CHAPTER 16

205 25 1
                                    

Rui's POV

8:30AM.

Pinatay ko ang nag-iingay na alarm clock. Nahihilo ako at nananakit ang aking katawan dala ng matinding lagnat.

Bumangon ako sa kama at naglagay ng face mask bago nagtungo sa pintuan at tiningnan sa smart door lock ang tao na kanina pa nagdo-doorbell sa labas.

"Harley.. " sambit ko. Kasunod ay pinagbuksan ko siya ng pinto.  "Bakit?" sabi ko.

She smiled sabay taas ng dala niyang vento box. "May sakit ka raw. I came here to nurse you." Then she came in, kahit hindi ko pa naman sinasabing pumasok siya.

"Ano 'yang suot mo?" kapagkuwan ay tanong ko.

Humarap siya at nag-pose pa talaga.

"I'm a nurse."

Naningkit ang mata ko sa kanya. Nakasuot kasi siya ng pink na nurse out-fit with matching nurse cap pa.

"Ang hilig mong mag-cosplay. " Naglakad na ako pabalik sa kama ko.

"Kasi nga galing kang Japan di ba? I thought mas madali kang gagaling kapag ganito ang ayos ko. " Inilapag niya sa counter ang dala niyang vento at nakialam na sa kusina. Hinayaan ko na lang at nahiga na ako.  "Ang ganda pala rito sa unit mo." Inilibot pa niya ang paningin niya. "Ang gwapo ng dating tsaka ang bango."

"I hate unclean places." sabi ko sabay ubo. Putek! May sore throat pa ata ako.  "Ano ba 'yang dala mo?"

"Pagkain, obvious ba? "

"Alam ko! What I mean is anong pagkain?"

"Sinigang, with rice with pineapple chunks." Lumapit na siya at inilapag sa side table ang mga pagkain. Kinuha niya ang bowl ng sinigang at inumpisahang ipag-ihip ako ng pagkain.

"You don't have to feed me. Kaya kong kumain mag-isa." sabay agaw ng kutsara sa kanya.

Mabilis na binawi niya iyon.  "No. I'm here to nurse you back to health. Kapag hindi ka pumayag ay ha-harass-sin kita! Ang sexy pa naman ng suot ko, sigurado ako hindi ka na naman makakapagpigil! Sige ka. " aniyang may pilyang ngiti.

Napapikit na lang ako ng mariin. Utang na loob Harley. May sakit ako!

"Fine." sabi ko sabay ngumanga at tinanggap ang pagkain sa kutsara.

"Very good." she said.

Nang matapos akong kumain ay pinainom na niya ako ng gamot na dala rin niya. Kasunod ay kumuha siya ng basin na may maligamgam na tubig at inumpisahang punasan ako sa aking mukha at kamay.

"Rui..."

"Oh? "

"Huhubaran na kita. Okay lang?"

I looked at her. Nagtaka ako. Bakit nagba-blush siya?

"Go ahead." sabi ko.

Nakita ko pang napakagat siya sa kanyang labi bago lumapit sa akin at hinubad ang pang itaas kong damit. Nakita kong nagulat siya ng makita niya ang nasa katawan ko.

"May.. may tattoo ka?" sabi niya.

I looked at her again. Ano nang sasabihin ko? I already reveal it to her.

"I got it when I was seventeen."

Hinawakan niya ang braso ko na may tattoo. Her eyes sparkle in instant.  "It's... it's beautiful. "

Napangiti ako.  "Thanks."

Inangat niya ang tingin niya sa'kin.  "Kaya ba palagi kang naka-sweater dahil gusto mong itago 'to?"

Tumango ako. "Ayokong mag-mukha akong delinquent sa harap ng ibang tao. They will surely judge me,  like how they judge you, without even knowing the real you. "

Natigilan siya. Then she asked.. "Who's the real me, Rui?"

I pause. Sino nga ba ang tunay na siya? Itinaas ko ang kamay ko at hinawi ko ang buhok niyang nakaharang sa maganda niyang mukha.  "Someone who is sweet and...... a cry baby."

Natawa siya.  "Kainis ka! Binobola mo na ako."

"Hindi kita binobola. I'm just telling the truth." seryosong sagot ko.

Napangiti na naman siya. Halatang kinikilig sa sinabi ko.

This girl. She become's the prettiest when she is treated right.

"Rui.. " aniya sabay dukwang sa akin.  "Be my boyfriend."

Ha?  "Ayoko." maagap na sagot ko.

Nag-make face siya. Halatang nadismaya. "Hmp! Pakipot! " sabi niya. "Sige na nga! Matulog ka na."

"Nang nakahubad?"

"Ay sorry!" sabay tayo. "Saan ako kukuha ng damit mo? "

"There. " sabay itinuro ko ang pinto sa likod niya. "That's the bathroom and the closet."

"Right. --Wait lang ha? I'll be back."

Kumuha na siya ng damit ko at bumalik naman agad. "Here." aniya sabay isinuot sa akin ang damit.

"Salamat." Kinuha ko ang face mask at isinuot uli iyon then nahiga na ako.

"Sleep well." bulong niya habang inaayos ang kumot sa katawan ko.

"Huwag kang gagawa ng kamanyakan kapag tulog ako! " banta ko sa kanya.

Tumawa siya.  "I will try."

"Harley! "

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Don't worry. Kung ano man ang gagawin ko sa'yo, sisiguraduhin kong hinding-hindi mo mararamdaman." she said with a seductive look.

"Subukan mo lang. Igagapos kita rito."

"Igagapos?" tila nag-isip siya.  "I like it." sabay bigay ng dalawang kamay niya sa'kin.  "Go ahead, Rui. Tie me."

Hindi na ko nakatiis at hinatak ko na ang kwelyo niya palapit sa akin.  "Hintayin mo lang na gumaling ako, talagang gagawin ko 'yan." mariing bulong ko.

She bit her lip.  "Then get well soon."

Sweet but PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon