Chapter Fifteen: Meant-or

98 20 1
                                    

“I never lose. I either win or learn.”

- Nelson Mandela

***

Porter

Minsan ko nang pinangarap na lutuan ang boyfriend ko kapag nag-aaway kami. Ako kasi ‘yong tipo ng boyfriend na hindi natitiis ang isang away. Alam kong may hindi kami pagkakaintindihan ni Four kanina na siyang naging dahilan ng unang away namin bilang mag-jowa, at hindi ko ito nagustuhan. Noong umalis siya, gusto kong humingi ng sorry kahit na wala naman akong ginawang mali. Ayokong mag-away kami. Ayokong maging kagaya namin sila Mama at Papa na walang gabing hindi nag-aaway.

Kaya ako nagluluto ng ulam ngayon para suyuin siya. Balak ko nga sanang bigyan siya ng chocolate at bulaklak kagaya ng mga ginagawa ng iba kapag sinusuyo nila ang mga jowa nila, pero napagtanto ko na nasa ilalim nga pala kami ng isang zombie apocalypse.

Speaking of zombies, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na naging tama ang hula ko tungkol sa pagsabog sa Stout Isle. Matagal ko nang pinagsususpetyahan ang lugar na ‘yon dahil sa madalas akong pumupunta sa Gita Islet para mag-unwind at makalayo sa gulo nina Mama at Papa. Minsan ko nang nakita ang isang barko na dumaong dito sa kalagitnaan ng gabi.

Bukod diyan, napaisip din ako sa mga tao na may gawa sa mga parasite na ‘yon. Kung tama nga ang hula ng parasite na may laboratoryo sa Stout Isle, ibig sabihin ang barkong dumaong d’on ay may kinalaman sa paggawa sa mga parasite. At kinabahan ako nang maalala ko na ang barkong iyon ay pagmamay-ari ng National Security Department. Alam kong mali ang mamintang, pero malakas ang kutob ko na sila ang puno’t-dulo ng kaguluhang ito.

“Shit!” mura ko matapos mapagtanto ang niluluto kong sausages. Agad ko itong binaliktad pero huli na ako—sunog na ito. Mas itinuon ko na ang sarili ko sa pagluluto dahil ayokong handaan si Four ng sunog na pagkain. Dahil baka imbis na magkaayos kami ay mas lalala lang ang sitwasiyon.

Pinatay ko na ang kalan matapos maluto ang huling batch ng ulam. Hinanda ko na ang mesa at ginawa itong romantic. Pero hindi naman ganoon ka-romantic dahil baka masayang lang ang efforts ko. At kilala ko si Four—hindi siya mahilig sa mga cliche at cheesy na mga pasabog. Mas gugustuhin niya pang mag-date na nagfo-foodtrip kesa uupo lang sa isang mamahaling restaurant.

Halos kalahating oras din ang tinagal ng paghahanda ko bago ako na-satisfy. Nang malamang ayos at handa na ang lahat, bumunot na ako ng lakas ng loob para puntahan si Four. Huminga ako nang malalim at saka naglakad papunta sa kwarto ni Four. Pero dismayado ako nang makitang walang tao ang kwarto nang silipin ko ito gamit ang butas na nasa pinto.

Pinasok ko ito, umaasang makita siya sa banyo pero wala rin siya roon. Kaya lumabas na ako para tunguhin ang kwarto nina Tito at Tita. Aktong kakatok na sana ako nang mag-alangan ako. Baka ayaw niya pa akong kausapin? Pero hindi naman kami mag-uusap. Baka busog pa siya para kumain? Imposible. Kanina pa siyang walang kain. Namamatay na ‘yon siya sa gutom.

Nang maisip ko ang salitang “namamatay”, kinabahan ako na baka tinuloy niya ang plano niya kanina. Baka tuluyan na nga siyang sumuko para mapatay rin ang parasite sa utak niya. Hindi. Malaki ang tiwala ko kay Four. Hindi siya basta-basta sumusuko at ayaw niyang sayangin ang hiling sa kanya nina Tito at Tita. Gusto ng mga magulang niya, ko, na mabuhay siya.

Pero may tyansa pa rin na nagpakamatay si Four, lalo na’t nagluluksa pa siya sa nangyari sa magulang niya. Depressed siya at hopeless, kaya madali lang sa kanya ngayon na sumuko. Kahit sino naman siguro susuko agad kapag pamilya na ang pinag-uusapan.

Nematoda (BL Sci-Fi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon