CHAPTER 11

246 23 1
                                    

Harley's POV

Sa paborito kong bar dinala di Rui. Noong una ay nahirapan pa akong dalhin siya roon dahil nakikipaghatakan pa siya sa akin. Pero ng sabihin ko sa kanya na hindi ko siya guguluhin ng isang linggo ay pumayag agad siya. Loko rin. Ang tindi magpakipot. Hays.. naku naman talaga!

Sa counter ay naupo na kami. Katulad ng dati maingay at rumble na ang mga tao sa loob. Kay aga-aga ay wild na agad sa dance floor.

"Anong gusto mong drinks? Pomelo? Pineapple? Buko juice? " tanong ko kay Rui na ngayon ay busy sa kase-cellphone.

"Tss.. anong akala mo sakin? Bata?" inangat niya ang tingin niya sa'kin.  "Give me scotch, neat."

I bit my lip. Gosh! How can you be so cool?

"With pleasure. " sabi ko.

Tinawag ko si Juno, agad namang lumapit sa akin. Ng makita niya si Rui ay namilog ang mata niya.

"Is he the..?? " aniya.

Tumango ako.  "Yup. At wala akong planong ipakilala sa'yo kaya huwag ka ng magtanong."

"Grabe siya! Ang possesive ah! Akala mo naman aagawan.  ---Anong sa'yo? "

"Isang bucket ng beer and one glass ng scotch-neat. "

Muling namilog ang mata niya.  "Sa kanya 'yung scotch-neat? " sabay turo kay Rui.

"Yup."

"Ayos ah. Strong drinker pala. Hindi halata."

"Like I've said, kakaiba siya." pagyayabang ko.

"Ang harot mo." natatawang biro niya bago kinuha ang order ko at ibinigay sa'kin.

Bumalik na ko sa tabi ni Rui at ibinigay ang inumin sa kanya.

"Paki lapag na lang diyan. " aniyang tinapunan ng tingin ang tapat niya.  "Tapusin ko lang 'tong game ko."

Nagnguso ako. Unahin talaga ang game kaysa sa'kin?! Never pa kong dinedma ng kahit sino! Ngayon lang!

"Addict ka sa online games noh?" sabi ko habang pinagmamasdan siya.

"Not really, naglalaro lang ako kapag wala akong importanteng ginagawa."

Napataas ang kilay ko. Ah ganun? So, ako hindi importante?! Kagatin kaya kita diyan!

"Sobra ka naman. Kasama mo ko, huwag ka namang magsalita ng ganyan." sagot ko sabay tungga sa beer.

"Attention seeker ka?"

"Oo."

Ibinaba na niya ang phone niya at ibinulsa iyon. Kasunod ay inalis ang mask niya at uminom ng alak.

"O, bakit tumigil ka sa paglalaro? " takang tanong ko.

"You said you need attention, di ba?" He looked at me.  "I'm all yours."

Halos magskip beat ang puso ko. Nagkakarera rin ang mga kabayo ko sa dibdib! Napakapogi niya habang sinasabi niya iyon. D*mn, this guy!  He really knows how to catch a girl in just a word!

"Talaga?!! Inaamin mo na rin na akin ka na?."

"Just for tonight. Bayad ko 'yon sa'yo sa promise mong tatantanan mo ko ng isang linggo." he drink the liquor again, with so much grace. He looks like a Mafia boss. It's.....

Ah.. so sexy..

"So, you'll do whatever I say?" hamon ko sa kanya.

"Except s*x, yes."

Huwaaaaa!! Gusto ko ng magwala! Hindi ko inaasahan 'to!! Salamat po sa alak at sa kapangyarihan taglay ng ganda ko!

"You are making my heart race. Alam mo ba 'yon?" nasabi ko sa kanya.

"Hindi, pero dahil sinabi mo, alam ko na."

I smile. Ang cool talaga.

"Rui.. "

"Hmm?"

"Alam mo bang hindi ko pa nararanasang maligawan?"

"Ha? Bakit?"

"Because I'm always been forward with men. Ako ang palaging sugod ng sugod. I am always the first one to approach them, the first one to show interest. I never experience being hit on." Natawa ako.  "Ang wild ko noh? "

Tumitig siya sakin.  "Bakit kasi ginagawa mo 'yan? Why can't you just wait for them?"

Natawa uli ako.  "Kasi nga kung hindi ko gagawin 'yon, walang magugustong lumapit sa'kin. They always scared of me. "

Naalala ko noong 3rd year ako. May ka-schoolmate akong nag-confess sa akin that turns out to be my ultimate crush. He told me that he wants to court me at pumayag naman ako. Pero hindi pa tumatagal ng isang linggo ay bigla na lang siyang umiwas sa akin. Yun pala ay nalaman niya na may sinaksak akong kaschoolmate ko sa Canada. Simula noon ay wala ng nangahas na lumapit sa'kin.

"Nakakatakot ka naman talaga. You threaten people, you hurt them without hesitating. You should know it better." prankang sagot niya.

"Oo na! Edi ako na ang evil!" tinawanan ko na lang.  "Pero alam mo, in wa way, gusto ko ring maranasan na magkaroon ng manliligaw. Yung tipong bibigyan ako ng regalo, yung ihahatid sundo ako. Yung bubuhatin ako kapag napagod ako maglakad. Yung papayungan ako kapag umuulan. Yung mga ganun!" tinungga ko ang beer.  "I want to be loved, Rui."

Coz, I never receive that from anyone, kahit na sa sarili kong ina. Wala.

"You know what, Harl..." he sip on the glass.  "If you really want to be love, you should just love yourself. Hindi mo kailangan ng pagmamahal mula sa iba. Because at the end of the day, It is yourself , who you'll spend the rest of your life with. Wala kang makakasama sa hukay, lahat tayo mamamatay ng mag-isa."

And there, I was sunddenly caught in the moment.

Somehow, his words make sense to me. Parang isang iglap ay nakumbinsi na niya ako na dapat mahalin ko na lang ang sarili ko. He really is something. Kaya rin pala niyang maging deep minsan.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.  "Ang cool mo, Rui. Siguro marami ka ng naging girlfriends noh? "

Napangiti siya.  "I never had one."

"Talaga? " Imposible! Sa gwapo mong 'yan!

"But.. " napaisip siya.  "FuBu, I had one."

Napalingon ako sa kanya. Alam na alam ko ang ibig sabihin ng FuBu.

"Who is she? "

He smiled.     Sexily.  "Secret." aniya sabay inisanglagok ang alak.

Sweet but PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon