Harley's POV
At ayon na nga. Habang hatak-hatak si Kian ay sinusundan namin sina Rui at Akira na ngayon ay siyang-siya sa pag-uusap. May pa tawa-tawa at pahampas-hampas pa ang bruha sa braso ni Rui! Ang kapal ng face na lumandi! Talagang malilintikan sa'kin 'to!
Sandali nga.....
"Oy, Harley, anong gagawin mo?" nanlalaki ang matang tanong ni Kian ng makita niyang pumupulot ako ng bato.
"Babatuhin ko 'yang malandi na 'yan! Sasapulin ko sa bunganga para hindi na makatawa!" Sabay akmang ibabato ko na ang hawak ko.
"Hep!" pigil niya.
"Umalis ka diyan Kian, huwag kang makialam kung ayaw mong ihampas ko sa'yo yang hollow blocks na nasa paanan mo."
Umiling-iling siya at pinigil pa talaga ang kamay ko. "Hindi kita papayagang gawin 'yan Harley. Isipin mo na lang, kapag sinaktan mo si Akira, mas magagalit sa'yo si Rui, or worst thing worst, makukulong ka na naman." ibinaba nya ang kamay ko. "Konting pasensya naman. Sundan na lang natin sila, safe and silent, okay? "
Tiningnan ko si Kian. Kunsabagay may point siya. Binitawan ko na ang hawak kong bato.
Hays..
Inhale. Exhale.
Konting pasensya Harley.
Konting pasensya.
"O, lumalakad na sila. Tara na." si Kian at nauna ng umabante. Sinundan ko naman siya.
Sa isang flower shop di kalayuan pumasok ang dalawa. Kami ni Kian ay nagtago sa likod ng masitas na katapat lang ng shop sa kabilang kalsada. Sumilip kami ng bahagya at ng sa wakas ay lumabas na sila roon ay halos pumutok ang bulkan sa ulo ko ng makita kong may hawak na si Rui na isang bouquet ng red roses!!!
Lintik talaga!! May pa flowers flowers pa siyang nalalaman!!! Ano sila? Bagong sibol na pag-iibigan na ngayon lang namulaklak?! Mga h*yop!!!
Sa galit ko ay pinagsasabunutan ko si Kian!
"Ah aw.. ah ah.. aray!! " daing niya habang pilit binabawi ang ulo niya sa akin. "Harley! Tama na! Aray ang saki---"
"Papatayin ko sila Kian!! Papatayin ko sila!! "
"Oo na! Oo na! Basta bitawan mo na ang buhok ko! Aray ko! Matatanggal na ang anit ko ano ba?! "
Hindi ko pinansin ang daing niya pero binitawan ko na siya.
"Ano ba 'yan.. ang daya naman.. bakit ako ang nasasaktan rito? Hindi naman ako ang nangangaliwa e! Hu. hu. Ang sakit ng anit ko. Harley, bakit ako? "
"Heh! Tumahimik ka. Halika na! "
Natanaw kong lumakad na sila Rui. Nagagalaiting sinundan ko silang muli.
"Uy! Hintayin mo ko!" sigaw ni Kian habang inaayos ang magulo niyang buhok. "Aray ang sakit talaga. "
------------
Rui's POV
Sa parke malapit sa flower shop nagtungo kami ni Akira. Bumili muna kami ng pagkain sa food stall na naroon bago naupo sa isa sa mga concrete table set na nakapwesto sa malawak na damuhan ng parke.
Maaliwas at malilim na ng mga oras na iyon dahil dapit hapon na. Tanaw na tanaw namin ang magandang papalubog na araw sa likod ng burol at tila mga silhouette naman ang mga batang naglalaro sa tapat niyon.
Naalala ko tuloy ang mga araw na nasa Japan pa kami. Madalas kaming magsunset-seeing ni Akira sa beach noong magkasama pa kami. Nakakarelax na maalala ang magandang ala-alang iyon. Parang hindi ito nangyari four years ago, parang kahapon lang nangyari.
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomanceI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...