Chapter Twenty-Four: Hosts-tage

86 11 0
                                    

“All the mistakes I ever made were when I wanted to say ‘No’ and said ‘Yes.’”

- Unknown

***

Porter

Hawak ang dalawang dagger sa kamay, pagod at hingal na hingal kong tinitigan ang limang kalaban ko na nagpapahinga rin sa kabilang dulo ng kwarto. Ang totoo niyan, hindi naman nila kailangang magpahinga dahil mga dummies lang naman sila—mga robot na prinogram para magsagawa ng series of actions na makakabenipisyo sa kahusayan naming mga Host-X. At dahil mga pekeng kalaban lang sila, gamit ko ang ordinaryong mga dagger. Ito ‘yong bigay sa akin ni Four noon.

Miyerkules ngayon, ibig sabihin hunting schedule ng Team A. Habang abala sila sa pagpatay sa mga totoong kalaban, kami namin sa Team B ay abalang kinakalaban ang mga dummies. Sayang lang kasi kung tutunganga lang kami. Mas nakakapagod kaya nang walang ginagawa.

Kasama kong nag-iinsayo sa mga simulation cubes si Four na kasalukuyang kinakalaban ang apat na dummies. Si Eshme ay mas piniling mag-gym kasama si Froylan. Si Usharo naman ay nasa pinakadulo ng training area nagme-meditate—isang tipikal na gawain ng isang disciple ng Japanese martial art.

Isang tunog makina ang kumuha sa atensiyon ko na siyang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan kong responsibilidad. Napahigpit ako ng hawak sa mga dagger ko habang tinititigan ang limang nakahandang dummies sa unahan. Lahat sila may mapupulang mata na tila mga rogue robots na gusto akong patayin. Well, mapapatay talaga ako kung hindi ko seseryusohin ang laban. Naka-set up kasi sila sa “hard mode” kaya wala silang ibang objective kundi ang bugbugin at bigyan ako ng maraming pasa at sakit sa katawan.

At masasabi kong mahusay ang pagkaka-program nila. Kasi habang nilalabanan ko sila kanina, para akong nakikipagsagupaan sa limang totoo at bihasang mga tao. Napakalambot ng bawat galaw nila na tila hindi sila gawa sa metal at wires. Minsan napapaisip ako kung artificial intelligence ba ang mga ito, dahil kung A.I. nga, lagot ako.

Unang umatake ang dalawang dummies na nasa pinakaunahan ng tatlo na siyang nagpa-alerto sa akin. Hindi muna ako gumalaw at hinintay munang makatiyempo. Nang makita ang tiyempo na hinahanap ko, mabilis akong tumalon dahilan para matakasan ko ang mga atake nila. Pero gulat ako nang mahagilap ko ang dalawa pang dummies na nasa ere na rin katulad ko.

Mabilis kong iniba ang orientation ng katawan ko dahilan para makaiwas na naman sa atake ng dalawa. Pero minalas muli ako nang sumalubong sa akin ang isang sipa mula sa naiwang isang dummy. Bumulusok ako pabagsak sa sahig ng cube pero ginaya ko ang angking galing ng mga pusa dahilan para makalapag ako sa dalawa kong mga paa.

Dala ng inis na naisahan ako ng mga programmed metal heads, mabilis ko silang sununggaban. Una kong inatake ang isang dummy na kakalapag lang mula sa pagkakatalon kanina para salubungin ako sa ere. Dahil masyadong mabilis ang pangyayari, nagawa kong saksakin ang target na nasa dibdib niya—ang target na ‘to ay gawa sa mala-kutson na bagay na kapag sinaksak ng patalim ay parang wala lang itong natanggap. May sensor rin ito na siyang magpapatay sa dummy kapag may na-introduce na foreign objects, katulad ng dagger, sa loob nito.

Agad umitim ang mata ng dummy, tanda na naisahan ko siya. Aktong magsasaya na sana ako nang maalala ko na may apat pang naghihintay sa akin. Kaya muli ko itinuon ang sarili ko sa laban na sa isang iglap lang ay muling sumiklab.

Mas naging mainit ang labanan naming apat. Nakakapagod man at pahirapan, nagawa ko namang sabayan ang kilos nila. Sa loob lang ng sampung minuto pagkatapos ng pagbagsak ng isa kanina, may isa na namang natumba. Dahil dito, mas ginanahan akong lumaban. Ramdam ko na ang adrenaline sa dugo ko—‘yon ay kung meron pa—na siyang mas nagbigay sa akin ng kagustuhang patumbahin ang natitirang tatlo.

Nematoda (BL Sci-Fi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon