CHAPTER 25

199 19 3
                                    

CHAPTER 25

Harley's POV

Diamond University, After the Subic tour.

Badtrip! Sobrang badtrip! Ang buong akala ko ay pagkatapos ng punishment na iyon na  nakakawindang ay babalik na kami ni Rui sa dati. Pero hindi pala, dahil bago kami umuwi mula sa Lyrica ay pinagsungitan pa niya ako.

----------
Short Flashback.

"Rui! " usual na masigla kong bati. Lumapit ako sa kanya at nilingkis siya.

"Let go." aniya, his coldness reach me to the core. Kinalas niya ang pagkakayakap ko.

I was confuse of course.  "Ga-galit ka pa rin ba? Ang akala ko okay na tayo."

"Just stay away from me for now." sabay lakad. Hinabol ko siya at pinigilan.

"Wait! If this is about Jared---"

"This isn't about him!!" sigaw niya. "Utang na loob, Harley. Layuan mo muna ako." he beg with frustrations. The sound of his tone pierce me.

Ba.. bakit?

"Rui.. huwag ka namang ganyan... "

"Please.. " his voice is weak.  "Stay away."

End of Flashbak
--------------

Huh!  Sorry not sorry Rui! But I won't stay away from you!

Nasan na ba siya?

"Ms. Mendraza, why are you still here? Nasa golf course na ang class nyo. You have golf lesson today." ani ng Professor na nakasalubong ko.

Blessing in disguise 'tong si Sir. "Right. Thank you, Sir. Bye." sabay kindat.

Nakita ko pang nangunot ang noo niya bago ako lumakad papunta sa locker room at nagpalit ng damit pang golf.

Sa golf course ay tanaw na tanaw ko na ang mga kaklase ko mula sa kinatatayuan ko. Si Rui na agenda kong makita ay nasipat na rin ng aking mata. Tumakbo ako palapit sa kanya.

Pero bago pa ako makalapit ay naunahan na ako ni Denisse.

Napataas ang kilay ko. 

"Rui... pa-help naman. Hindi ko ma-shoot ang ball sa hole eh. Ang hirap. Paano ba 'to?" pagpapa-cute ng malanding bruha! Halatang nagsisinungaling!

"Sure." at sumunod rito si Rui.  Aba. Aba. Aba!!  "Stand here." dugtong ni Rui habang itinuturo ang Teeing Area.

I can't accept this!!!!

Mabilis kong pinulot ang bola na nakita ko sa damuhan at malakas na ibinato iyon sa direksyon ni Denisse!

Nagulat ako ng masalo iyon ni Rui!

What?! How did he do that?!!

"Harley!" galit na bulyaw ni Rui.  "Are you out of your mind?! You almost hurt us!! "

Oh my... hindi siya nagbibiro... ga-galit galit talaga siya.

"Don't talk to her!! Nagseselos ako! " sigaw ko  sabay lapit.

Akmang hahawakan ko si Denisse ng mabilis na tinapik ni Rui ang kamay ko.  "Don't be such a brat." Tiningnan nito si Denisse.  "I'm sorry. Okay ka lang? "

Sweet but PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon