Chapter Twenty-Six: Beat-rayal

67 14 5
                                    

“The saddest thing about betrayal is that it never comes from your enemies.”


- unknown

***

Balfour

Isang kilometro na lang ang layo ng destinasiyon mula sa kasalukuyang lokasiyon namin pero mukhang matatagalan kami na marating ito. Mag-aalas-syete na kasi ng gabi kaya heto kami, nilalabanan ang mga hosts na hindi ko na mabilang dahil sa sobrang dami. Hindi namin inasahan ang dami nila kaya hindi kami nakapagpigil kanina na magulat nang magsilitawan sila mula sa pinagtataguan nila.

Kalahating oras na ang nakalipas magmula noong unang sagupaan namin sa mga ito pero marami pa rin ang naiwang buhay at handang lumaban. Pinapalibutan kami nito, habang pinapalibutan naman namin ang mga sundalo. Dahil walang silbi ang mga baril nila at wala silang angking kakayahan na meron kaming mga Host-Xs, wala silang ibang nagawa kundi ang maghintay na matapos kami. Alam kong takot na takot sila at dahil dito hindi ko naiwasang mapangiti.

Nasa defensive stance ang lahat ng Host-X para protektahan ang mga sundalo. Responsibilidad kasi namin sila, ika nga ng General. Pero napatanong na naman ako na siyang kumwestiyon sa misyon na ‘to at siyang nagpa-igting sa suspetya ko na may mangyayaring masama mamaya: bakit nagpadala pa ang general ng mga sundalo kung magiging inotil lang naman pala ito pagdating sa ganitong sitwasiyon?

Maraming tanong ang tumatakbo sa utak ko ngayon pero mas pinili ko itong takpan at isantabi dahil mas prayoridad ko ngayon ang sitwasiyon na kinaroroonan namin. Kasabay ng mga katagang iyon ay ang pagsunggab ng tatlong hosts sa direksiyon ko. Matapang at galit nila akong sinugod na siyang sinalubong ko ng sunod-sunod na atake. Sa loob lamang ng dalawang minuto, tumba na sila.

Kaming mga kalalakihan, plus si Thina, ang paunang depensa ng mga sundalo. Habang sina Eshme at Annia ang pangalawa at huling depensa. Trabaho nilang patayin ang mga hosts na makakatawid sa depensa naming mga nasa unahan. Ibig sabihin, sila ang huling pag-asa ng mga sundalo. Pero kung ako ang tatanungin, mas pipiliin kong ipakain ang mga sundalong ‘to sa mga hosts.

Nagpatuloy ang pakikipaglaban namin na umabot sa isang oras at kalahati. Habol ng bawat isang kabilang sa paunang depensa ang mga hininga dahil sa pagod na dala ng walang pahingang sagupaan. Balot ng bangkay at dugo ng hosts ang lupa habang kami ay nangangamoy pawis at langsa na galing sa mga tumalsik na dugo ng mga kalaban.

May iilan pang natira pero mabilang na lang sila. Wala rin silang planong umatake matapos masaksihan ang kinahihinatnan ng mga kasamahan nila. Nakatayo lang sila sa mga puwesto nila, tinitingnan kami at marahil ay nagkakaroon na rin ng internal breakdown dahil nga sa pagkamatay ng mga kasama. Malas nga lang at hindi sila marunong umiyak na literal dahil kapag nagkataon, tatawanan ko sila. Pero kung meron mang makakapagpatawa sa akin ng husto, ‘yon ay ang pagbagsak ng NSD.

“Let’s mov!” paanyaya na sigaw ni Xeliex na siyang nagpatakbo sa buong hukbo papalapit sa nasabing warehouse. Dahil isang kilometro pa ang layo, hindi namin napigilang mapahinto para patayin at pabagsakin ang mga harang sa daan. Kaya isang oras na naman ang nagdaan bago namin tuluyang narating ang perimeter ng warehouse.

Matapos kandaduhan ang gate na yari sa matibay na metal, pagod at inaantok naming tinungo ang mismong gusali na hula ko ay ang warehouse. Para lang itong ordinaryong warehouse na may dalawang dambuhalang pinto at karaniwan na desinyo. Dahil madilim na, hindi ko na malaman kung ano ang kulay nito.

Dalawang sundalo ang sabay na nagbukas sa dambuhalang pinto ng warehouse na siyang naglabas ng isang ingay. Umalingawngaw ito sa buong lugar dahil nga sa katahimikan na bumabalot dito kanina. Sa sobrang tahimik nga kanina ay para akong mabingi.

Nematoda (BL Sci-Fi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon