Chapter Thirteen: Sick-tomatic

119 20 2
                                    

“It’s okay if you fall down and lose your spark. Just make sure that when you get back up, you rise as the whole dam fire.”

- Colette Werden

***

Balfour

Gaya ng inasahan, napahinto kami sa daan para magpalipas ang gabi. Kahit ano’ng subok ni Porter na makarating sa destinasiyon namin sa loob lang ng isang araw ay hindi pa rin kinaya. ‘Yon ay dahil sa bagal ng takbo na halos magkasinbilis ng isang pagong. Sa katunayan, pwede kaming kumaripas dahil bukod sa may araw pa kanina, ay wala rin masyadong bara sa daan. Pero para makasiguro na walang masamang mangyayari, mas pinili naming magdahan-dahan. Ika ng nila, “slowly but surely”.

Madilim na ang gabi at hindi katulad sa gabi noong nasa gym o estasiyon pa kami, mas nakakatakot dito at nakakabahala. Bawat anggulo ay may naririnig kaming mga yabag at ungol na nagmumula sa nag-iisa naming mga kaaway. Nakahiga kami ngayon ni Porter sa kama at dilat na nakikinig sa mga ingay na ‘to. Minsan napaisip ako kung bakit nilagyan pa ito ng kama, kahit na hindi naman namin ‘to magagamit nang lubusan, dahil sino ba ang makakatulog sa ganitong sitwasiyon?

Napapapikit na nga lang ako sa tuwing may nabubundol na zombie sa van dahilan para mas lubayan ako ng antok at mas panatilihin akong gising. Wala namang problema sa akin na hindi makatulog, pero para kay Porter, ibang usapan na ‘yon. Kailangan niyang magpahinga dahil magmamaneho siya bukas. Ayaw ko ring akuin ang trabaho niya dahil bukod sa hindi ako kumpyansadong imaneho ang van na ‘to, hindi ko rin alam kung gaano kabilis ang dapat kong panatilihin.

Pero katulad ko, nahihirapan ding makatulog si Porter dahil sa takot. Sa sobrang praning niya ay hawak-hawak na niya ang dalawang dagger na nakalapag sa sikmura niya. Isang senyales na anomang oras ay pwede siyang umatake. Pero alam kong hindi mangyayari ‘yon dahil para na rin naming pinatay ang sarili namin kapag lumaban kami. Walang dudang marami ang zombie sa labas kaya malaki ang tsansa na mapapatay kami at mahahawa kapag lumabas kami at lumaban. Kaya mas mainam na manatili na lang dito. Kahit papano ay ligtas kami.

Ilang oras din kaming tahimik, bago ko nagawang magsalita. “Pasensiya na kung ngayon ko lang naitanong ito, pero bakit ako?” tanong na bulong na kumuha sa atensiyon ni Porter.

Napangiti siya at muling napatingin sa kisame ng van. “Alam mo naman na hindi natin hawak ang dikta ng puso natin. Kapag na-fall ka sa isang tao, game over na. Kahit ano pa ang rason mo, o kahit walang rason, kapag minahal mo isang tao mahirap nang umatras.”

“Ang haba naman. Pwede mo namang sabihin na hindi mo alam kung bakit mo ako nagustuhan,” reklamo ko na bahagya niyang ikinatawa.

“Parang ganoon na ng—” Hindi na natapos ni Porter ang pangungusap niya nang biglang dumagundong ang isang kalabog sa kalapit na sasakyan. Nagkatinginan kami ni Porter, suot ang takot at gulat na mukha. Hindi ko na mahabol ang bilis ng tibok ng puso ko, matapos magulat sa nasabing ingay.

Kasunod ng kalabog na iyon ang isang mala-halimaw na ungol. At nagsunod-sunod ito hanggang sa wala na kaming ibang naririnig kundi ang mga ungol na lang. Inilabas ko na ang dalawa sa mga dagger ko at napahigpit ng hawak dito, habang si Porter ay dahan-dahan at tahimik na bumangon at umupo. Nagtataka sa binabalak niya, wala akong ibang nagawa kundi ang panoorin lang siya.

Lumapit si Porter sa bintana na natatakpan ng kurtina, at dahan-dahang tinabi ang tela. Kinakabahan na baka makita siya, tinapik ko siya. Pero imbis na bumalik sa pagkakahiga, sinenyasan niya akong sumilip din. Dala ng kuryosidad, bumangon ako at sumilip kagaya ni Porter.

Nematoda (BL Sci-Fi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon