Chapter Fourteen: Prow-us

105 17 7
                                    

"The measure of intelligence, is the ability to change."

- Albert Einstein

***

Balfour

Napabalikwas ako ng bangon sa hindi malaman na dahilan. Bigla ko na lang kasing naramdaman na parang may nangyari na hindi ko alam na dapat kong malaman. Mabilis ang tibok ng puso na parang galing ako sa impluwensiya ng isang bangungot. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi na ako nakaramdam ng bigat ng katawan. Parang ang lusog-lusog ko.

Nalibot ko ang paningin ko na siyang nagbigay-alam sa akin na nasa banyo pala ako. Medyo malinaw pa sa ala-ala ko ang pagpunta ko rito matapos makaramdam ng matinding sakit ng ulo. Pero may isang memorya ako na nagpatakot sa akin. Hindi ko alam kung panaginip 'yon, pero dito sa banyo ko nangyari ang nakakakilabot na pangyayaring 'yon.

Kahit hindi ko pa natatandaan ang nangyari kagabi, malinaw ko namang naaalala ang nakita ko sa mukha ko noong manghihilamos sana ako. Ang mga pulang likido na kumawala sa dalawang mata ko, sa ilong, at sa tainga. Kaya dahan-dahan akong tumayo at sa bawat sentimetro na nakukuha ko sa pagtayo mula sa sahig na pinag-upuan ko, mas bumibilis ang tibok ng puso ko dala ng matinding takot at kaba.

Minsan ko nang naisip na maging zombie ako, at walang duda na ang nangyari kagabi ay isang konkretong senyales na baka naging isa na ako. Pero kung talagang naging zombie na ako, bakit pa pakiramdam ko na ako pa rin ang may hawak sa katawan ko? Ito ba ang nangyayari kapag nahawaan ang isang tao—nananatili ang kamalayan niya? Pero kung ganito nga ang nangyayari, bakit pa rang wala sa katinuan ang mga zombies na nasa labas?

Puno ng tanong ang utak ko, at nadagdagan pa ito nang makita ko ang itsura ko sa salamin ng lababo. Labis na pagtataka ang puminta sa mukha ko nang mapansing walang ipinagbago sa itsura ko. Walang nangingitim na mga mata at naninilaw na mga ugat kagaya sa mga zombies. Pero pansin ko pa rin ang bakas na pinagdaluyan ng dugo kagabi. Bukod sa mga ito, hindi ako nakakaramdam ng gutom sa karne. Sa halip, gusto kong uminom ng tubig dahil sobrang uhaw na uhaw ako.

Para makasiguro, nilapit ko sa salamin ang mukha ko at maigi itong tiningnan. Isa-isa akong sinuri ang mga mata ko pero katulad pa rin ito ng dati. Sinunod ko ang dila ko na katulad sa mga mata ko ay wala ding ipinagbago. Natataranta dala ng labis na pagtataka, binuksan ko ang gripo. Pero gulat na lang ako nang biglang matanggal ang mismong gripo na siyang nagpaulan ng tubig. Gamit ang tuwalya, tinakpan ko ang sirang gripo na patuloy pa rin sa pagsuka ng tubig.

Saka ko pa napagtanto na hawak-hawak ko pa rin ang mismong gripo. Dala ng kilabot, natapon ko ito na parang nandidiri ako dito. Pero dahil sa kilos na 'yon, napansin ko ang isang nakakasindak na tanawin. Parang pininturahan ng pulang pintura ang sahig ng banyo dahil sa lawak na dugo na nagkalat dito. Sa sobrang dami nito ay parang may krimeng nangyari dito.

Resulta ng matinding takot, kumaripas akong tumakbo palabas ng banyo. Nabutas pa nga ang pinto ng kwarto ko nang marahas kong ihampas ang kamay ko dito para buksan. Dahil dito mas tumindi ang takot ko sa sarili ko. Gusto kong lumayo pero napakaimposible—walang sinoman ang makakalayo sa sarili nila. Gayunpaman, nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa malagpasan ko ang kusina.

Agad akong napahinto nang may mahagip ang mata ko mula sa kusina. Dahan-dahan akong umatras hanggang sa makita ko ang kabuuan nito. At kasinbilis ng pagkurap ang paglaki ng mata ko nang makita si Porter na walang malay sa sahig. At hindi lang siya nakahiga kundi naliligo rin sa sarili niyang dugo. Mas nagmukhang crime scene ito dahil sa katawan ni Porter na tila nabiktima ng isang mamamatay-tao na kriminal.

Wala na akong inaksayang oras at nilapitan na siya. Pero n'ong nasa tabi na niya ako, hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin. Kung mas lalapitan ko pa siya baka sunggaban niya ako. Hindi ko alam na zombie na pala siya.

Nematoda (BL Sci-Fi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon