Rui's POV
"Harl, huwag ka ng umiyak. Hindi naman ako magtatagal roon."
Kanina pa siya umiiyak at hindi pa rin tumitigil hanggang ngayon. Nagkalat na lamang ang make-up niya at talaga namang nagmukha na siyang multo sa itsura niyang 'yon. Natatawang pinunasan ko ang luha niya.
"Masaya ka pa talaga! Nakakainis ka!"
"I'm not happy. Siyempre malungkot rin ako."
Patuloy kong pinunasan ang luha niya.
Nagnguso siya. "Bakit kasi kailangan mo pang umalis?"
"My Dad wants me to help him with the business and sign some important papers. Hindi naman ako magtatagal, siguro mga 2 to 3 weeks lang."
"2 to 3 weeks!! Nila-lang mo lang 'yon?! It feels like forever to me! "
Napangiti ako. Parehong pareho kasi kami ng nararamdaman. Kung maaari lang talaga na hindi na ako umalis o kaya isama ko na lang siya....
Teka..
"Gusto mo, isama na lang kita."
Nanlaki ang mata niya pero kalaunan ay mas lumakas ang pag-ngawa. "Kanina ko pa 'yan naisip! Pero hindi ko pwedeng gawin dahil bawal akong um-absent sa therapy session ko."
Ay un lang.
Pero sabagay okay na rin iyon. Mas mapapadali ang pagtapos ko ng trabaho kapag hindi ko siya kasama. Baka kasi puro kahalayan lang ang gawin namin roon kapag magkasama kami.
"Then, you have to wait for me." I kiss her. "Huwag kang gagawa ng kalokohan kapag wala ako. "
Pinalo niya ako. "Linya ko 'yan! Huwag mo akong aagawan! "
Natawa ako. "I am always faithful to you Harl. Kahit noon na hindi pa tayo hanggang ngayon." I held her hand. "You're the only one in my life, you should know that. "
Parang napagaan ko naman ang loob niya dahil sa wakas ay ngumiti na siya.
"Tatawagan mo ako araw-araw ha?"
"Opo."
"Video call rin."
"Opo."
"Huwag kang magpapalipas ng pagkain."
"Opo."
"Huwag kang magpapa-pogi roon, magsuot ka ng boring na damit. Gusto ko magmukha kang loser para walang mag-interes sa'yo."
"Naku, malabo yata 'yan."
"Anong malabo ka diyan! "
"Kahit basahan ang suot ko, hahabulin pa rin ako. Kita mo nga ikaw baliw na baliw ka na sa'kin."
"Yabang mo."
"You wanna test me?" tukso ko pa.
Pinandilatan niya ako. "Tumigil ka na." sabay kurot sa akin.
I laugh.
Nakakatuwa talagang tuksuhin si Harley. Mas lalo kasi siyang gumaganda kapag nagba-blush siya.
Hayss... I really gonna miss this vixen.
Yumakap siya sa akin. "I will miss you."
I hug her back, tight and gentle. "I too. "
Her scent. Her smile. Her lips. Her body.
Everything.
---------------
Harley's POV
Kakauwi ko lang galing sa school at sumasakit ang ulo ko dala ng long quiz na ibinigay ni Ms. Moreno na dinaig pa ang licensure examination sa hirap. Idagdag pa ang pangungulit at pang-aalaska ni Kian at maging ang bait-baitang arte ni Akira.
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomanceI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...