Chapter Nineteen: Simi-lair

97 15 0
                                    

"A man of calm is like a shady tree. People who need shelter come to it."

- Toba Beta

***

Balfour

Nakatali na!" sigaw ko matapos matali ang lubid ng yate sa isang haligi ng daungan. Isang thumbs up ang ibinigay ni Porter bilang tugon, senyales na nakuha niya ang mensahe ko. Muli siyang bumalik sa trabaho at 'yon ay ang patayin ang makina. At gaya ng inasahan, biglang tumahimik ang yate, tanda na hindi na umaandar ang makina nito.

Habang naghihintay kay Porter na makababa sa yate, tiningnan ko muna ang kabuuan ng piyer. Ayon sa lalaki sa radyo, may inilagay silang mga sign na siyang magdadala sa amin sa Sanctum at sigurado akong may mga sign dito dahil ito ang unang koneksiyon ng Caerodyl sa Veridel.

Bahagya akong napatalon sa gulat nang tumalon pababa sa daungan si Porter. Sinamaan ko siya ng tingin na siyang nagtaas sa dalawa niyang kilay. Hindi ko na lang pinalala ang sitwasiyon dahil may mas importante pa kaming gagawin kesa sa magbangayan at magtalo.

Nagsimula na kaming maglakad ni Porter habang alertong hinahagilap ang mga signs na tinutukoy ng lalaki. Pero narating na lang namin ang labas ng piyer pero wala pa rin kaming nakikita. Ang tanging signs lang na nakita namin ay mga warning signs at kung ano-ano pa. Gayunpaman, masyado pang maaga para sumuko, kaya nagpatuloy kami ni Porter.

Walang ipinagbago ang daan sa itsura nito noong dinaanan namin ito. Kung tama ang pagkakaalala ko, ganoon pa rin ang ayos ng mga sasakyan na nakaharang sa daan. Pansin pa rin ang mga bakas ng kaguluhan dahil sa mga sira at dugo na nagkalat sa lahat ng anggulo ng lugar. Pero sa lahat ng nakita namin, wala pa ring signs na nagtuturo sa kinaroroonan ng Sanctum.

Pero hindi kami sumuko at nagpatuloy pa rin. Wala kaming mapapala kung hihinto kami. Ginusto naming pumunta dito kaya paninindigan namin ito. Masyado na ring huli para bumalik pa sa Veridel, at kahit may panahon pa, masyado na akong takot para bumyahe pa sa Humen Sea. Halos kumawala sa katawan ko ang kaluluwa ko kagabi nang hagupitin kami ng bagyo. Akala nga namin tataob na kami, pero sa awa ng Diyos nakaraos kami.

Kaya gagawin ko ang lahat na mahanap ang Sanctum para may rason akong hindi na makabyahe sa dagat na 'yon. At para na rin makapagpahinga na si Porter. Alam kong gustong-gusto na niyang matulog dahil sa pagmamaneho niya nang magdamag kagabi. Hindi ko rin siya natulungan dahil wala naman akong alam sa pagmamaneho ng yate. Kaya hindi masukat ang konsensiya ko matapos pagurin ang fiance ko.

"Gotcha!" biglang banggit ni Porter na kumuha sa atensiyon ko. Tinakbo ni Porter ang isang parte ng gusali at napahinto sa pader nito. May tiningnan siya dito na siyang tiningdan ko rin. "Ito na siguro ang sign na tinutukoy niya," bulalas ni Porter habang nakatutok ang mata sa isang graffiti sa pader na may nakasulat na "Sanctum" at isang arrow na tinuturo ang isang direksiyon.

"Sign nga," pilosopo kong puna.

"Bilisan na natin," paanyaya ni Porter na naunang tinungo ang direksiyon na tinuturo ng arrow. Dahil natagpuan na namin ang unang sign, naging madali na sa amin ang paghahanap sa iba. Kailangan lang naming sundin ang arrow na siyang magdadala sa amin sa susunod na sign. Kung titingnan, para kaming nagte-treasure hunt sa ginagawa namin pero imbis na kayamanan, tahanan ang naghihintay sa amin.

Hindi ko na mabilang kung ilang signs na ba ang nakita namin dahil masyado akong abala sa paghahanap sa iba. At matapos ang ilang oras na paghahanap ay narating nga namin ang hangganan nito. At magkasalubong na kilay ang bumakas sa mukha namin matapos matanto ang dulo ng mga signs. Dahil imbis na pinto, pader ang nandito—isang lumang pader ng isang lumang gusali.

Nematoda (BL Sci-Fi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon