Harley's POV
"Hoy gaga! Hanggang kailan ka magiging ganyan? Tingnan mo nga 'yang sarili mo? Ang haggard haggard mo na!" si Juno.
Kasalukuyang nasa bar ako ngayon at nilalaklak ang isa bote ng whiskey.
"Tumahimik ka! Broken hearted ako kaya huwag kang mangialam!! " sagot ko at tinungga uli ang bote.
"Paanong di kita pakikialaman eh mag-dadalawang linggo ka ng ganyan! Wala ka ng ginawa kundi mag-inom! Hindi ka na kumakain, hindi ka na umuuwi sa bahay mo! " lumapit siya ng bahagya kasunod ay sininghot-singhot ako. "Hindi ka na rin naliligo! Ano ka ba?! Umayos ka nga! "
"Sobrang nasasaktan ako, Juno." tiningala ko siya. Looking so devastated. "After kong magdecide na layuan at iwasan si Rui, nawalan na ako ng ganang magpatuloy sa buhay. " Tinubtob ko ang dibdib ko. "Ang bigat, ang bigat ng pakiramdam ko, parang... parang... parang may malaking bato ang nakadagan sa dibdib ko."
Hindi ko na napigilang mapaiyak.
"Bakit ganoon Juno?" sabay singhot. "Ako itong umiiwas pero bakit ako pa ang mas nasasaktan?" tumungga uli ako ng alak. "Alam mo bang pinagsisisihan ko na sinabi ko sa kanya na lalayuan ko siya. Ilang gabi kong tinangkang puntahan siya at bawiin ang sinabi ko pero sadyang napapako ang paa ko sa tuwing natatapat na ako sa pintuan niya... pakiramdam ko kasi hindi na niya ako tatanggapin... at... at... iyon ang ikinakatakot ko. "
Lalo pa't sinabi na niya sa akin ng harap-harapan na hindi pa siya handa para tanggapin ang nararamdaman ko.
"Ikaw naman kasi, kung hindi ka ba naman gaga!" dinuro niya ang noo ko. "Mag-i-iinarte ka,magtatapang-tapangan, feeling kayang-kaya! Palayo-layo pang nalalaman , akala mo naman kapag ginawa mo 'yun susuyuin ka niya?" Tumawa siya. "Wala pang sinasabi sa'yo yung tao, bakit ba kasi napaka-atat mo? Hindi mo ba naisip na kailan pa lang naman kayo nagkakilala. "
"Eh 'yan na nga ang problema!" nasapo ko ang ulo ko. "Palagi niyang sinasabi na hindi ko pa siya kilala, na hindi ko pa alam ang tunay niyang pagkatao, na hindi ko alam ang totoong nararamdaman niya. " napapikit ako ng mariin. Dala ng sobrang frustration. "P*t*ng*na Juno! Paano ko malalaman kung hindi niya sasabihin?! Hindi naman ako manghuhula! Wala akong telephaty powers! " Napabuntong-hininga na lang ako. "Wala ba siyang tiwala sa'kin?"
From day one up to now. Isang malaking palaisipan sa akin ang pagkatao ni Rui. Marami akong gustong itanong sa kanya. Gusto kong malaman kung bakit may injury siya at kung saan niya talaga nakuha iyon. Gusto kong malaman kung bakit mayroon siyang tattoo. Gusto kong malaman kung bakit magaling siya sa sports at kung bakit mahusay siyang gumamit ng baril. Gusto kong malaman kung sino ang babaeng nagsuicide at ano ang koneksyon nilang dalawa. Gusto kong malaman kung bakit mahalaga sa kanya si Akira. Gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman niya sa babaeng sinasabi niyang naging ka-FUBU niya lang. Ang dami kong gustong itanong pero hindi masagot sagot dahil hindi niya sinasabi sa akin ang totoo.
"Harley.. " ani ni Juno. "Baka naman kaya hindi niya masabi-sabi sa iyo ang mga bagay na gusto mong malaman ay hindi dahil sa wala siyang tiwala sa'yo kundi dahil hindi niya lang kayang sabihin."
Nangunot ang noo ko. "Ano ang ibig mong sabihin?"
"Baka lang kasi isang masakit na ala-ala pala sa kanya ang mga bagay na iyon kaya hindi niya masabi sa'yo." dugtong pa ni Juno. "Minsan kasi mas pinipili ng tao na ibaon sa limot ang mapait na karanasan hindi para takasan ito kundi para tuluyan na silang makapagbagong buhay. " she lean her head towards me. "Nage-gets mo ba ako?"
Juno.
She look like a bimbo gangster pero may sense rin pala kung magsalita. Parang bigla tuloy akong natauhan sa mga sinabi niya. Parang bigla kong narealize na naging selfish ako kay Rui at mas inuna ko ang sarili kong nararamdaman kaysa sa nararamdaman niya. Hindi ko man lang naisip na baka nahihirapan rin si Rui. Hindi ko man lang isinaalang-alang ang mararamdaman niya.
Parang nagi-guilty tuloy ako sa ginawa ko.
"I never thought about that." nasabi ko.
"Makasarili ka. 'Yan ang word na tamang-tamang ipan-describe sa gagang katulad mo."
Mas lalong nagkarera ang luha ko. I feel so sorry for Rui...
"Hoy! Magdrama ka talaga rito?! "
"I.. i.. i hate myself, Juno.. I do-don't deserve Rui... " patuloy lang ako sa pag-iyak.
Pansin kong mas lalo lang nainis si Juno kaysa kaawaan ako. "Bahala ka diyan. Tutal wala naman akong magagawa diyan sa problema mo. Ikaw lang ang makaka-solve niyan. "
Yun lang at iniwan na niya ako para daluhan ang iba pang mga customers.
Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Wala na akong pakialam kung may ibang taong makakakita sa akin. I just want to release this torturing emotions. I want to free my heavy heart from it.
"Excuse me?! " ani ng boses ng babae. "Pwede bang umusog ka ng konti? Uupo kasi kami."
Hindi ko siya nilingon. Wala akong pakialam sa paligid ko ngayon. Sini-savor ko ang pagdadrama ko.
"Hoy! Bingi ka ba?! "
Deadma pa rin.
"Aba't?!! Alis nga diyan!!!" sabay hatak sa akin.
Sa wakas ay nag-angat ako ng tingin. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya sa'kin. Ang kapal ng face niyang hawakan ako!
"Sino ang may sabi sa'yo na pwede mo akong hawakan? "
Namaywang siya. "Bingi ka kasi. Pinapausog kita! Hindi ka gumagalaw! ----Tabi! " sabay tulak.
Ah.. nanghahamon ka ha!!
"Halika nga dito!!! " sabay hatak sa buhok niya. "Tuwang-tuwa ako sa 'yo!! "
Napasigaw siya! "Aray! Bitawan mo ko! "
Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa buhok niya. Kasunod ay hinawakan ko ang mukha niya at nginudngod iyon sa ibabaw ng counter!
Napasigaw uli siya.
"O, ano?! Sino ang bingi?! Ako ba?!! "
"Aray!!! Tama na!" daing niyang pigil-pigil ang kamay ko.
"Harley!Tama na!! " si Juno. Ngayon ay nakahawak na sa braso ko at pinipigilan ako.
"Huwag kang makialam dito! Kung ayaw mong madamay!! " nagpumiglas ako sa kanya.
"Tama na po please... aray... ang sakit na ng face ko!! "
Mas nginudngod ko pa siya!
"Aray!!! Mommy!! "
"Harley! Sabi ng tama na!! Guard! Guard!! " saklolo na ni Juno.
Agad na dumating ang mga gwardiya at mabilis na kinalas ako mula sa pagkakahawak sa babaeng atribida!
"P*t*ng*na!! Bitawan nyo ko!!!! Bitawan nyo ko!! " pagwawala ko.
"Harley please... tama na.. " pag-alo ni Juno. She touch my face. "Please... just go home for now. You need some rest."
"No!!! Hindi pa ko tapos!!! Bitawan nyo koooo!!! Bitaw na!!! "
D*mn you all! Go to h*ll!!!!!!
"Kuya pakikuha 'yung..... " sabay tango sa isang service crew.
"Juno!! Binabalaan kita! We are friends!!! Huwag mo akong tatraydurin!!! "
"I will not do that, Harley. Please just calm down!!"
"No!! Bitawan nyo ko!!" hinampas hampas ko ang mga pumipigil sa akin. "I swear to the heavens!! Papatayin ko kayo!! Papatayin ko kayong lahat!!!! "
"Harley... " si Juno, unti-unti siyang lumapit sa akin. "I'm sorry."
Muli ko pa sanang ibubuka ang aking bibig pero hindi ko na nagawa iyon dahil naramdaman ko ng may kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Kasunod ay tuluyan na akong nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomanceI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...