Rui's POV
Nagising ako sa ingay ng door bell sa labas. Kinusot ko ang aking matang napatingin sa e-clock na nakapatong sa side table, pasado alas siyete na ng umaga. Maingat na kumalas ako kay Harley na ngayon ay natutulog pa rin sa tabi ko. Bumaba ako ng kama at kumuha ng damit sa closet, pagkabihis ay nagtungo na ako sa pinto para tingnan kung sino ang nasa labas.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang nasa monitor.
"Akira."
Sh*t! Bakit narito siya ng ganito ka-aga?
Teka.
Natigilan ako't napapikit ng mariin.
Oo nga pala. First day niya nga pala ngayon sa university at nagpagkasunduan namin kahapon na sabay kaming papasok sa school.
Sh*t! Sh*t! Sh*t!
Si Harley nasa kwarto ko pa!
What to do? What to do?
Patakbong bumalik ako ng bedroom.
"Harl.. gising! Gising!" yugyog ko sa kanya.
"Hmm.. bakit ba?! Inaantok pa ko e." protesta niya habang hinahawi ang kamay ko.
"Bumangon ka na diyan! Nandito na si Akira."
Namilog ang mata niya. Tila nawala ang kanyang antok. "At ano naman ang ginagawa niya rito ng ganito kaaga?" sabay bangon.
"Alas otso ang appointment niya kay Mr. Dean. Pasado alas siyete y media na. Di ba nga sasamahan ko siya roon."
Tumango-tango siya. "K.fine" sabay inat. "O, ano pa ang hinihintay mo? Edi, pagbuksan mo na. Ano pa ba ang gusto mo? Magtago pa ko?" mataray niyang sabi.
Pinandilatan ko siya. "Hindi. Ang gusto ko ay bumangon ka na diyan at magbihis ka na."
"Right. Right." tila bored niyang sagot.
Muli ko pa siyang pinaalalahanan bago tuluyang lumabas at pinagbuksan ng pinto si Akira .
"Akira-san. You're here. Please come in."
"Thank you." at pumasok na siya. "Sorry to come here early. Did I wake you? "
"No, of course not." sabay iginaya ko siya sa sala. "Have a seat."
"Thanks." She smiles. Kasunod ay inilibot ang kanyang mata. Nagulat siya ng makita ang dining area.
Nagtatakang sinundan ko ang mata niya.
"Sh*t.." mahina kong mura.
Nagkalat kasi roon ang mga damit na hinubad namin ni Harley kagabi.
Nanlaki ang mata ko.
Ibig sabihin ay hindi pa nagbibihis ang maldita kong girlfriend.
"Rui... where are my clothes? "
Nalintikan na!
Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko nga siyang palabas ng kwarto na nakatapis lang ng kumot sa katawan.
Goodness...
"Hi, Akira. Good morning." sabay rampa sa harap ni Akira. "You're early. Rui and I just woke up. Have you already had breakfast?" casual na tanong nito na parang wala lang rito na nakatapi lang ito ng kumot.
"Y-yes. Thank you for asking." naiilang na sagot ni Akira na hindi halos makatingin sa kanya.
"You're welcome." she smiled. kasunod ay nilingon ako. "Rui.. my clothes, please."
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomanceI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...