“Great spirits have always encountered violent opposition from mediocre minds.”
- Albert Einstein
***
Balfour
Dalawang araw na ang nakalipas magmula n’ong mabuking ako ni Porter sa pinaplano ko. Minsan ko nang inasahan na malalaman niya ang tungkol doon pero nagawa ko pa ring magulat. Hindi ko lang inasahan na malalaman niya ito agad-agad. Tanging si Thina lang ang nakaka-alam sa plano ko dahil karapat-dapat naman niyang malaman ito dahil nga sa siya ang nagbanta sa amin tungkol sa NSD bilang mga kalaban.
Hindi ko sinasabi na hindi karapat-dapat si Porter na malaman ang plano ko. Sa katunayan nga dapat alam niya ang tungkol dito dahil bukod sa mapagkakatiwalaan siya, fiance ko rin siya at minsan na kaming nangako na hindi na kami maglilihim sa isa’t-isa lalo na kapag kaligtasan ng isa ang nakasalalay. Kaya labis akong nagsisi kung bakit ko ‘yon itinago sa kanya.
Hindi ko namang intensiyong ilihim ang tungkol doon, alam niya ‘yon. Kaya ko lang hindi muna sinabi sa kanya dahil gusto kong liitan ang tsansa na malaman ng kalaban ang tungkol sa plano ko. Kapag mas marami kasi ang nakaka-alam at nagsasagawa tungkol dito, mas malaki ang tsansa na isa sa amin ay mabuking at mahuli. At kapag nagkataon, lahat madadamay at walang NSD na babagsak.
Ayokong mangyari ‘yon. Matagal ko nang inukit sa puso’t isipan ko na ibabagsak ko ang NSD kahit anoman ang mangyari—kahit buhay ko pa ang kapalit. Magmula noong napagtanto ko na sila ang puno’t dulo ng lahat ng kamatayan sa buong mundo, ipinangako ko sa sarili ko at sa mga yumaong mahal ko sa buhay na patutumbahin ko ang sila.
Pero kailangan ko ng tulong. Kaya siguro sinadya ng tadhana na malaman ni Porter ang tungkol sa plano ko para may kasama at kasangga ako sa pagsasagawa dito. Kaya kahit papano, medyo nabawasan ang pagkabahala ko. Hindi lang si Porter ang nakaka-alam dahil pagkauwi namin noong gabing iyon, sinabi ko rin sa tatlo ang plano ko. Kagaya ni Porter, nagulat sila at hindi sumang-ayon—masyado raw kasing delikado—, pero kalaunan ay sumang-ayon din sila matamos makumbinsi na wala ng ibang paraan.
Kaya habang papunta kami ngayon sa hunting zone namin, hindi lang pagpatay ang gagawin namin kundi magre-recruit din ng hukbo ng hosts na lalaban sa NSD. Hawak ng bawat isa ang dedikasiyon na magtagumpay sa ibang plano nila ngayong gabi. Alam kong kinakabahan sila dahil nga sa makikipag-usap sila sa nilalang na dapat ay kalaban nila. Kahit ako, noong unang beses ko, hindi ko nagawang hindi kabahan.
Narating na nga namin ang lugar at kasalukuyan kaming nagtatago. Hinarap muna namin ang isa’t-isa para sa isang madaliang orientation at reminders. Alam kong kailangan nila ng boost of confidence dahil nga sa gagawin nilang pakikipag-usap mamaya.
“Hindi ako sanay sa mga speech pero isa lang ang masasabi ko: kapag nakaharap niyo na sila, pilitin niyong pakalmahin ang sarili niyo. Ipakita niyo na hindi niyo intensiyon na saktan sila dahil mas makukumbinsi sila kapag ganoon. Gamitin niyo lang ang rason na sinabi ko sa inyo kagabi at kapag nakipagnegosasyon sila, dapat matimbang ang kondisiyon,” paalala ko.
“Kinakabahan ako, Four. Parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko. Paano kung hindi ko sila makumbinsi? Paano kung magmatigas sila?” sunod-sunod na tanong ni Eshme.
Nilapat ko sa balikat niya ang kamay ko. “Kapag hindi sila sumang-ayon alam mo na ang gagawin. Wala tayong oras para pilitin ang isang host kung meron namang iba na madali lang kumbinsihin. Hindi na bale kung ilan ang makukumbinsi niyo, basta ang importante ay meron.”
BINABASA MO ANG
Nematoda (BL Sci-Fi)
Science FictionAbout the Book Ginawa sila para palakasin ang hukbong militar. Binuhay sila para magbigay ng karagdagang lakas at seguridad sa bansa. Pero dahil sa kapabayaan, sila ang naging dahilan ng pagkaubos ng sangkatauhan. Gayunpaman, lingid ito sa kalaaman...