Rui's POV
After a week joining the Diamond Uni Basketball team ay ginanap na ang prelims ng college basketball tournament. Sa first game ay kalaban namin ang nag-5th place noong nakaraang taon. Habang naghihintay na mag-umpisa ang laro ay binibigyan kami ni coach ng heads up sa aming gagawing defense at offense play.
"Okay, team! Katulad ng dati, Man to man tayo sa dipensa. Sa opensa naman Isolation tayo. Ang main offense natin ay sila Aldrin at Rui. Miggy, Baks at Zion, assist nyo sila ah. Magtulungan kayo!! ----- Alright!! " pinagpatong-patong namin ang aming mga kamay. "Diamond Uni for the Win!! Fight!!" sabay-sabay naming sigaw!
Pagkatapos ng team huddle ay bumalik na ko sa kinauupuan ko. Nilapitan ako ni Kian, na naging parte na rin ng team dahil pinakiusapan ko si coach na isali rin. Marunong siyang magbasketball ang kaso nga lang ay mahina siya sa shooting. Lay-up pa lang ang kaya niyang gawin at minsan sablay pa, pero pursigido naman siyang matuto. Isa si Kian sa aming mga subtitute players.
"Grabe! Hindi ako makapaniwala na makakapagsuot ako ng uniform ng basketball team! Hindi pa man nag-uumpisa ang laro ay ramdam na ramdam ko na ang team spirit!" He pause, tila nag-isip. "Kailan kaya ako magiging starting player?"
"Kung gusto mong makapasok sa starting five, magpractice ka hanggang malumpo ka."
Tumingin siya sa akin. "Sendo? Ikaw ba 'yan?"
"Gag*! Seryoso ako!"
Natigil kami sa pag-uusap ng marinig namin ang bulong-bulungan. Lahat ay nakatanaw sa entrance ng court. Paglingon ko roon ay agad na nangunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang pumasok roon.
Si Harley. Nakasuot siya ng sailor high school uniform na katulad ng girls uniform ng Shohoku sa sikat na Anime na Slam Dunk. Naka-suot pa siya ng maiksing itim na wig at may pompoms pang hawak.
Paglapit niya sa amin ay ngiting-ngiti siya. "Hi, Rui! Nagustuhan mo ba ang get-up ko?"
"Ilang taon ka na ba? Ba't ganyan ang suot mo?" bungad ko.
"Ang cute mo Harley, pwede ka palang maging cosplayer. Sinong character 'yan?" si Kian.
"Haruko! I'm Haruko, Kasi number 11 si Rui di ba? Edi siya si Rukawa tapos ako si Haruko! " impit siyang tumili. "Gosh! Bagay talaga tayo. Can't you see my kilig, Rui?"
Napailing ako. Baliw talaga.
"Wala ka man lang bang sasabihin sa'kin? " dugtong niya. "Purihin mo naman ako! Grabe ang effort ko para mag-cheer tapos deadma ka lang! Samantalang noong isang linggo , ang sweet sweet mo pa lang sa ak ------"
Nanlaki ang mata ko at mabilis na tinakpan ang bibig niya! "Tumahimik ka nga." mariing bulong ko. "Oo na, maganda ka na. Palagi naman eh. " Naramdaman kong ngumiti siya. "Happy?" sabi ko.
Tumango-tango siya. "Opo." at binitawan ko na ang labi niya.
Wew! Muntik ng marinig ni Kian 'yon ah!
"Anyways.. " aniya sabay lapit sa akin at sinakal ako.
Nanlaki ang mata ni Kian. "Pa-flashback ba 'to ng kahapon? Oy kayo! Huwag nyo na kong idadamay diyan ah!! " sabay layo sa amin.
Tiningnan ko lang si Harley. "Ano to? Tsini-check mo na naman kung suot ko yung kwintas na bigay mo?"
Tumango siya.
"Hindi ko pa rin suot. Bawal ang accesories kapag naglalaro."
Bigla siyang sumimangot. "Sayang naman ipinagdasal ko pa naman kagabi na ibuhos ni God ang lahat ng luck sa kwintas na 'yon."
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomantikI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...