Harley's POV
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay nagwawala rin ang aking mga brain cells at kumukulo ang dugo ko sa aking mga ugat. Ang isiping may ibang babaeng hahalikan si Rui ay tunay na nagpapagulo sa aking sistema. Sa dinami-rami ba naman kasi ng bisita roon bakit siya pa ang nabunot? Talagang tini-test ng pagkakataon ang pasensya ko!!
"Alright!! Let's start the dare!!! " Aldrin shouted.
Naghiyawan muli ang crowd! Ang ilan ay inilabas pa ang kanilang mga cellphones para kuhanan ng photo at video ang magaganap na kahalayan!!
"Lya and Rui, move closer to each other."
And the two did.
Bahagya pang tinapunan ako ng tingin ni Rui.
He is smiling--- mischievously, as if he is testing me or whatsoever.T*ng*na! Ayoko!!!
Humakbang ang paa ko.
"Okay, Guys.. Ready na ba kayo?!! Kayo ang magsisilbing timer!! "
Muling nagsigawan.
Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Dumoble ang paghakbang ng paa ko.
Step.
Step.
Step.
Nanggigigil na hinahawi ko ang mga tao na nasa harapan ko.
Tabi! Umalis kayo diyan!!!
Nakita kong ibinaba na ni Rui ang mukha niya kay Lya. Mas nagrambol ang puso ko. Parang sasabog na iyon!
At kasabay ng dumadagundong na ingay ng mga langong bisita ay ang mabilis na pag-akyat ko ng stage at pagtulak kay Rui!
Natisod ako sa wire na naroon.
Napasinghap ang mga bisita.
"What the F*ck?! " rinig kong mura ni Aldrin.
At bago pa ako makapagreact ay natagpuan ko na ang labi ko na nakalapat sa labi ni Lya!
The F!!
Mas lumakas ang sigawan!!
Naramdaman kong kumilos si Lya, akmang itutulak ako pero mabilis na sinapo ko ang mukha niya at siniil pa siya ng halik!
D*mn!! Hindi ako tibo pero mas mabuti na 'to kaysa si Rui ang halikan mo!!
Narinig kong nag-umpisa na ang countdown.
"... 1.. 2... 3..... 4... "
Parang naging game na rin si Lya at sinagot na rin ang halik ko!
F*ck! She is using her tongue!!
Manyak talaga!! Mabuti na lang at hindi si Rui ang nakahalik sa kanya!!!
Sa background ay narinig kong pinatugtog ng DJ ang kantang "I kiss a girl" ni Katy Perry.
Mas nagwala ang crowd.
"...... 34.. 35.. 36.. 37... "
Sh*t! Bakit ang tagal!!
"..... 40.. 41.. 42... 43... "
Diyos ko!
Ang tindi ng babaeng 'to!
Malupit sa espadahan! Mas magaling pang humalik kaysa sakin!!"... 55.. 56.. 57.. 58.. 59.. 60!!! "
At bago kami maghiwalay ni Lya at kinagat ko siya sa labi ng ubod lakas.
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomantikI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...