likurang-beywang na dalawang dagger. Hindi ito 'yong dagger na gamit namin noon ni Porter sa Veridel dahil wala naman 'yong feature na maka-detect ng kill. Customized ang gamit namin ngayon at kaparehong-kapareho sa desinyo ng dagger na nakaugalian namin. Para na rin hindi na kami mag-abalang mag-adjust at para mas effective at efficient ang hunting namin.

Panghuli sa linya si Porter na huli ding nakalabas sa pinto. Nakakabit din sa likod niya ang dalawang dagger na may kaparehong desinyo sa dagger na niregalo ko sa kanya noon. Halos maging kambal kami kung titingnan sa likod dahil sa ayos namin. Pero ang mas napansin ko sa kanya kanina, ay ang makisig at detalyado niyang katawan. Natulala nga ako nang lumabas siya sa banyo kanina. Halos mapanganga ako sa pagkakabighani sa katawan niya.

Isa-isa naming nilabas ang pinto na siyang nagdala sa amin sa labas na mundo. Sa ilang araw naming panunuluyan sa loob ng Sanctum, nagmistulang unang beses ang pagtapak namin muli sa kalsada. Parang ilang buwan kaming nakakulong doon na siyang naging dahilan kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman namin ngayon. Para kaming mga ibon na nakawala sa isang hawla.

Nematoda (BL Sci-Fi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon