CHAPTER 48

214 22 9
                                    

Rui's POV

"Harl, before you die. Can I ask you something."

"T*ng*na. Ngayon pa talaga? Ano?"

"Will you marry me?"

Napamulat siya ng mata.

Natatawang tinitigan ko siya. Feel na feel niya kasi ang pagkamatay niya kahit paint gun lang naman ang ibinaril ko sa kanya.

"Harl.."

Nanlalaki ang mata niyang tiningnan ang kanyang tagiliran at nang marealize na pinta lang naman ang nahahawakan niya roon at hindi dugo ay malakas na sampal ang sinalo ko mula sa kanya.

"Aw."

Solid.

Ang sakit talaga manampal ng girlfriend kong 'to.

"Tarantado ka! Akala ko talaga binaril mo ko!!" hinampas-hampas niya ko.  "What is wrong with you?! Bakit ginagawa mo 'to sa'kin?!"

Natatawang niyakap ko siya.  "I'm proposing marriage to you."

"Proposing?! " namilog ang mata.  "G*go ka ba? Halos magpatayan na tayo! Proposing ba ang tawag mo dito?! Nakakainis ka!" and then the cry baby activated.

"I'm just doing what you want."

"Doing what I want?! "  hinampas niya akong muli.  "At kailan ko sinabi sa'yong ayain mo akong magpakasal sa ganitong paraan?! "

Inilabas ko ang pocket size na journal mula sa bulsa ko at ipinakita sa kanya.

"Nabasa ko rito." sabi ko.

Natigilan siya.

"E.. eto.. sa-sa'n mo nakuha 'to?"

I smiled.

"I'm sorry kung nagsinungaling ako sa'yo about going to Sydney. I'm sorry if I didn't contacted you while I'm away. I'm sorry if you have to cry every night because of me. I'm sorry for making you worry." I kiss her forehead and hug her tight.  "Ginawa ko lang naman 'yon para makuha ang approval ng mga magulang mo. "

"Teka. Anong ibig mong sabihin?"

"I went to Toronto, Canada, Harl. I met your parents."

"What?!"

----------------------

Three weeks ago.

"Who are you? What do you want?" she asked terrifyingly as she sat on the couch crossing her legs , focusing her sight straight to me.

The intimidating aura of the beautiful woman infront of me gave me chills. Parehong-pareho sila ng dating ng kanyang anak. They are both sophisticated and powerful.

Alam na alam ko nang hindi magiging madali ang pagdadaanan ko sa lugar na iyon.

"Good morning, ma'am. I am Shin Aihara, I'm a Filipino-Japanese national, studying Business in Diamond University." napalunok ako.  ".... and I am currently dating your daughter."

Napataas ang kilay niya. "Excuse me?" Kasunod ay natawa.  "Are you serious? Cassandra will never date anyone. She's a playgirl, a spoiled brat who never commits to anyone."  she laugh again.  "What kind of joke is that?"

Inaasahan ko na ang mga salitang iyon mula sa kanya

"Hindi po ako nagbibiro. Totoo po ang sinasabi ko at seryoso po ako sa anak ninyo."

Sweet but PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon