CHAPTER 43
Harley's POV
Matapos akong nakapagpahinga ay lumabas na kami ni Rui ng clinic. Hanggang sa labas ay nakaalalay pa rin siya sa akin. Kung todo hawak sa kamay ko pati sa aking braso , akala mo naman ay senior citizen ang akay-akay niya. Parang gusto ko tuloy matawa sa ginagawa niya.
"Bakit?" tanong niyang may kunot sa noo.
"Wala, natutuwa lang ako sa ginagawa mo."
"I just wanna make sure na masasalo kita kapag nahimatay ka."
Naningkit ang mata ko. "Bakit, hindi mo ba ako nasalo kanina?"
Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi."
"Ano?! "
It means bumagsak lang ako sa sahig na parang natumbang tuod? Wala man lang sumalo? As in plastado lang ako? Hinayaan niya lang na mabaldog ang ulo ko?!
Nahampas ko siya. "Bakit hindi mo ko sinalo?!"
Natatawang ibinalik niya ang tingin sa akin. "E, ang bilis kasi ng mga pangyayari. Bigla ka na lang bumagsak sa harap ko, tapos paabante pa, paano kita masasalo? "
"Grabe ka! Di sana hinatak mo man lang ako."
"Nagulat nga ako. Before I knew it, nakadapa ka na sa sahig." natatawa pa ring sabi niya.
"So, ikinatuwa mo 'yan?"
Bigla niyang naitikom ang kanyang bibig. Pero halatang nagpipigil ng tawa. "Hindi." sabay pinisil ang pisngi ko. "Sorry na." sabay nagpa-cute.
Inirapan ko siya. Pero napapangiti rin naman ako. "Pasalama't ka gwapo ka, kung hindi nakipag-break na ko sa'yo."
Nanlaki ang mata niya. "Ah ganon, so may balak ka ng makipagbreak sa'kin." sabay binitawan ako.
"Joke lang." sabay akap sa kanya. Asus.. nagpapalambing rin.
"Joke raw. Por que, pinopormahan ka na ni Sir Lorenzo, gusto mo ng makipagbreak sa'kin."
Ano raw?
"At san naman nanggaling 'yan? "
"Akala mo ba, hindi ko napapansin na palaging nakatingin sa'yo si Sir. Kung makangiti sa'yo parang mapupunit na ang labi. Tapos kanina, pinuntahan ka pa sa clinic, kahit hindi naman siya kailangan roon. Tss.."
I can't help but to smile.
Nagseselos siya. Talagang nagseselos siya.
"Ah, kaya pala bigla ka na lang nanghalik kanina... "
Lumingon siya sa akin. "Oo, coz i want him to know that you are mine. "
Mas lumapad ang ngiti ko. He is acting childish. Gosh! How can I hate him?
"You don't have to do that. Sabi ko nga sa'yo, I'm all yours di ba?"
Umismid siya. "I know. Pero wala pa rin akong tiwala kay Sir."
Bigla kong naalala ang sinabi ni Sir kanina.
"Speaking of that... Alam mo, sabi niya kanina. Hinahamon mo raw siya. "
Tumalim ang tingin niya. "He said that? "
"Oo."
Biglang nagtiim ang bagang niya. "Stay away from him. Hindi maganda ang kutob ko sa lalaking 'yon."
Tumango ako. Iyon din ang nararamdaman ko.
Simula ngayon ay dapat maging aware na ako sa presensya ni Sir. I won't let my guard down around him.
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomanceI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...