Chapter Eighteen: Be-leave

99 16 0
                                    

"Words are leaves — deeds are fruit."

- Anonymous

***

Porter

Ang araw ngayon ay August 20, 2050. Ngayong araw na 'to ang unang taon na napasailalim ang Earth sa malupit at nakakasindak na panganib na dala ng mga hosts. Pero bukod diyan, ipinagdidiriwang din namin ni Four ang kamatayan ng mga matalik naming kaibigan at pamilya. Parang kahapon lang nang mangyari ang trahedya na siyang kumitil sa hindi mabilang-bilang na mga buhay.

Masakit man ang dala ng kahapon, naging masaya naman kami ni Four sa narating namin bilang mga huling residente ng Veridel. Burado na ang mga salitang nakalista sa listahan ni Four dahil nagagawa at nakukuha na namin ito. May gulayan na kami na naging main source ng pagkain namin. Pangalawa naman ang itlog mula sa pinalaki naming mga manok. Bihira lang kaming nagkakarne dahil nga sa pangmatagalan ang paglaki ng mga baboy.

Bukod sa pagkain, may matibay na depensa na rin ang bahay. Mula sa barbed wires papuntang electric fence, ay nasa amin na. May gumagana na rin kaming radyo na halos kalawangin na dahil sa palaging tahimik ito. Araw-araw kaming tumatawag dito pero wala kaming natatanggap na sagot. Gayunpaman, hindi namin naisipang sumuko dahil naniniwala kami na balang araw may sasagot din sa amin.

Nasa VeriMart kami ngayon naghahanap ng kandila para sa gagawing pagsisindi mamaya bilang pag-alaala at dasal sa mga namayapa. Halos bakante na ang mga shelf ng VeriMart dahil nakuha na namin itong lahat. Ang naiiwan na lang dito ay mga kagamitang wala nang silbi at pagkain na nabulok na. Ito ang isa sa dahilan kung bakit naisipan naming magkaroon ng vegetable garden at magpalaki ng mga hayop.

"Dito, Porter?" tawag ni Four na nasa pinakadulo ng tindahan. Agad ko siyang pinuntahan hanggang sa makita ko siyang namimili ng maayos na kandila. Nagkakaiba sa hugis at anyo ang mga kandila dito pero mas marami ang mga candlestick.

"Maghahanap ako ng posporo," paalam ko na tinanguan niya. Mabilis kong tinungo ang puwesto kung saan ko huling nakita ang mga posporo, pero nagduda ako kung may natira pa ba. Ayon sa pagkakaalala ko, nakuha na namin lahat ng posporo. "Sana lang may natira pa," dasal ko. Saktong pumasok sa paningin ko ang shelf na kinalalagyan ng mga ito at agad akong nadismaya nang makita itong bakante at walang laman.

"May nakita ka!" tanong na sigaw ni Four.

"Nakuha na natin lahat ng posporo! Wala na'ng natira dito!" namomroblema kong tugon. Paano namin masisindihan ang mga kandila kung wala kaming pansindi?

"Mukhang nilubayan ka na ng suwerte mo, ah," asar ni Four na bumura sa simangot ng mukha ko. "Mabuti na lang at sa akin lumipat," dugtong niya na ikinakunot ng noo ko. Isang kamay ang nakita kong nakataas habang hawak ang isang kahon ng posporo. Hindi ko na napigilang mapangiti at saka naglakad sa kinaroroonan nito.

"Saan mo 'yan nakita?" namamanghang tanong ko.

"Joke lang. Siyempre nagdala ako," biro niya na mas ikinatawa ko. "Pero seryoso ako na sa akin lumipat ang suwerte," katwiran niya habang tinitingnan ang laman ng posporo. Medyo puno pa ito kaya hula ko ay bago ito.

"Paano mo naman nasabi?"

"Dahil sa'yo," namumula niyang sabi habang nagpapanggap na nagbibilang ng palito. Para akong kinuryente dala ng sabi niya. Ilang beses na akong kinilig pero wala ang mga iyon sa naramdaman ko ngayon. Bihira kasing nagsasabi nang ganito si Four kaya sa tuwing nagpapakilig siya, natatamaan ako palagi. Sobrang tama.

"Tara na nga," natatawa kong paanyaya sa kanya sabay akbay. Naka-akbay ako sa kanya habang tinatahak namin ang daan palabas ng tindahan. "Ako na diyan," tukoy ko sa basket ng VeriMart na may lamang mga kandila.

Nematoda (BL Sci-Fi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon