“If you’re brave to say ‘goodbye’, life will reward you with a new ‘hello.’”
- Paulo Coelho
***
Porter
A-ako?” hindi makapaniwalang tanong ni Four matapos marinig ang sinabi ko. Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa gulat at hindi ko napigilang mapangiti. “La-lasing ka na nga, Po-porter,” natatawa niyang paratang at saka napainom sa beer na hawak niya. Sa sobrang gulat, naubos niya nang isang inuman lang ang natitirang beer sa lata niya.
“Sinabi ko nang hindi ako lasing. Walang epekto sa akin ang mga beer na ‘to. Bakit ayaw mong maniwala na ikaw ang gusto ko? Balfour Horne, gusto kita,” pag-uulit ko. Sa pagkakataong ‘to, hindi na siya nagulat. Pero nanlalaki pa rin ang mata niya na tila sinasabi ng katawan niya na hindi pa niya napo-proseso ang mga sinabi ko.
“Pero—”
“Imposible at hindi kapani-paniwala?” singit ko habang nakangiti. “Alam ko, pero ‘yon ang totoo. Baduy man itong pakinggan pero nagsimula ito n’ong unang pagkakakilala natin. Alam ko na sa mga panahon na ‘yon ang sexual orientation ko kaya hindi na ako nagduda na magkagusto sa’yo,” paliwanag niya.
“We-weird, pero pareho tayo ng nararamdaman. Hula ko nga alam mo na ito?” natatawa niyang tanong habang nakatitig sa bakanteng lata ng beer niya.
Napangiti ako. “Napansin ko,” tugon ko na siyang bahagyang nagpatawa sa kanya. “At ‘yon ang nagpapa-cute sa’yo. Gusto ko kung paano mo tinatago ‘yong feelings mo para lang hindi ko mapansin. Nakakatuwang tingnan, pero mostly nakakakilig,” pagtapat ko na nagpailing sa kanya nang ilang beses.
“Hindi naman kasi ako katulad mo na perpektong-perpektong magtago ng feelings.”
“Pasalamat nga ako na hindi ka marunong. ‘Yon kasi ang motibasiyon ko para palagi kang magustuhan dahil alam ko na may malaki akong pag-asa sa’yo.”
“Pero hindi ko pa rin maisip kung bakit nagustuhan mo ako. For me, kaya kong maglista ng isang daang rason para magustuhan ka, pero kung ako, hindi ko alam kung may malilista ba. Hindi ko nga alam kung may masusulat ka ba sa akin.”
Hinawakan ko ang ulo niya. “I can write thousands,” nakangiti kong sabi na ikinagulat niya. Kasabay nito ang pagpula ng mukha niya. Alam kong hindi ito dala ng kalasingan dahil ramdam kong galing ito sa puso niya. “Pero kaya ko itong sabihing lahat sa isang salita lang at ‘ikaw’ ‘yon. Limang taon ang hinintay ko para lang masabi sa’yo ‘to—at hindi dahil naduduwag ako na sabihin ito kundi dahil wala pa akong naipong pruweba para maniwala ka dito. Kaya palagi kitang kasama, mine-message, binibisita, at kinukumusta para malaman mo na totoo ang nararamdaman ko para sa’yo.”
“So, all this time tagong nanliligaw ka na pala sa akin?” natatawang tanong niya na natatawa ko ring tinanguan. “Ang totoo niyan, hindi mo naman kailangang ipaliwanag sa akin ang mga ganito at ganyan. Alam ko naman sa sarili ko na ni minsan hindi mo ako niloko—maliban sa mga pranks mo—at ni minsan pinaglaruan mo ang feelings ko sa’yo. Sa simula pa lang, ramdam ko na ang presensiya at pagmamahal mo, pero ang nasa utak ko lang ay kilos-kaibigan lang ito. Ayoko naman kasing mag-assume dahil ako lang din naman ang masasaktan. But it turns out, tama ang hula ko na noon na hanggang sana lang,” litanya na.
“So… ano na’ng susunod?” nahihiya kong tanong.
“Well, kung titingnan, wala na tayong iba pang gawin kundi ang sundin ang mga nararamdaman natin. Pinatunayan natin sa isa’t-isa na capable tayo sa ganitong relasiyon. Kahit nga noong magkaibigan pa lang tayo, para na tayong mag-jowa kung magkasama. At ano pa ba’ng masamang mangyari? At ang totoo niyan, ito rin ang gusto ko. Pero siyempre sang-ayon ka rin. Ano ba’ng gu—”
BINABASA MO ANG
Nematoda (BL Sci-Fi)
Science FictionAbout the Book Ginawa sila para palakasin ang hukbong militar. Binuhay sila para magbigay ng karagdagang lakas at seguridad sa bansa. Pero dahil sa kapabayaan, sila ang naging dahilan ng pagkaubos ng sangkatauhan. Gayunpaman, lingid ito sa kalaaman...