Rui's POV
Nananakit ang katawan ko kinabukasan. Matapos kong pasanin si Harley mula sa bar hanggang sa condo at naglakad ng halos isang kilometro ay halos bumigay ang katawan ko sa pagod. Kamuntikan pa akong ma-trap sa unit niya dahil niyakap niya ako ng mahigpit hanggang sa makatulog siya. Buti na lang at tulog mantika. Natakasan ko siya bago pa siya magising.
Pagpasok ko ng classroom ay sinalubong agad ako ni Kian. Nahalata niya agad na bagsak ang balikat ko.
"O, Anong nangyari sa'yo? Bakit parang pasan mo ang daigdig."
Parang gusto ko siyang kutusan! Nagtanong pa talaga!
"Matapos mo kong iwan kahapon, may gana ka pang kausapin ako." inis na sagot ko at ibinagsak ang katawan ko sa silya.
Napangiwi siya. "Ang sensitive mo naman. Pasensya na, natakot lang naman ako kay Harley eh. Ikaw ba naman ang pagbantaang patayin. Syempre tatakbo talaga ako. Sayang rin ang lahi ko."
"At ako hindi?"
"Mahal ka naman 'non kaya mabubuhay ka."
"Gag*!!"
"Excuse me. " ani ng estudyanteng nakadungaw sa pintuan. "Sino po rito si Harui Hakimura?"
"Ako po, bakit?"
"Pinapatawag ka po ni Coach Sandoval. Pumunta ka daw po sa office niya." Yun lang at umalis na siya.
"Naks! Mukhang ayaw ka talagang pakawalan ng mga ungas! "
Umismid ako. "Sabi ng ayoko. Ang kukulit rin!"
Napilitan na lang akong tumayo at nagtungo sa opisina.
"Mr. Hakimura. " salubong ni Coach Sandoval. Naroon rin ang iilang miyembro ng basketball team including Aldrin. "We meet again." sabay hatak ng upuan. "Have a sit."
Umupo naman ako. "If this is about recruiting me, Sir. ------"
"I will continue to pursue you until you say Yes,Mr. Hakimura. Your talent shouldn't be go to waste. May potential kang maging star player and I can't just allow you to hide that skill of yours."
"Sinabi ko na po sa inyo ang rason ko."
"Baka naman naduduwag lang Coach." sabi ng lalaking katabi ni Aldrin.
"Miggy!" saway ni Mr. Sandoval.
"Let me say something, Sir." sabay tinapuanan ako ng tingin. "Actually, hindi naman talaga namin kailangan ang tulad mo. Pero eto kasi si coach sobrang mapilit. Alam mo kasi, Harui, ang basketball laro 'to na pinagbubuhusan ng panahon at oras, hindi 'to basta-basta. Unlike sa mga online games na nilalaro mo na pang bata eh mas-------"
"Anong sabi mo?" Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng isang to ah!
"Ang sabi ko, larong pambata ang mga nilalaro mo. "
Ang yabang rin. Pare-pareho ang mga 'to. Puro hangin.
"Anong position mo sa team?" tanong ko sa mayabang.
"I'm a point guard. Bakit?"
Hindi ko siya sinagot. Ibinalik ka ang tingin ko ky Mr. Sandoval. "Do you really need me on the team, Sir?" tanong ko.
"Yes! Yes. Definitely." sagot niyang patango-tango pa.
"I will join." Biglang lumapad ang ngiti ng ginoo. "But in one condition."
"Anything you want."
Tumingin ako sa mayabang na katabi ni Aldrin at itinuro siya. "I want his position in the starting five."
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomansaI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...