Harley's POV
"Alam mo pa-suspense ka pa! Sabihin mo na!" sigaw ko kay Rui.
May pa-secret secret pa siyang nalalaman. Samantalang ako lahat tungkol sa'kin sinasabi ko sa kanya. Madaya rin ang isang 'to!
"Secret nga di ba? Ibig sabihin hindi pwedeng i-disclose. " sumenyas siya sa barista na isa pang order ng alak. "Scotch, neat. " sabi niya sa lalaking barista.
"Yes, sir. Right away."
"Hoy, sabihin mo na." niyugyog ko pa ang braso niya. "Di ba, ang sabi mo gagawin mo lahat ng guso ko."
"Sinabi ko ba? "
Aba't!!
"Wala ka pa lang isang salita eh! "
Napangiti siya. "Kahit naman kasi sabihin ko sa'yo, hindi mo rin naman siya kilala. Ano pang sense 'non?"
Sabagay may point siya. Pero... "Kahit na. Gusto ko pa ring malaman."
Ibinigay na sa kanya ng barista ang alak na order. "Okay fine. Sasabihin ko na." tumingin siya sa akin. "Her name is Akira Reid. She's my junior in high school. I was a 3rd year when I met her and she's just a first year back then."
"Tapos? " nakapangalumbabang sabi ko.
"The thing between us started when we got drunk. Sixteen pa lang ako non and she's fifteen, I guess. Pareho kaming may family problem 'non and we comforted each other until we both get intimate and decide to finish it in her house. She's living alone, by the way." uminom siya ng alak.
"And? "
"So, ayon. Everytime we are frustrated, every time we are in pain, nagkikita na kami para i-comfort ang isa't isa. By using each other's........ body."
Hindi ko alam pero tila bigla na lang binalot ng kirot ang dibdib ko. Parang bigla akong... bigla akong nagselos?
"Siya ba 'yung babaeng nagsuicide?"
Napalingon siya. "No! Of course not! Akira will never do that! Mukha lang siyang mahina physically but she's strong in the inside." Rui is smiling. Ngiti na umaabot sa kanyang mata. Marahil ay napaka-importanteng tao sa kanya ng Akira-ng iyon para makita ko siyang ngumiti ng ganito.
Parang bigla tuloy akong nainggit.
"It looks like you're still in contact with her. You are talking about her as if she wasn't a girl from the past." sabi ko pa rin kahit naninikip na ang dibdib ko.
Biglang nawala ang ngiti ni Rui. "You're wrong." Kasunod ay napayuko. "Everything that happen between us ends four years ago. We never had a conversation, or even a single phone call. Ni hindi ko na alam kung nasaan na siya. O kung maayos ba ang lagay niya. O kung hanggang ngayon..... buhay pa rin siya. "
He truly cares about Akira. Isang malaking parte ng nakaraan ni Rui ang babaeng iyon at kahit na magalit pa ako o magwala sa harap niya ay hinding hindi ko siya mapipilit na ibaling na lang sa akin ang lahat ng nararamdaman niya. My threats and seduction doesn't affect him at all. And thinking about that made my heart ache in pain. This isn't a mare obsession anymore. I think I really have fallen for him.
"I think she's okay." garalgal kong sabi. Shocks! Am I going to cry? No. No. No. No!!
"You think so? "
Nag-iwas ako ng tingin. "Oo naman. " napalunok ako. "Sabi mo nga di ba, strong siya. I think she can go through with it. "
"Yeah. That's true."
"Rui.. "
"Yes? "
"Thank you for sharing it with me." Nasabi kong pilit pinipigilan ang luha kong pumatak mula sa makulit kong mata.
He stare at me with a blank expression. "I just did what you have told me to do."
Right. He is telling me that he had no choice but to spill it. At hindi dahil willing siyang i-share sa akin ang mga iyon. Nagmukha na naman tuloy akong masama.
"I'm sorry."
"It's alright."
Biglang may nag-ring na phone. Kay Rui iyon.
"Excuse me.. " paalam niya para sagutin ang tawag.
Napatango na lang ako. Hayss... sino kaya 'yon?
"O, Bruha! Nasana na 'yung boylet mo diyan?" si Juno.
"Lumabas sandali. May tumawag kasi."
"Hala ka! Baka jowa niya 'yon."
"Gusto mong ipukpok ko sayo 'tong beer na hawak ko? " nanggigigil na sabi ko. Sabay taas ng bote.
Natuptop naman niya ang kanyang bibig. "Ay! Ang violent! " kasunod ay natawa.
Mahigit isang oras ang lumipas.
Hindi pa rin bumabalik si Rui. Gaano ba kahaba ang tawag na iyon at hanggang ngayon ay wala pa rin siya? Anong klaseng chika ba ang pinag-uusapan nila ng kausap niya at para na siyang call center na hindi makaalis sa tawag!
Teka... hindi kaya nakalimutan niyang kasama niya ako at umuwi na siya?!!
"Oh No!! " Bigla akong napatayo. Naramdaman ko ang pag-ikot ng aking paningin. Takte! Sa sobrang frustration ko sa katawagan ni Rui ay di ko namalayan na naka-dalawang bucket na ako ng beer! Hilong-hilo na ko.
"O, Harley. Uuwi ka na?" si Juno.
"Oo. Baka kasi iniwan na ko ni Rui." sabay hakbang palakad.
"Teka! Yung bayad mo!"
Ay oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan.
"Heto! " sabay lapag ng dalawang libo sa counter. "Keep the change! "
Nag-OK sign si Juno. "Ayos! Come again ah!"
At lumabas na ako ng bar.
Pagewang gewang na naglakad ako sa daan. Hinahanap ko kung nasaan na si Rui. Saan na nga ba siya nagpunta? Aray! Natumba na ako!
"Harley? " si Rui!!! "Harley."
Nilingon ko siya at automatikong napangiti. "Rui.. nandito ka!" sabay yakap sa kanya. "Hindi mo ko iniwan."
Nangunot ang noo niya. "Ba't naman kita iiwan?" inalalayan niya ako. "Halika nga." puwesto siya sa aking unahan at maingat na pinasan ako sa kanyang likod.
"Rui.. huwag mo na akong buhatin. Mabigat ako." sabi ko.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy ng lumakad.
"Rui, sabi ko. Mabigat ako."
"Nagrereklamo ba ko?"
Humilig ako sa likod niya. "Hindi."
"Then, stop worrying."
Natigilan ako. Bakit ka ganito Rui? Bakit ka.....
"Malayo ang condo na'tin rito. Sumakay na tayo ng taxi. Siguradong mapapagod ka."
"Ayos lang."
"Pero... "
"Harl.." inayos niya ang pagkakapasan sa akin at mas pinayakap pa ako sa balikat niya. "Sabi mo kanina gusto mong ma-experience na buhatin ka pauwi, hindi ba? "
"Oo."
Huminto siya saglit. "Then, consider this your first."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako. "Thank you. " Naisubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. I can't take it anymore. I was never being cared like this before. Ang turing sa akin ng ibang lalaki ay b*tch at p*ta. But with Rui, He made me feel like I am a Princess.
"Rui.. "
"Hmm?"
"I love you." And I will never stop doing that.
"I know." he answered.
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomanceI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...