Rui's POV
Present.
Mga ilang sandaling hindi nakapagsalita si Harley matapos kong sabihin sa kanya ang buong katotohanan. Mababatid ko sa kanyang mukha ang gulat gayon din ang luhang pilit niyang pinipigil. Marahil ay pinaghalong inis, pagkalito at tuwa ang nararamdaman niya. Hinihiling ko na sana ay maging pabor sa panig ko ang magiging sagot niya sa akin.
"Harl.. I know everything that I did was done unfairly to you. Maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin at ipagtatabuy--------"
Pinalo niya ako.
Mahina.
Inulit niya.
Mahina pa rin.
Kasunod ay napayuko siya at....
"Nakakainis ka... " Muli na naman niya akong pinalo. "Nakakainis ka.. " Pinalong muli. Kasunod ay nag-angat siya ng tingin at nakita kong puno na ng luha ang kanyang mata.
"Harl, I'm sorry.. " pinunasan ko ang luha niya. "Please don't cry. It's killing me."
"Nakakakainis ka." tuluyan na siyang humagulgol ng iyak. "Alam mo bang halos mamatay ako araw-araw kaiisip sa'yo? Binabalot ng takot ang dibdib ko sa pag-aalala at hindi ako makatulog , hindi ako makakain dahil nag-aalala ako na baka kung napano ka na. Tapos... tapos.. malalaman ko lang na nagawa mong magsinungaling sa akin dahil namanhikan ka? Ano ang gusto mong maramdaman ko, Rui? Gusto mo ba matuwa ako?"
Naiintindihan ko siya. Kahit mabuti ang intensyon ko sa ginawa ko ay mali pa rin na pinasakitan ko siya. Marahil ay naiisip niya napinagkakaisahan namin siya.
"I'm sorry, Harl. Ginawa ko lang naman 'yon dahil sobrang mahal kita. Wala akong intensyon na saktan ka. I just want to prove to your parents na hindi basta basta ang nararamdaman ko para sa'yo. At gayon din sa parte mo, ayokong isipin niya na pinaglalaruan mo lang ako dahil sa ating dalawa, ikaw at ang damdamin mo ang mas nirerespeto. Ikaw ang unang nagparamdam ng pagmamahal sa akin, ikaw ang nagbuhos ng oras at panahon at ikaw ang nagbukas ng puso ko. At hindi ko mapapayagan na pagdudahan ng kahit na sino ang nararamdaman mo." sinapo ko ang pisngi niya. "I'm really sorry, Harley. I love you. I really do. And I want to be with you for the rest of my--------"
She cut me with a kiss.
Natigilan ako. My heart skip a beat. Kasunod ay naramdaman kong dumaloy na ang mainit na likido sa aking pisngi.
I am crying.
I am really crying.
This sweet, psychotic most beautiful girl in the world made me cry again.
Ang kauna-unahang babaeng nagpaiyak sa akin. Hindi dahil sinaktan ako kundi dahil pinaligaya ako ng sobra-sobra.
I am really bless to meet her and have her in my life. She change me. She taught me how to love kahit pa nga ni minsan ay hindi siya nakaranas ng pagmamahal mula sa iba. She really is exceptional and I will promise to the great heavens that I will never ever let her go.
"I love you too." she whispered. "Your warm words is more than enough to make me forgive you." hinaplos niya ang pisngi ko. "Thank you. Thank you for doing all that troubles for me. Nabigla lang naman ako kasi nagsinungaling ka pero ang totoo... ang totoo.. masayang-masaya talaga ako. Ang tagal ko kasing pinangarap 'to. Ang tagal kong hinintay ang taong magmamahal rin sa akin at tatanggapin ako despite sa nakakatakot kong pagkatao. Thank you for chosing me, Rui. You made my life long dream came true. Thank you."
And then our lips meet again.
Sa halik na iyon. Ibubuhos ko ang lahat ng pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya. I will give her the kiss that a prince would give to a princess on a perfect fairy tale. This is the end that I have hope and prayed for. Isa na lang ang kulang..Isa na lang ang kailangan ko and that is...
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomanceI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...