Rui's POV
Nasa cafeteria ako kasama si Kian. Actually, ayoko naman talagang sumabay sa kanyang mag-lunch dahil hindi ako sanay na may kasama. Pero mapilit kasi talaga siya at saksakan ng daldal kaya napapayag na rin ako.
Habang kumakain kami ay napapansin kong pinagtitinginan ako. Hindi naman sa pagiging praning pero pakiramdam ko ay pinag-uusapan rin nila ako. Hindi na ko nakatiis at tinanong ko na si Kian.
"Ahm. Kian. Bakit pinagtitinginan ako ng mga tao?"
"Ha! Nagtaka ka pa? Eh minarkahan ka na ni Harley hindi ba? Malamang sikat ka na! "
Naalala ko na naman ang panghahalik na ginawa ng psycho na 'yon sa akin. Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko.
"Bakit? Ano bang ibig sabihin 'non?"
Sumubo siya ng kanin at humigop ng sabaw. "Once na minarkahan na ni Harley ang kahit na sino, mapababae man o lalaki, bakla o tomboy, ang ibig sabihin lang ay hindi na siya pwedeng kantiin o pakialaman ng kahit na sino rito, kung hindi ay makakamatayan talaga!" tumungga siya sa bottled water. "At ikaw, bilang prospect ka na ni Harley, humanda-handa ka na kasi mabangis ang babaeng 'yon. Oras na tuklawin ka niya. Hindi ka na makakawala. Hahanap-hanapin mo na siya."
"Hindi ako papayag na gawin niya sa'kin 'yon."
Tumawa si Kian. "Nahalikan ka na nga di ba? Patikim pa lang 'yan. May mga kasunod pa at mas malala pa! "
Hindi ako sumagot.
"Pero ang swerte mo. Matinik na chix 'yung nabingwit mo. Paniguradong kinaiinggitan ka na ng halos 80% ng kalalakihan dito sa campus."
"Bakit? Maliban sa psychotic si Harley. Anong klaseng tao ba siya?"
Namilog ang mata niya at bahagyang lumapit sa'kin. "She's a vixen. A sex goddess! Karamihan sa nagiging biktima niya ay na-a-addict sa kanya. Kaya ikaw, hanggat maaari labanan mo ang tukso ---------- mukhang virgin ka pa man din. "
Nag-iwas ako ng tingin.
"Hindi ako magpapadala sa kanya, Kian."
"Haha. Sinasabi mo lang 'yan. Pero ano pa nga ba ang masasabi ko kundi isang malaking goodluck."
After Class.
Pauwi na ako. This time ay hindi ko na kasama si Kian dahil magkaibang direksyon ang inuuwian namin.
Medyo padilim na ngayon at may kalayuan pa ang tinutuluyan kong condominium building. Wala ring nagdadaan na taxi rito dahil hindi ito national road at kakaunti lang ang dumadaang pampasaherong sasakyan. Wala tuloy akong choice kundi ang maglakad.
Sa di kalayuan ay natanaw ko na ang malaking gate ng condominium. Sa waiting area ay may nakita akong babaeng nakahoodie-ng itim na humithit ng sigarilyo. Nang lubusang makalapit roon ay agad na namukhaan ko kung sino siya.
Si Harley!
Napuno na naman ng kaba ang dibdib ko.
"Goodevening po, Sir. " sabi ng gwardiya sa akin.
Nakita kong lumingon si Harley sa amin.
Mabilis kong iniwas ang aking tingin pero huli na dahil nakilala na niya ako."Rui!! " tinapon niya ang sigarilyo at lumapit sa akin. "What a coincedence! Dito ka rin pala nakatira! "
Dito ka rin? Ang ibig niyang sabihin ay dito rin siya sa condo tumutuloy?!!
"Ah Oo. ----------Sige. "
Dali-dali akong pumasok sa loob. At dahil nakasunod agad siya ay gusto ko na lamang liparin ang unit ko para matakasan siya.
"Anong floor ka? Tsaka anong unit number? "
Hindi ko siya sinagot. Dire-diretso lang ako.
"Uy! Sandali lang, kinakausap pa kita! "
Sumakay ako ng elevator. Nakasunod pa rin siya sa akin.
Ano ba 'yan?! Paano ko ba matatakasan ang babaeng 'to?
"Anong floor mo? " tanong niya.
"Ahm... 10th." pagsisinungaling ko. Ang totoo ay sa 5th floor ako.
"Ah ganun ba? Sayang! Hindi tayo magka-floor. Sa 5th floor kasi ako."
Namilog ang mata ko. Anak ng... kung minamalas ka nga naman!
"Sige. Dito na lang ako. " aniya ng bumukas na ang elevator sa 5th floor. Kapagkuwan ay bumaba na siya. Nakangiting kumaway pa siya sa akin bago tuluyang sumara ang pintuan.
Nakahinga ako ng maluwag.
Hay... "Muntik na ko.. "
Pagbukas sa 10th floor ay pinindot ko pabalik sa 5th floor ang elevator. Mga ilang saglit ay bumukas na iyon. Sumilip pa muna ako sa labas para makasiguro na wala na roon si Harley.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa aking unit ng may biglang humatak sa akin.
"Got you."
Si... si.. Harley!!
Itinulak niya ako pasandig sa pintuan at itinutok ang kung anong matalim na bagay sa tiyan ko.
Nangatog ako sa takot. Pakiramdam ko'y katapusan ko na!
"Ang kapal ng mukha mong magsinungaling sa'kin. Eh alam ko naman ng kapit-bahay kita."
Hinawakan niya ako sa aking pisngi na dumiretso sa aking batok. Ibinaba niya ang bibig niya sa tenga ko.
"Kanina pa kita inaabangan sa labas. Alam mo ba 'yon?"
"Ta-talaga? Ba-bakit? "
"Dahil gusto kitang makita. Sinabi ko na di ba, gusto kita Rui. I want all of you."
Ginagat niya ang tenga ko. Agad na nagtaasan ang aking balahibo.
"Gu-gusto mo bang sa loob na lang tayo mag-mag-usap kasi baka may dumating tapos makita tayo rito.. "
Isa pa ay bulls eye sa pwestong iyon ang CCTV camera.
"Ayoko." bulong niya. "Hindi ako pumapasok sa kwarto ng lalaki."
Natigilan ako.
"But you can come in to my room! " nag-angat na siya ng mukha at lumayo sa akin. "Halika! Nagluto ako ng sinigang! " sabay hila sa kamay ko.
"Te-teka... " nagpumiglas ako. As in pwersahan! Dahilan para mabitawan niya ang kamay ko.
Tinitigan niya ako ng masama.
"Sasama ka sakin o sasaksakin kita?" biglang nagbago ang itsura ng mukha niya. Biglang tumalim ang kanyang mga mata. Parang may panganib na nagbabadya.
Pero hindi ako magpapatalo.
"Saksakin mo na lang ako, Harley."
Bahagya siyang natigilan kapagkuwan ay biglang ngumiti. Yung tipong sobrang creepy. Mabuti na lang talaga at maganda siya kung hindi ay baka hinimatay na ako sa takot.
"Okay! Sinabi mo eh! "
Itinaas niya ang hawak niyang ballpen at humakbang palapit sa'kin. Napapikit na lang ako at hinihintay ang nalalapit kong katapusan.
But on my surprise ay imbis na saksak ang ibinigay niya ay isang halik sa leeg ang naramdaman ko! At hindi pa siya nakontento dahil kinagat pa talaga niya!
"Aaaahhh!!!! " T*ng*na! Ang sakit!
Tumawa siya. "Akin ka na! You can't escape from me, Rui. It's either magpapaubaya ka or ha-harass-sin kita. "
Natulala ako..
What is wrong with her?
Hindi biro ang babaeng 'to. She's a freak!! Totoo nga ang sinabi ni Kian. Baliw talaga siya!
"Fine." nasabi ko. "Do whatever you want with me. Pero eto lang ang masasabi ko sa'yo, hindi mo pa ako kilala, Harley. You don't know what I'm capable of."
Walang nakakaalam ng tunay na dahilan kung bakit lumipad ako paalis ng Japan.
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomanceI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...