CHAPTER 30
Harley's POV
"Seriously, Cassandra, Serious Physical Injury and Attempted murder?!!! What have you done?!!"
Umalingaw-ngaw sa buong presinto ang malakas na sigaw ng aking ina habang kausap ko siya mula sa labas ng selda.
Nang malaman niya ang tungkol sa akin mula sa University Dean ng paaralan ay lumipad agad siya pabalik ng Pilipinas para makita ako. Halatang nagmadali rin siyang makabalik rito dahil ngayon ay naka-nighties lang siya at may robe lang na suot.
"I'm innocent, Ma. I am framed." bored kong sagot. Wala na rin naman akong lakas para makipagsigawan pa sa kanya.
"Wala ka na talagang ginawang tama! Tuluyan mo na talagang sinira ang buhay mo!!! " napaiyak siya.
What?
Siyempre nagulat ako.
Noon ko lang siyang nakitang umiyak dahil sa akin.
Teka.
Is this for real? Is she really concern? Is she really worried?
Lumapit ako sa rehas.
"Huwag kang umiyak, ma. Kinikilabutan ako sa'yo."
Nag-angat siya ng tingin. "And you have the nerve to say that? " pinunasan niya ang luha niya. "I'm seriously worried about you!! I am hurting seeing you here, behind this filthy bars."
Nakakapanibago. Sadyang nakakapanibago talaga. Hindi ko alam kung umaarte lamang ba siya o tunay talagang nasasaktan siya.
Pero somehow, deep in may heart ay humaplos iyon sa puso ko. Parang nakadama ako ng kaunting tuwa.
"Then get me out of here." usal ko.
She look at me with a fierce look. "Of course I will. Kukuha tayo ng magaling na abugado at ilalampaso natin sa korte ang mga gumawa sa'yo nito." Umigting ang panga niya. The expression in her eyes screams of anger. Mukhang hindi talaga siya magpapatalo. Talagang sa kanya ko nga namana ang pagiging palaban ko.
"I still have the letter in my pocket." kinuha ko sa bulsa ko ang sulat na nakuha ko mula sa inutusan ni Brayle at inabot iyon sa mama ko. "That can serve as an evidence na na-frame lang ako. And also, kunin mo ang CCTV footage sa entrance ng condo ko. Makikita roon na may lalaking nag-bigay niyan sa akin."
Tumango ang aking ina at banayad na hinawakan ako sa aking kamay.
Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay nakadama ako ng relief sa presensya niya. She never like this to me in the past, she never cry for me or fight for me or held my hand. Ngayon lang. Talagang ngayon lang. Ngayon na panahon na kailangang-kailangan ko siya.
"Ako na ang bahala." mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "Trust me and I will definitely get you out of here. "
Napangiti ako. "Thank you, Ma. I owe you this one."
-----------------
Rui's POV
Two weeks later.
Ilang araw ko ng sinusundan si Brayle simula ng makalabas siya ng ospital, inaalam ko kung saan siya madalas nagtutungo at kung sino-sino ang mga kasama niya.
Matapos na ikuwento sa akin ng unknown student ang tunay na nangyari sa insidente na kinasangkutan ni Harley ay pinagplanuhan ko na ang gagawin kong pagresbak kay Brayle.
Suot ang aking mask at cap ay lumiko ako sa eskinitang nilikuan niya.
Nakita kong pumasok siya sa isang abandonadong building at agad na sinundan ko siya roon.
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomantikI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...