CHAPTER 3

290 27 2
                                    

Harley's POV

Nakakainis! Sobrang nakakainis!
Mantakin mong di man lang nasindak sa'kin?

That Rui. Sa tuwing tititigan ko siya sa mata ay may kakaiba akong nakikita. He isn't the type to be scared that easily. Pakiramdam ko ay pinepeke niya lang ang pangangatog niya at ang panginginig-nginig. I feel so challenge about him. There is something beneath him na nahihiwagaan talaga ako.

Lalo na noong una kaming magkakilala. Siya lang ang sinampal ko ng ganoon kalakas na tumitig pa sa akin ng masama kaysa ang matakot. Kahit ng tinutukan ko siya ng kutsilyo sa mukha ay mas matalim pa ang titig nya sa'kin kaysa sa titig ko.

He is weak in a very strong way and I like it. Parang mas lalo tuloy tumitindi ang desire kong makuha siya!

"Just wait and see, Rui. I'll make you surrender to me. "

Dinampot ko na ang kaserola ng niluto kong sinigang at ibinuhos iyon sa isang malaking plastic bag. Kaysa naman masayang ay ibibigay ko na lamang iyon sa mga taong gala para naman kahit papaano ay makatikim sila ng pagkain ng tao.

Kinuha ko na ang bag ko sa closet at kumuha ng isang maliit na knife weapon sa glass shelf.
May collection ako ng iba't ibang weapon na ginagawa ko lang na laruan. These are all real and licensed. I have knives, guns, archer, samurai at isang dosenang granada. Lahat ay properly stored at sealed with electronic locked na may 12, 500 na kombinasyon. These are my babies. Mas mahal pa ang mga ito sa sarili kong buhay.

Anyways, palabas na ako. Pupunta ako ng bar para maglibang dahil siguradong hindi na naman ako makakatulog. I have insomnia. Hindi ako nakakatulog ng hindi ako umiinom ng alak.

"Goodevening, Ma'am. " bati ng gwardiya.

Inabot ko sa kanya ang plastic bag.  "Paki-bigay sa kahit na sinong taong grasang madadaan diyan."

Kinuha ng gwardiya ang supot.  "Ako na pong bahala, Ma'am. " ang lapad ng ngiti ni manong. Parang nakakaloko.

"Okay." sumakay na ko ng kotse ko at pinaharurot ko na iyon palabas ng condo.

Sa bar.

Halos hindi magkamayaw ang mga tao. Ang aga-aga pa ay lunod na lunod  na ang lahat sa alak. Isa pa naman iyon sa pinaka-ayaw ko.  Ang nakikipagsiksikan sa mga lango. Karamihan sa mga kalalakihan kapag ganoong sitwasyon ay sinasapian na ng espiruto ng kamanyakan. Ayaw na ayaw ko pa naman na hinahawakan ako ng walang pahintulot. Talagang lumalabas ang pagkademonya ko kapag nababastos ako.

"Oh Harley, na-late ka 'yata." sabi ni Juno. Ang barista roon na naging barkada ko na.

"May inaakit kasi akong bagong salta sa school ko."

"Tsk. Baka katulad na naman ni Brayle 'yan a."

P***ng*na!!!! Naalala ko na naman ang an*mal na 'yon! Bigla na naman tuloy kumulo ang dugo ko.

"Hindi. Iba 'to! Di hamak na mas gwapo 'to kaysa kay Brayle."

"Talaga ba? Anong pangalan? May picture ka ba? Patingin nga! "

Nagbelat ako sa kanya sabay nagf*ck*ou sign.  "Asa ka! Akin 'yon!! "

Umirap si Juno.  "Grabe naman! Hindi ko naman aagawin! Takot ko na lang sa'yo, baka patayin mo pa ko." natatawang sabi niya.

"Mabuti alam mo."

Kung si Brayle nga na malaking tao ay hindi ko sinanto siya pa kaya?

"Ano na nga palang balita mo kay Brayle?"

Umismid ako.  "Pinatay ko na 'yon. Huwag mo ng hanapin. "

"Uy! Sobra ka! Hindi mo ba alam na hanggang sa ospital raw ay nagwawala si Brayle. Takot na takot. Na-trauma sa ginawa mong gaga ka!"

"Deserve niya 'yon! Akalain mong hatakin ba naman ako dun sa may eskinita tapos gusto na akong rape-pin!! T*ng**a siya!! Papatayin ko na muna siya bago niya ko ma-i-score-ran!! "

Ang ayoko sa lahat ay yung pinipilit ako kapag ayaw ko. Kahit na liberated ako ay gusto ko pa rin naman na nirerespeto.

"Mas naaawa na tuloy ako sa rapist kaysa sa'yo. Mas nakakatakot ka pa eh."

"Walang nakakaalam ng tunay kong pinagdaanan, Juno. Ganito man ako. May kwento pa rin ako. I'm still delicate and juvenile."

"Hay naku! Whatever. "

Iniwan ko na lang siya.

Nagpunta ako sa smoking area para mag-yosi.
Sa di kalayuan ay natanaw kong may isang babae at lalaki ang tila nagtatalo. Lumapit ako ng bahagya para mas marinig ko sila.

Nagulat ako ng biglang tinulak ng lalaki ang babae at inumpisahang pagsamantalahan.

Automatikong napatakbo ako at nanggagalaiting sinipa ko ang lalaki. Napaatras siya.

"F**k!!! Who the hell are you?!! Huwag kang makialam!!"

Itinaas ko ang daliri ko.  "Huwag ka ng magsasalita. Nanggigigil ako sa'yo. " Binalingan ko ang babae. "Ayos ka lang?"

Tumango siya. Pero hanggang ngayon ay nanginginig pa rin sa takot.

"Hoy babae! Sinasabi ko sa'yo!! Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko sa'yo!! "

Pasimpleng inilabas ko ang knife ko sa aking bag.

Ngumisi ako. "Hindi mo ko kilala, Mister. Baka mabigla ka."

"Umalis ka na!!!! " sigaw niya.  "Tabi!!! " sabay tulak sa 'kin.

Napapikit ako ng mariin.

Nilapitan na naman niya ang babae at pilit hinahatak.

Hinawakan ko ang braso niya.  "Bitawan mo siya!!! "

"Huwag kang makialam!!! "  Sabay sinakal ako.

Naghihihiyaw ang babae.

Ako naman ay natawa na lang sa lalaking kaharap ko.

"Ba-bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa ha?!!! "
Hindi ako sumagot. Tumawa lang ako ng tumawa.

"Tumigil ka!!!!! Baliw ka na!!!! "

Tumigil  na nga ako.  At tinitigan siya ng masama.  "Yes. I'm freakin insane!!! "

Sabay taas ng kutsilyo ko't sinaksak ko ang kamay niyang nakadakma sa leeg ko.

Napasigaw siya sa sakit.

"Masakit ba? Kulang pa yan!!! " sigaw ko. "Gusto mo pa ng isa?! "

"You're crazy!!!! You are evil!!!! "  Huling sigaw niya bago tumakbo paalis sa harapan ko.

Natatawang sinundan ko siya ng tingin.  "Ass**le." Kasunod ay tiningnan ko ang knife ko na may bahid ng dugo niya.  "Good job, baby."

"Ahm... " sabi ng babae sa likuran ko.

Nilingon ko siya.  "Oh? Ba't nandito ka pa? Alis na! "

"Ma-maraming salamat. Baka kung napano na ko kung hindi ka dumating. " dugtong niya.

Inirapan ko siya.  "Sa susunod kasi huwag kang tatanga-tanga at hihina-hina kung ayaw mong mapahamak. "

"Oo. Tatandaan ko."

"Sige na! Alis na! Mas naiinis lang ako sa'yo."

Ngumiti pa rin siya kahit pinagsusungitan ko na siya.  "Thank you talaga, Miss. " nag-vow pa siya sa'kin.  "Sige. "

Napabuntong-hininga na lang ako. Naging bidang-kontrabida na naman tuloy ako ngayong araw na 'to.

Sweet but PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon