Rui's POV
Natapos ang last period namin sa araw na 'to. Pauwi na sana ako kasama si Kian ng may lumapit sa aking estudyante at sinabi na ipinapatawag raw ako ng coach ng basketball team. Kahit alam ko na ang posibleng sadya niya ay nagpunta pa rin ako. Pagpasok ko sa loob ay naroon si Aldrin at isang malaking lalaki na sa tingin ko ay ang coach.
"Good afternoon, Mr. Hakimura. Have a seat."
Offer niya sa silya na katapat ng kanyang mesa. Hinala ko iyon at maupo roon.
"I'm Levi Sandoval, coach and trainer of Diamond Uni Basketball Team. And here is Aldrin Rosal, I think you already know him, he is the captain of the team."
"Nice to meet you, Sir. What can I do for you?"
"I'll tell you straight to the point Mr. Hakimura, we want you in the team. I saw your video from Mr. Sanchez your PE teacher, and your shooting skills is very impressive. I never seen anyone shoot as accurate as that in a far distance before. Hindi ko alam kong paano mo natutunan iyon o kung saan ka nagtraining para magawa 'yon but malaki ang maitutulong mo sa team kapag naging shooting guard ka namin. What do you think?"
"Thank you for the offer, Sir. But its a No."
Nagtaka siya. "Why?"
Tinatanong pa ba 'yan?
"I just don't want to play."
"Bakit naman? Sayang ang talent mo. You can be a star player or better MVP!"
Napansin kong nakasimangot si Aldrin. Tss.. Threaten na threaten na ang Mayabang. "I'm not confident, Sir."
Natawa ang coach. "How can you be not confident when you have that amazing skills! "
"I didn't mean to say my skills, Sir." Alam kong magaling ako roon. "What I meant is my stamina. I don't think I can manage to run and play for a long period of time."
Kung hindi lang ako na-injured at na-fracture ang ribs ko four years ago ay malamang nasa America na ako ngayon at nagte-training sa Junior Camp.
"You can just play during half-time. Or if not possible, kahit sa first and five minutes na lang ng laro. Hindi mo kailangan magbabad sa court." sabi pa niya.
Pero hindi pa rin ako nakumbinsi.
"Thank you, Sir. I appreciate the encouragement. But it's still a no." tumayo na ako. "Let me leave first." at nag-vow ako sa kanila. Nang tumango siya ay lumabas na ako ng office.
"O, Kamusta? Part kana ng Diamond Uni? " salubong sa akin ni Kian sa labas.
"I refuse their offer."
"What?!!" sigaw niya. Medyo OA pa nga iyon dahil may pa hand gesture pang nalalaman. "Badtrip ka naman Rui! Pangarap ko 'yon, eh."
"Edi ikaw na lang."
"Naku! Kung magaling lang ako." Kunwari pang nagshoot. "Tatanggapin ko agad! Sayang rin 'yon. Chance rin na makabingwit ng chix. ---Teka bakit ba ayaw mo? "
Hindi sa ayaw ko. Hindi ko lang kaya.
"Ayokong mapagod."
"Yun lang?"
"Oo."
"Ganun kababaw?! "
"Big deal sa akin ang mapagod, bakit ba?"
Napailing na lang siya. "Ang weird mo talaga." sabay pinasadahan ako ng tingin. "Mukha ka lang weak dahil sa way ng pananamit mo at pa-face mask, pero ang totoo ang cool mo pala. Tapos sinong mag-aakala na magaling kang magbasketball eh sabi mo nga home-schooled ka dati, di ba? " Naningkit ang mata niya. "Umamin ka nga, Rui. Sino ka ba talaga?"
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomanceI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...