CHAPTER 20

205 22 0
                                    

Rui's POV

Finally, nakapasok na rin sa school. Nananakit ang wrist ko dala ng posas na nakakabit sa kamay ko simula pa kagabi hanggang kaninang umaga. Nakalas lang ang posas namin ni Harley ng ipatanggal namin iyon sa shop ng mekaniko at ginamitan ng metal cutter. Halos mabadtrip pa ako dahil inasar pa kami ng mga trabahador sa shop. Ang sabi sa amin ay huwag raw kaming masyadong mapusok at mag-ingat raw kaming dalawa sa paglalaro ng mga pang adult na laruan. Tsk. Anong akala nila sa'kin? Bata?! Siyempre alam ko 'yon!

"Good afternoon, Class." bati ni Prof na kapapasok lang ng classroom.

"Good afternoon, Sir. "

"I'm going to post the result/scores of the midterm exam. The order of the names is from top to bottom. Inilagay ko ang real names nyo dito. Don't be discourage if you got low scores instead make this your motivation to do better next time." At ipinaskil na ni Sir ang result sa bulletin board.  "You can check this after the discussion.  --- Alright. Please get your tablets and go to the portal Geometry 2, slide 32."

Yun nga ang ginawa namin.

Habang nasa klase ay nag-ring ang phone ko. Kinuha ko iyon sa aking bulsa at nagpa-excuse kay prof na sasagutin ko muna ang tawag. Pumayag naman siya at lumabas na ako.

"Moshi, moshi?."
[Translation: Hello?"]

"Shin, son!"

"Okasa."[Mom]"You called, is there something wrong?"

"Nandemonai." [Nothing] "I just want to know your well-being. Where are you right now? Are you at school? Is it okay for me to call?"

Nilingon ko ang classroom.  "Yes, Ma, It's alright. "

"Good to know.  By the way, regarding 'don sa napag-usapan natin last time. Sa problema ng Dad mo sa company, it's all settled now. Thanks to Mr. Reid! He is a blessing to us, he's going to invest million dollars in our company! Can you believe it?"

Nangunot ang noo ko. "Reid?" Is he the same Robert Reid that I know?

"Mr. Robert Reid. " she answered.

D*mn! He is Akira's father!

"I know him, Ma."

"Talaga? Paano mo siya nakilala?"

"I know her daughter, she's an.... old friend of mine."

"Wow! That's great news! Siguradong mas matutuwa ang Dad mo and of course si Mr. Reid kapag nalaman niyang kaibigan mo pala ang anak niya. "

I don't know what happen exactly but this news that just blown right before me made my heart race a bit. Bigla akong kinabahan. Biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan, bakit?

Hearing the name Reid. In my chest, It's kinda....

"Shin, are you still there?"

"Yes, Ma."

"I thought naputol na ang call...  Anyways, what's the name of his daughter? "

Ha?  "A.. Akira, Akira Reid."

"What a beautiful name. She must be pretty."

Napalunok ako.  "Yes.... she is."

"Wait."....  "Is she your ex or something?"

"No!!" madiin kong sagot. "She's just an old friend!!"

Tumawa siya. "Alright! You don't need to shout."

"I'm sorry, that's rude of me."

"It's fine, Shin. God, I miss this. I very miss you, anak."

I felt the pain. I too feel the same. "I miss you, Ma. I always will. "

Bahagya siyang natigilan.  "Kung hindi lang nangyari sa'yo ang.... "

"Ma, please.. let's not talk about it. It's all in the past. Pinagsisihan ko na iyon. Tapos na 'yon."

Suminghot siya.  "Right. I'm sorry." suminghot uli. "Oh siya, sige na, sa susunod na lang uli. Just always take care of yourself and don't skip meals, Okay?"

I smiled.  "Yes, Ma. You should too and Dad too."

"I'll tell him. Bye, son."

"Bye."

At naputol na ang linya.

Bumalik na ako sa loob ng classroom. Naabutan kong patapos na rin ang lecture ng Prof namin. Naupo na ako sa aking silya at hinihintay na matapos ang klase.

"Anymore questions? " si Prof.

"None, Sir."

"Then class is dismiss."  paalis na sana siya ng biglang may nakalimutan.  "Ah, teka, I almost forgot. May announcemet nga pala ako. Next week, we will be having our department tour in Subic."

"Subic? "

"Oh my Gosh! "

Naghiyawan ang buong klase. Napailing ako. Saan namang lupalop ng Pilipinas 'yon?

"The details and itenerary , pati ang parents consent, will be send to you via e-mail. Please accomplish the requirements on or before Wednesday! Okay? "

"Yes, Sir."

"Then, I'll take my leave." at lumabas na siya ng classroom.

"Yes! Subic tayo next week! " sigaw ni Kian.

"Ang saya mo ah."

"Syempre! Maraming chix 'don e." sabay naningkit ang mata.  "Mga naka-two piece."

"It's a beach?"

"Kuha mo! Isa ang Subic sa pinakamagandang beach get-away dito sa Pilipinas! It's a must visit tourist spot! "

Okay. I didn't feel the same excitement. Hindi naman kasi ako mahilig sa dagat.

"Guys! You will not believe what we are seeing in here! " sigaw ng isang classmate naming babae habang nakatingin sa exam result na nakapaskil sa bulletin board.

Nakumpulan naman agad ang ibang mga kaklase namin roon.

"Oh my God! Top scorer na naman siya?! "

"Goodness! Paano niya nagagawa 'yan e hindi naman siya pumapasok?! "

"Nakakainis na ah! Parang dinadaya na tayo ng university!"

Sa curiosity ay lumapit na rin ako. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang top scorer na tinutukoy nila.

"Mendraza, C. " sambit ko.  "Si Harley?" And with the average of  99%.!!  D*mn! How did this happen?

"Last year, siya rin ang top scorer." si Kian. "Pero hindi siya ang nag-over-all rank 1 sa klase dahil sa mga absences niya. "

I can't believe it.  "She's.. she's freakin smart! " bulalas ko.

Ang ibig sabihin ay hindi pala totoo na mahina siya sa Math. She's actually smarter than me!

"Maski kami nagtaka rin. Lalo na noong nalaman namin na siya ang top natcher sa entrance exam rito. " tumalikod na si Kian.  "She has an IQ of 165, Rui. Can you believe it? " natatawang dugtong niya.

Nakagat ko ang labi ko.  Hindi rin ako makapaniwala. That playful, party goer and psychotic girl is a genius?!

WTF!

Sweet but PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon