CHAPTER 23

181 23 1
                                    

Harley's POV

Lyrica Sports Club, Subic

Sumunod agad ako sa mga classmates ko sa LSClub matapos akong magpalit ng damit. Kailangan kong makausap si Rui sa lalong madaling panahon! I want to know kung bakit bigla na lang siyang hindi namamansin. Ang pagkakatanda ko ay wala naman ako ginawang mali sa kanya. Hindi ko naman siya pinagbantaan lately. Okay naman kaming naghiwalay sa school noong nakaraang araw.  Bakit bigla na lang siyang nagalit? Ano ba?! Harley! Mag-isip ka nga!

"God! Ayoko pa naman na ganito si Rui. Para akong mababaliw! Sumasakit ang dibdib ko."

Pumasok na ako. Nasan na ba sila?

Look to the left. Look to the right.

Ayun! Finally!

Patakbong sumama ako sa mga kumpulan ng estudyante.

"Students, we are here now in Lyrica's Indoor Firing Range." ani ng tour guide.  "Let me show you first the equipments used in Firing." binuksan niya ang itim na brief case sa harap namin.

"First, the gun." pinulot niya ang baril. "This is a 357 Magnum Revolver or what you usually called Revolver. We used differents types of guns in firing but this is most commonly used since it is lighter and much easier to carry."

Tumango-tango ang mga lango kong kaklase. Bilib na bilib sa nagsasalita. Akala mo mga ignorante na ngayon lang nakakita ng baril.

Hmp! Ang dami ko niyan sa bahay ko!

Pero teka nga! Nasan na si Rui?!!

"Naka-mask.." tingin sa gilid.  "Naka-mask.. " tingin sa likod.  "Naka-mask... " tanaw sa unahan.

Puteeek!!! Bakit walang naka-mask!!!
Rui!! Nasan ka na?!!!

"Next, of course the bullets and a headphone to protect our ears. Next is the hand gloves and of course , an eye protector."

"Wow!"

"Ang cool!!"

Nakangangang turan pa uli nila.

"Alright. Now, we will show you a little demo. " dugtong ng guide.  "Lt. Capili. " tawag niya sa babaeng officer na siyang gagawa ng demo.

Binigyan kami ng mga staff ng tigi-isang headphones.

Pagkasuot namin niyon ay pumwesto na ang officer sa tapat ng target at nag-umpisa ng bumaril sa pinakamalapit.

Bulls eye iyon.

"Waaaaah... ang galing! "

"Astig!!! "

Bumaril muli ang officer sa medyo malayo naman. Bulls eye uli.

Hanggang sa nakaabot sa pinaka-dulo ang target. Pero roon ay dumaplis lang sa ulo ng target ang bala.

Buti nga! Pasikat!

Nadismaya naman ang mga loko-loko kong kaklase.

"You see? That's how cool the firing is. Parang bumabaril ka lang sa video game but of course in here, you have to be careful because unlike the guns used in videogames, this real thing here can kill or hurt someone if hindi nagamit ng tama."

"Aah... " the class, patango-tango.

"Alright! Who wants to try?"

Tumaas agad ako ng kamay.

"Okay. The girl from the back! "

Naglingunan sila lahat sa akin.

Agad na sumilay ang takot sa mga mukha nila.

Sweet but PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon