CHAPTER 32

204 23 3
                                    

Harley's POV

Isang tibok. Isang tibok. Dalawang tibok. Isang tibok. Dalawa-tatlong tibok. Isang tibok.

Nagwawala kong puso ng marinig ko ang sinabi ni Rui. Pakiramdam ko ay nabibingi ako at tanging kabog lamang ng dibdib ko ang aking naririnig.

But wait. Totoo ba ito? Nangyayari ba talaga ito? Hindi kaya nananaginip lang ako? Tsaka ano na nga ang eksaktong sinabi niya?

"Harl?"

"Huh?"

"Ayaw mo ba?"

"Ang alin? "

"Ang maging girlfriend ko."

Sh*t! Oo nga pala! Sinabi nga pala niya na he wants me to be his girl!

Waaaaaahh!  Diyos ko! Finally!! After so many lambing! After so many harot!! After so many threats!! Nagbunga rin ang lahat ng pagod ko!

Kailangan ko lang palang makulong para ppmapaoo ko ang pakipot na gwapong 'to!

"Harl.. Tulala ka na diyan... " aniya. Kasunod ay tumayo na siya mula sa pagkakahiga sa pavement pero nanatiling pa rin akong nakadagan sa kanya.

"Ha? --" I shook my head "Ahm..Rui, hindi ko alam ang isasagot ko. Pwede bang pag-isipan ko muna? " sabay ayos ng pagkakaupo ko sa ibabaw ng hita niya.

Parang gusto kong matawa sa sarili kong sinabi. Pero siyempre it's my time to shine! Kaya magpapakipot rin ako kahit konti.

Automatikong napangiti si Rui.  "Oo naman. Take your time."

Sinalo ko ng kamay ko ang aking baba at tumingila sa langit. Kasunod ay ibinalik ko ang tuon ko sa kanya.

"Okay. Napag-isipan ko na."

Tumawa siya.  "Ang bilis ha."

"Siyempre, fast thinker ako e."

"Okay. So, ano na?"

"It's a yes." I smiled. "Tutal parang desperado ka na e."

Tumawa na naman siya.  "Ako pa?" sabay turo sa sarili.  "Ako pa talaga ang desperado?"

Sinapo ko ang mukha niya at inilapit iyon sa akin.  "Bakit? Hindi ba?"

He kiss me. So quick! Hindi ko inaasahan 'yon!
"Hindi." kasunod ay sagot niya.

Omo! This kilig inside me is killing me!!

Rui naman.. huwag ka namang ganyan!

"Namumula ka na, Ms. Psycho." bulong niya.

Nasapo ko ang mukha ko't hinampas siya ng marahan sa dibdib. "Tumigil ka! Saksakin kita diyan e."

Sus. Ang arte na Harley ah.! Tama na!

"Edi saksakin mo.. " he whispered. Then he kiss me again. This time hindi na iyon halik na pambata. It's a passionate and deeper kiss . Halik na nakakapagpagulo sa sistema ko.

"Rui.. " usal ko ng bitawan niya ang labi ko.

Kasunod ay naramdaman kong bumaba ang labi niya sa aking leeg habang ang isang kamay niya ay sumuksok sa aking batok at ang isa naman ay pumaloob sa suot kong shirt.

"Rui.. "

"Hmm? " humahalik pa rin sa leeg ko.

"Nasa rooftop tayo.. " I bit my lip. Umangat na ang halik niya sa tenga ko.

Goodness..

"It's okay. Wala namang tao.... " bulong niya then I felt his hot lips bitting my ear.

D*mn! It's getting hotter.

"You playful bad boy.. " nakakagat labi kong sabi.

Biglang bumukas ang pinto ng rooftop.
Iniluwa niyon si Kian at iba pang miyembro ng basketball team.

Nakita kong natigilan sila at nanlaki ang kanilang mga matang nakatingin sa amin ni Rui.

"Rui... " sabay tapik sa balikat niya.  He is still busy savoring my neck.

"What?" aniyang nag-angat na ng tingin.

"Kian is here." sabay turo sa pinto ng rooftop.

Nilingon sila ni Rui.

"Sorry Rui, hindi namin alam na snack time mo pala." si Kian. Sabay tinapik ang mga kasama niya na tila mga estatua namang nabuhusan ng tubig at nagkukumahog na nagtakbuhan pabalik sa ibaba.

Tunog ng sumaradong pinto ang naiwan roon.

Natatawang nagkatinginan kami ni Rui.

"Iisipin nila, wild ka. "  biro ko sa kanya.

Yumakap siya sa akin at ibinaon ang mukha niya sa dibdib ko.  "That's fine. I'm enjoying my youth anyway."

Natawa ako. May kapilyuhan rin pala ang isang 'to! 

"Harl.. "

"Oh?" ani kong hinahaplos ang buhok niya.

"My past.. " nag-angat siya ng tingin.  "I will tell you everything about my past."

Natigilan ako.

"Ta-talaga?" hindi makapaniwala kong sabi.

"Yah." Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at may kinuhang kung ano sa bulsa niya.

"Here."

Isang lumang ID iyon. Kinuha ko iyon sa kamay niya.

"Aihara Shin." basa ko.

Pero agad na nanlaki ang mata ko ng mapansin ko ang litratong naroon. Napaawang ang bibig kong tiningnan ko siya.

"I-ikaw 'to? "

Tumango siya.  "Yan ang pagkatao ko bago ako pinatay."

Sweet but PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon