Chapter Nine: Home-ful

118 19 1
                                    

“Souls tend to go back to who feels like home.”

- N. R. Hart

***

Porter

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko matapos maramdaman at marinig ang paggising sa akin ni Four. Nang makakita nang maayos agad ko siyang tiningnan na siyang nagbungad ng isang pagod at walang tulog niyang mukha. Dahil dito nag-alala ako na baka kung ano ang mangyari sa kanya. Sigurado pa naman ako na magiging mahaba at mainit ang paglalakad namin ngayon.

Tahimik ang buong guardhouse. ‘Yong kalabog at ungol ng mga zombies kaninang madaling araw at malalalim naming paghinga dahil sa pagtakbo ay hindi na rinig sa mga tainga namin. Nakadungaw na ang araw na siyang nagbigay liwanag sa madilim na kwarto na kinaroroonan namin. Pero para sa amin, hindi lang liwanag ang dala ng bituing ito kundi proteksiyon din mula sa gutom at mabangis na mga halimaw.

Kung kanina ay sina Selphie at Rexie ang nagbaba sa mga blinds ng mga bintana, ngayon sila pa rin. Mas naliwanagan ang kabuuan ng kwarto nang masinagan ito ng sikat ng araw. Agad binati ng katawan namin ang init nito na tumagos sa bintana ng guardhouse.

Napatayo na mula sa kinauupuan niyang sahig si Phelix na sinundan nina Trion at Marthy. Hindi na rin kami nanatili ni Four sa puwesto namin at tumayo na rin.

“Aalis na ba talaga tayo?” paniguradong tanong ni Trion na kumuha sa atensiyon ng lahat.

“Sa tingin mo may babalikan ka pa sa gym? Hula ko nga wala nang naiwan doon, maliban sa mga bangkay at zombie,” punto ni Rexie.

“Pero hindi enough ang mga dala natin ngayon,” punto rin ni Marthy.

“Magfo-forage tayo on the way papuntang pier,” mungkahi ni Selphie na sinang-ayunan ni Phelix.

“Kung ganoon, umalis na tayo habang maaga pa. Mas malayo ang mararating natin kapag maaga tayong makakapagsimula,” hudyat ni Phelix na tinanguan naming lahat. “Mas mabuti siguro kung magsapatos muna kayo,” abiso ni Phelix sa aming dalawa ni Four.

Dahil sa naging abiso niya, napayuko ako para tingnan ang paa ko na hindi ko inasahang wala palang suot na kahit anong footwear. Kung hindi sinabi sa amin ni Phelix, siguro maglalakad kami ngayon nang walang suot ang mga paa namin.

“May sapatos diyan sa bag niyo,” bigay-alam ni Rexie habang tinuturo ang bag na nasa likod namin.

Aktong itatanong ko na sana ang tungkol sa bag nang maunahan ako ni Four. “Saan ‘to galing?”

“Hinanda namin,” tugon ni Selphie.

“Hindi pa rin kayo natuto sa pagkabuking natin?” birong tanong ko.

“Saka lang kami matututo kapag wala nang ibang paraan,” biro ding tugon ni Selphie.

Halos dalawang minuto lang ang tinagal ng pagsusuot namin sa mga sapatos. Bumilib ako dahil saktong-sakto ito sa paa ko. Sinuri ko muna ito sa pamamagitan ng pagtalon at paggalaw nang mabilis. Nang malaman na pumasa ito sa kuwalipikasiyon na binuo ko, sinenyasan ko na sila na handa na ako. Ganoon din si Four na kakatapos lang din suriin ang sapatos niya.

Isa-isa na naming tinanggal ang harang na nakabara sa pinto na ginamit naming pabigat para panatilihin itong sarado. Halos ilang minuto rin ang tinagal ng pagtatanggal namin dito dahil sa dami nang naibato namin kagabi. Napapatawa pa nga ang iba matapos mapagtanto na pati ballpen ay ginawang harang. Pero hindi lang ballpen dahil pati logbook at kung ano-ano pang mga kagamitan na wala namang maitutulong sa pagharang sa pinto.

Nematoda (BL Sci-Fi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon