Rui's POVNamulatan ko kinabukasan ang natutulog na mukha ni Harley sa center table kung saan kami inabutan ng antok kagabi. Pasado alas onse ng gabi namin natapos ang aming exam pero alas dos na ng madalimg araw kami nakatulog dahil sa lintik na posas na 'to sa mga kamay namin.
---------
Flashback.Last night.
"Oy! Rui. Paano na 'tong posas.." aniya habang pinipindot-pindot pa ang braso ko.
"Bahala ka diyan! Kalokohan mo 'to di ba? Magtiis ka! "
Nagnguso siya. "Ayos lang naman sa'kin na nakaposas tayo. Kaya lang.... "
"Kaya lang ano?"
"Natatae na ko." nakayukong sabi niya.
"What?!! "
Sa lahat ng pagkakataon. Ngayon pa talaga?
"Hindi ko na kaya, Rui. Lalabas na talaga." pansin ko rin nga, dahil nagpapawis na ang noo niya.
Hay naku! Kahit gusto kong matawa sa kanya ay pinigil ko dahil naiinis ako! "Ano ba yan, Harley! " sabay hatak sa kanya. "Sandali lang kukunin ko ang facemask ko."
Nagpatianod siya ng pumasok kami sa kwarto ko't kinuha ang facemask ko at isinuot ko iyon.
"Pasok na." ani ko sa kanya ng binuksan ko ang bathroom.
Nagmamadali siyang pumasok roon at nakita ko pang kinakalas niya ang butones ng shorts niya. Napatalikod ako.
"Ahm... Rui. "
"Ano?!"
"Pwede bang kumanta ka? "
Nangunot ako. "Bakit?"
"Ayokong marinig mo ang tunog ng tae ko. Sige na! Kanta na.. "
D*mn it! Bakit ba nangyayari 'to? Why me Lord? Why me?
"Okay! " At kumanta na nga ako. "Let's take our time tonight girl. Above us all the stars are watching. There's no place i'd rather be in this world. You're eyes are where I'm lost in. Underneath the chandelier we're dancing all alone. There's no reason to hide, what we're feeling inside.. right now. "
"So baby let's just turn down the lights... and close the door. Oh I love that dress but you don't need it anymore. You don't need it no more, let's just kiss till we're naked baby. Versace on the floor....."
Teka. Parang napadami na ang kanta ko ah! "Oy, Harl. Tapos ka na ba? "
Narinig ko na ang tunog na flash. "Finish!!"
Nilungon ko na siya. "Maghugas ka ng kamay mo." hinatak ko siya patungo sa sink at binuksan ang faucet.
Itinapat naman niya ang kamay niya roon at nag-umpisang maghugas gamit ang liquid hand soap.
"Thanks Rui. " nilingon niya ako. "That's the most romantic na pagbabanyo, I ever had in my entire life. " natawa siya. "Parang hinaharana ako habang tumatae ako. Nakakakilig."
Nakagat ko ang labi ko sa inis. "Huwag ka ng mang-asar."
Tumawa siya. "Joke lang. Di na mabiro."
Diyos ko! Nanggigigil ako! Kung hindi lang siya babae!
"Tara na sa labas. Marami pa tayong sasagutan."
"Yes, Sir! " sagot niyang nakasaludo.
End of Flashback.
--------------
Present."Harley, gising na. " sabi ko't bahagyang niyugyog siya.
Agad naman siyang nagising at bumangon na kinukusot ang mata. "Inaantok pa ako.. "
"It's past six. We should get out and find something na makakaalis nitong posas! "
"Okay. Sandali lang maliligo lang ako."
"What?" At bakit pa?
"Anong what ka diyan?! Hindi ako lumalabas ng bahay na hindi ako naliligo!"
"Do you think makakaligo ka na may posas ang kamay natin? " She's unbelievable!
Tumayo siya at hinatak ako. "Naka-ebak nga ako na may posas di ba? Maligo pa kaya? " sabay ngiti. "Let's go! "
"Teka lang, Harl! Sandali! "
Hindi na niya ako pinansin at nagdire-diretso na palabas. Sa unit niya ay pumasok kami agad sa closet. Kumuha siya ng gunting sa drawer at ibinigay iyon sa akin.
"Anong gagawin ko dito?"
"Cut my shirt."
"Ha? Bakit ako pa? Ikaw na lang! " matinding tanggi ko.
"I can't use my left. Right-handed ako, Rui."
"Nakapagbanyo ka nga kagabi---"
"This is a scissor, Rui. Baka masugatan ako."
"Fine." sabay kinuha ko ang gunting sa kanya.
"Be careful." bulong niya pa.
Ginunting ko na nga ang T-shirt niya maging ang strap ng bra niya kasunod ay inilapag ko sa ibabaw ng dresser ang gunting at pumikit ako.
Natawa siya. "Ah, what a gentleman." asar niya.
"Dalian mo na!" Ang babaeng 'to inuumpisahan na naman ako.
Mga ilang sandali ay naramdaman kong hinatak niya ako patungo sa kung saan. Alam kong sa banyo iyon. Hanggang doon ay nakapikit pa rin ako. Narinig kong bumukas ang shower.
D*mn! Napalunok ako. Give me some strenght to surpass this test.
"Rui... "
"Ano na naman?"
"You can open your eyes, I don't mind."
Puteeek! This vixen! She really is teasing me!
"No thanks, I'm good."
"Okay." Naramdaman kong gumalaw siya. "I'm going to soap my body now."
Napamura na naman ako! Harley!!!! "Huwag mo ng sabihin sa akin ang gagawin mo! Maligo ka na lang! "
Tumawa siya. "Okay. I'm sorry." gumalaw uli siya. "Masyado namang mainit ang ulo mo. Cool ka lang."
"Kung hindi ka naligo. Hindi sana iinit ang ulo ko."
She laugh again.
This girl. She really is playful.
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomanceI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...