Rui's POV
Nag-doorbell ako sa unit ni Harley. Agad naman na nagbukas iyon at tumambad sa akin ang sexy-ng anyo nya na ngayon ay nakasuot ng cute na apron.
"Pasok ka. Sakto katatapos ko lang magluto."
"Sorry for the intrusion." ani ko at pumasok na ako. Iginaya niya ako sa kusina at pinaupo ako sa isa sa mga high-chair ng counter.
"Thanks." sabi ko.
Inilibot ko ang aking paningin. Maganda at girly ang unit ni Harley. Kulay pink, violet, light blue at itim ang color scheme ng interior. Walang masyadong gamit sa loob maliban sa isang sofa, tv set at isang videogame machine.
Nagtaka ako sa huli kong nakita. Hindi ko akalain na naglalaro rin pala siya ng ganon, hindi kasi halata sa kanya.
"Ikaw lang mag-isa rito? Na'san ang parents mo?"
Sumandok siya ng dish mula sa kaserola at inilagay iyon sa plato. "I'm living alone. Ang mama ko, ang asawa niya at ang half-brother ko, they are all residing in Canada."
"Ah... O, eh bakit ikaw lang ang nandito?" Inilapag niya ang platong may caldereta sa tapat ko. "Thanks. "
Ngumiti siya. "Pinatapon nila ako rito."
Natigilan ako. "Bakit?"
"Coz I'm a bad girl."
Hindi na ko nagtaka. "Bakit? Ano bang ginawa mo?"
"Sinaksak ko lang naman ng lapis ang bully kong classmate noong sophomore ako. Na-detain ako sa Juvenile facility tapos after that pinadala na ko rito sa Pilipinas. Actually, hindi naman ako nagtagal roon, siguro more or less 7 months lang. "
"So ang ibig sabihin, Canadian ang step-father mo? "
"Right." Inalis na niya ang apron niya at sinaluhan ako sa pagkain. "Ikaw, bakit nandito ka sa Pinas? "
"Kapareho mo, ipinatapon rin."
Ang totoo ay kasinungalingan lang ang sinabi kong hindi pa ko nakakaranas na mag-aral sa physical school. Naghome-schooling lang naman ako matapos akong ma-involve sa isang insidente sa paaralan namin way back in high school.
"Talaga? Bakit? May sinaksak ka rin? "
"Wala ah!"
"Then, what? "
Napayuko ako. "Someone died because of me."
Her mouth form an O. Then, she looked at me intensely. "Mysterious." nangalumbaba siya. "Hindi halata sa'yong mamamatay tao ka." nakangiti niyang sabi.
Nanlaki ang mata ko. "Hindi ko siya pinatay noh!"
"Oh eh ano lang ang ginawa mo? "
Napalunok ako. "She committed suicide because of me."
"She?" mas lumapad ang ngiti niya. "Interesting."
Napapitlag ako. "Teka nga! Bakit ba sinasabi ko sa'yo 'to?"
Napailing ako. Hindi ko dapat sinasabi sa kanya ang nakaraan ko lalo pa't isa siyang taong hindi dapat pinagkakatiwalaan.
"Coz you trust me."
"No." mariin kong sagot. "Matapos ng lahat ng ginawa mo sa'kin sa tingin mo pagkakatiwalan pa kita?"
Tumawa siya. "If you don't trust me, bakit nandito ka?."
"Coz, you lure me here!"
"Lure you? Ha! " she rolled her eyes. "Wala akong naaalala na ginawa ko 'yan sa'yo."
"Anong wala! You invited me here flashing your bare legs in front of me. Sinong hindi maaakit don?"
Naitikom ko ang aking bibig kasunod ay napapikit ng mariin. Goodness.. ano ba 'tong pinagsasasabi ko?
Binigyan ako ni Harley ng nakakalokong ngiti. "So, inamin mo rin na naaakit ka sa'kin." dumukwang siya at bigla akong hinatak.
"Cute." sabi niya sabay ihip sa labi ko.
Napapikit ako ng mariin. Kaya mo 'to Rui. Pagsubok lang 'to. Huminga ka, huminga ka. "Bitawan mo ko."
"Okay." then she let go of me. "Ang sungit mo talaga. Hmp! Mabuti na lang gwapo ka! "
"Ikaw lang ang nagsabi niyan."
"Really? Kahit na 'yung 'she' na binanggit mo kanina, hindi ka pa sinabihan ng gwapo? "
"No. Coz she always says I'm hot."
Napangiti siya. "Talaga ba? Can you prove it to me?"
"Ayoko." sumubo ako ng pagkain. "Kumain ka na lang, Harley. "
Nagnguso siya. "Sungit." at nagpatuloy na siya sa pagkain. "By the way, Rui. Bakit pala marunong kang managalog? Nagmigrate ka lang din ba sa Japan? "
Umiling ako. "No. I was born and raised in Japan. Pero ang Pilipina mom ko, tinuturuan pa rin ako ng gawi ng Pilipino including the language kaya alam ko."
"Ah I see.. sige nga magsalita ka nga ng japanese tapos i-translate mo sa tagalog."
Nangunot ang noo ko. "Ayoko nga. "
"Sige na..please. " pagpapa-cute pa niya.
I sigh. "Sige nga. " Nag-isip ako. "Ahm... Hai. means Yes."
"Arigatou means thank you."
"Gomenasai means I'm sorry."
"Chotto mattee means wait a moment."
"Eh yung I like you? " singit niya.
"Daisuki desu." sabi ko.
She bit her lip. "I like you too." then winked.
Napangiti tuloy ako. Pilya talaga.
Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig."Bakit?" tanong niya ng mapansin na nakatitig lang ako sa kanya.
"Anata wa kirei desu. " wala sa sariling nasabi ko.
Nangunot ang noo niya. "Ha? Ano 'yon? Ikaw ha! Baka minumura mo na ko! Umayos ka!"
I smiled again "Hindi." then I looked down on my plate. "You're beautiful." bulong ko.
"Ha? Ano kamo? " inilapit niya pa ang tenga niya sa akin.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Ang sabi ko ang ganda mo."
Natigilan siya. Kapagkuwan ay kinagat ang ibaba niyang labi.
"So cool... " impit niyang sabi.
Kasunod niyon ay hinatak niya ako. Giving me another taste of her venomous lips. Automatikong tumaas ang kamay ko at isinuksok iyon sa batok niya. I open my mouth.
I accepted the kiss of the vixen.
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomanceI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...