Rui's POV
"Ang muling pagkabuhay ni Harui Hakimura!" Salubong ni Kian sa akin pagpasok ko ng classroom. Inakbayan niya ako at sumabay sa akin patungo sa desk ko.
"Anong ganap rito noong absent ako?" sabi ko sabay upo sa aking silya.
"Wala naman. Nagbigay lang ng midterm exam ang mga Prof."
"Ano?! " Puttiik! Tatlong araw lang akong nawala nag-exam na agad! "Bakit hindi mo sinabi sa'kin?! Edi sana pumasok ako kahit may sakit ako! "
"Paano ko sasabihin sa'yo eh wala naman akong contact number mo. Tsaka huwag kang mag-alala, excuse ka naman. Pwede kang magrequest ng special exam."
"It will be unfair to all of you."
"Hindi ah! Si Harley nga palaging ginagawa 'yan. Palaging special exam. Ina-allow naman ng prof kasi nga nakakatakot siya di ba? Mas better kapag hindi siya sasabay sa ibang klase."
Nangunot ang noo ko. "And she allows that? Being isolated from the class?" That's so cruel...
"Oo naman. Siya pa nga ang may gusto 'non. Kaya pansin mo, palagi siyang wala sa klase. ----Teka nga, ba't ba bigla ka na lang naging interesado sa well-being ni Harley. Nagbunga na ba ang marahas niyong pagliligawan?" biro niyang may pilyong ngiti.
"Hindi ko siya nililigawan." At wala akong plano.
"I'm not referring to you. I'm referring to her."
"Wala kaming ganun! "
His mouth form an O. Sabay tuptop ng bibig. "So, Ang ibig sabihin MU lang kayo?"
"MU?" Ano na naman ang pinagsasabi nito?
"MU." ulit niya. "Stands for Malanding Ugnayan." sabay tawa! "Grabe ka, Rui. MU lang di mo alam." tumango-tango siya. "Sabagay, I understand, certifide v*rgin ka nga pala."
Loko ! Yun ang akala mo!
"Tigilan mo na nga ako, Kian. Ang aga-aga puro ka kahalayan."
Nag-vow ito. "Gomenasai." kasunod ay tumawa na naman.
Sa office ng aming adviser ay nagtungo ako matapos ang klase. Naabutan kong naroon rin si Harley at nakaupo sa visitors chair habang nilalaro ang globe sa ibabaw ng mesa ng prof. Lumapit ako sa kanya, sakto naman na pabalik na rin ang adviser namin sa mesa niya.
"Good timing, Mr. Hakimura. I'm about to give intructions for your midterm exam. Come here, have a sit. " ani ni Sir....... or Ma'am hindi ko ma-determine.
Umupo ako sa katapat ni Harley. Nakita ko agad na ngumiti siya sa akin.
"Good afternoon, Sir." bati ko.
"Good afternoon." ganti niya.
Si Harley ay nakatingin lang sa akin. Ngiting-ngiti talaga siya. Pakiramdam ko ay may binabalak na naman siyang masama.
"Okay. Since you two are excuse on the actual midterm examinations let me.. "
Tiningnan ko si Harley mula ulo hanggang paa. Nagtaka ako ng makita kong hinubad niya ang isa niyang sapatos. Kasunod ay sumenyas sa akin na huwag akong maingay.
Naguluhan ako't bahagyang kinabahan at hindi ko nagugustuhan ang mga unwanted gestures niyang iyon. Nang makita kong inangat niya ang paa niya at idinampi iyon sa gilid ng hita ko ay napaatras ako!
Humagikgik siya. WThe!!
Ang prof naman namin ay natigil sa pagsasalita at tumingin sa akin. "What's wrong Mr. Hakimura?"
D*mn! This vixen! Patay ka talaga sa'kin!
"Na-nothing Sir. May dumaan po kasing..... ipis. Nagulat po ako." palusot ko.
This little witch! Pangisi-ngisi pa!
"Naku! Nakalimutan na naman siguro ni Mang Baste na magdisinfect dito. Hayaan mo iilan lang naman ang ipis dito. Huwag mo na lang pansinin. " sabi ng walang kamalay-malay na prof na may nangyayari ng kamanyakan sa likod ng mesa niya. "Anyways, moving on.. "
Muling itinaas ni Harley ang paa niya. But this time ay napigilan ko na iyon.
Huli ka! Tapos ka sakin!
Hinawakan ko ang talampakan niya at kiniliti iyon. Napasayaw siya sa upuan niya at bumalentong sa baba!
Impit na natawa ako. Sabay tago ng mukha ko kay prof na ngayon ay tila naiimbiyerna na sa aming dalawa.
"Akala nyo ba hindi ko alam ang ginagawa ninyo sa likod ng mesa ko?" sabay itinuro niya ang glass door na katapat namin. "Kitang-kita ko ang kaharutan ninyo."
Naitikom ko ang aking bibig. Si Harley naman ay bumalik na rin sa pagkaka-upo sa natumbang silya. Nagkatinginan kaming dalawa, kapwa nagpipigil ng tawa sa ginawa naming kalokohan.
"Tutal wana naman kayong ganang makinig sa akin." tumayo na siya at ibinigay ang mga test papers. "Ipasa nyo na lamang ang mga exams nyo sa e-mail ko. Just take it home! You may now leave!" nakapamaywang na sigaw ni Prof.
"Yes, Sir. Thank you." ani ko sabay nag-vow.
"Bye, Sir! Sweet dreams." si Harley sabay sumaludo sa prof namin na mas lalong ikinainis nito.
Pinandilatan ko siya. "Ano ka ba?!"
"Alis na!" muling hiyaw ni Sir.
"Opo." at hinatak ko na si Harley palabas ng office.
"Sabay tayong mag-exam ha?" sabi niya ng nasa daan na kami palabas ng campus.
"At bakit?"
"I-tutor mo ko. I'm not good in Math."
"Ayoko." Baka kung ano nanaman ang gawin mo.
"Sige na. Baka bumagsak ako e." Kumapit siya sa braso ko at humilig roon. "Please... "
D*mn! Why can't I be consistent on resisting her! Rui naman! You are saying No then your gonna say.... "Okay."
Sumilay ang ngiti sa labi niya. "Thank you! "
D*mn! D*mn! D*mn! Mapapamura ka na lang talaga!! "Pero sa condo ko." dugtong ko.
Tama, Rui. You should be in your home court.
"Sure! Mas gusto ko 'yan! " sabay pinagdikit ang dalawang kamay niya na tila may ipinapaalala sa akin na kung ano.
Natigilan ako. Did she mean the...
"Hey, Lady. " tinuro ko siya. "That's never gonna happen."
Ngumiti siya at inilapit ang mukha niya sa akin. "No, Rui. I will make it happen." sabay layo sa akin at kumaway. "Mauna na ko. See yah later! "
Hindi na ko nagsalita pa. Tinanaw ko na lang siya habang ngayon ay palabas na siya ng gate.
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomanceI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...