CHAPTER 24

196 20 1
                                    

CHAPTER 24

Rui's POV

After Dinner.

Nakaupo ako sa balcony lounge chair habang naglalaro ng online game. Si Kian naman ay hindi na tumigil sa kakaasar sa akin tungkol sa ina-assume niya na pagseselos ko raw sa kupal na Jared na 'yon!

Tsk. Ba't naman ako magseselos? Wala naman dapat ipagselos! Hindi ako nagseselos!

Sh*t!  Pero naasar ako! Talagang naasar ako!  Hindi ko alam kung bakit?!!

"Argh! Asar!! Talo na naman!!!" sarap ibato ng cellphone na 'to!!!

Tumawa si Kian. "Aminin mo na kasing nagseselos ka para matapos na 'yang kabadtrip-pan mo!"

"Shut up!"

He raised his two hands.  "Alright. Chill ka lang! Di ka na mabiro." ani niyang pangisi-ngisi. "Mabuti pa iinom na lang natin 'yang init ng ulo mo." Tumayo siya't may kinuhang kung ano sa chiller at inabot iyon sa akin.

"Bawal 'to ah." sabi ko.   Canned beer iyon.

"Ssshh... huwag ka ng maingay. Pinuslit ko lang 'to kanina." tumungga siya. "Inumin mo na lang. Pampalamig ng ulo mo."

Binuksan ko na iyon at tumungga roon. "Hindi ako nagseselos."

"Sige. Convince mo lang ang sarili mo, minsan nakakatulong rin 'yan. " sabay tawa.

"Sapak gusto mo?"

Tumawa uli. "Joke lang." sabay atras.  "Sige, maiwan na muna kita rito. 'Dun muna ako sa kabilang kwarto, makiki-ML battle ako kila Nico."

"Suit yourself."

Kumuha pa muna siya ng dalawang beer at inilagay iyon sa bulsa niya bago lumabas ng kwarto.

Ako naman ay pumasok na sa loob at naupo sa kama. Tinungga ko uli ang beer na hawak ko bago ibinaba iyon sa side table.

Narinig kong may kumatok sa pinto.

Bumaba ako ng kama at pinagbuksan ang nasa labas.

"Hi Rui!!"

Agad na kumulo ang dugo ko.  "Anong ginagawa mo rito?"

"I came here to make lambing to you." she said.

"I don't need that. At isa pa bawal ang babae sa boys room."

"Sinong may sabi?" sabay nagpilit pumasok. Maagap na napigilan ko siya.

"Bawal sabi eh! "

She pouted her lip. Acting like a brat. "Sorry na nga di ba? Actually,  nandito ako para mag-explain sa'yo tungkol kay Jare--"

"You don't have to explain yourself. Hindi ko kailangan. So get lost."

Nawala ang ngiti sa labi niya. Biglang tumalim ang mata niya.  "Kapag hindi mo ko pinapasok sisigaw ako! "

Aba! Nanakot pa!  "Then shout!"

Agad na bumwelo siya.  "Tulong!! Tulungan niyo ako!!! I am being molested!!!! Help! Help!!"

Tiningnan ko lang siya. Para talaga siyang timang. Sinong mag-aakala na 165 ang IQ niya?

"Tapos ka na?" sabi ko. Hindi siya sumagot. "Then leave."

"Okay. " sabay yumuko. "Tutal ayaw mo naman na sa'kin." biglang talikod. "Pupunta na lang ako kay Jared."

WTF*ck?!

Sa panggigil ko ay hinawakan ko ang braso niya at hinatak siya papasok ng kwarto.

This vixen! Sinasagad na talaga niya ang pasensya ko!!

Sweet but PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon