Harley's POV
"Anong sinasabi mo Rui.. " bulong ko.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko na tila sinasabi na maki-ride on na lang ako sa paandar niya.
Tumawa si Brayle. "Sure ka, pare? Mukhang nagkakamali ka 'yata." he smirked. "Hindi mo kilala ang babaeng yan. Masamang tao yan! Mamamatay tao."
"Isa pang buka ng bibig mo bibigwasan na kita. " banta ni Rui.
Napaawang ang bibig ni Brayle. Halatang nainsulto. "Nakikita mo ba 'to?" sabay turo sa peklat nito. "She did this to me!" sabay tinuro ako. "That psycho did this to me!!"
"Maybe because you deserve it."
"What?" napapikit ng mariin si Brayle. "No one deserve this kind of brutality! Pero siya! Ginawa niya lang sa akin without hesitations! And she might do this to you as well. " Humalakhak siya. "I'm warning you, stay away from her."
Narinig kong ngumisi si Rui. "Ang sweet mo naman." sagot niya kay Brayle then he held my hand tight. Like he's telling me that there is nothing for me to be worried about. "Don't worry about me, whoever you are, I can handle my woman. Because unlike you I can protect her and myself. I'm good with guns, you know."
Brayle laugh. "Ano 'yan water gun?"
Tumingin si Rui sa mga classmates namin. "You can ask them kung hindi ka naniniwala."
Bahagyang tinapunan ng tingin ni Brayle ang mga kaklase namin.
Agad namang nagsitanguan sila.
"Oo Brayle, magaling siya sa Firing."
"Asintado Brayle."
"Ingat ka Brayle, huwag mo siyang hahamunin."
"Pare, backout ka na! Power couple 'yang binabangga mo."
Parang gusto kong mapangiti sa mga sinasabi ng mga classmates ko. I know they are just doing that to stop the commotion. Pero nakaka-touch pa rin na isiping kinakampihan nila kami.
Brayle released a big sigh sabay nagkibit-balikat. "Okay. I will dodge off. " then he lift his two hand as sign of surrender. "But, Harley.. " sabay silip sa akin. "I'm watching you."
Nanggigil ako. Naku! Kung hindi lang ako pigil ni Rui ay kanina pa kita sinakal!!!
"I'm watching you too." banta naman ni Rui.
Nag-ngiting aso lang si Brayle at lumakad na paalis.
Ang mga kaklase ko naman ay animo mga langgam na nabuhusan ng tubig dahil agad na nagtikwasan.
"Harl, Are you okay?" tanong ni Rui na hindi ako nililingon. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko.
"Yes. Don't worry, I'm not afraid of him. Kayang-kaya ko siyang patumbahin anytime. Subukan niya lang saktan ako't tutuluyan ko na talaga siya!"
"Don't say that!" sabay harap. Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya. "Hindi mo kayang protektahan ang sarili mo sa lahat ng pagkakataon. Muntik ka na ngang masampal kanina!" He gave an intense look. "A man with vengeance is way stronger than you think! Don't be too reckless! Don't be stupid!"
"Then, what do you want me to say?"
Bakit ba nagagalit ka? Bakit sinisigawan mo ko? What do you want me to do?
"I want you to say that you need me. I want you to say, protect me."
Goodness.. Kung magiging ganito ka na naman Rui ay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Nalilito na ako sa gusto mong mangyari! I'm about to go crazy!
"Kahapon lang, kanina lang, you are pushing me away and telling me to stay away from you yet you are telling me this now? Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?"
Hindi siya sumagot. Nakatitig lang sa akin.
Napapikit ako ng mariin. I can't take this anymore!
"Putcha naman Rui! " marahas na hinatak ko ang kamay ko mula sa kanya. "Oo, mahal kita! Pero t*ng*na! Huwag mo naman akong gag*hin! "
Hinampas ko ang dibdib niya at itinulak ko siya ng ubod lakas! Kasunod ay nag-unahan ng tumulo ang mga luha ko mula sa aking mata.
"Harl... " he tried to touch me pero umiwas ako.
"No!" itinaas ko ang kamay ko. "Hindi mo alam kung anong sakit ang ini-endure ko kanina pa. I am dying in jealousy, my chest is in pain. I really wanted to hug you, to get close to you like I always do pero ikaw... ni wala kang konkretong rason.... ipinagtatabuyan mo ako." I look at him, showing him my pain. "Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa'kin, Rui? Sobrang baba para tanggapin ako at itapon ako kung kailan mo gusto?"
I bit my lip. Sobrang sikip ng dibdib ko. Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay katulad ng sakit na pumatay sa akin nine years ago ng iwan ako ng mama ko sa tinutuluyan namin na mag-isa, walang makain at walang nag-aaruga. It's so suffocating. Parang nalulunod na naman ako sa pain. I can't really breathe.
"Don't say that Harl, hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko."
"Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin?! "
"Because I'm not sure okay?!" nag-iwas siya ng tingin. "I'm confuse! I'm scared! I'm... I'm not ready."
There.
The answer that you need Harley.
Tama na siguro 'yan para tumigil ka na sa kabaliwan mo. Tanggapin mo na lang katotoohanan na kahit anong gawin mo ay hindi talaga magiging pareho ang nararamdaman nyo."Okay." Pinunasan ko ang luha ko. "Naiintindihan ko."
"Harl, please... don't.. "
"No." I need some time to think. I need some time to be alone. "Susundin ko ang gusto mong mangyari." ani kong may garalgal na tinig. "You want me to stay away from you?" I look at him. Compose and fierce. "I will stay away."
"Harley, please... not now... ... "
Hindi ko na siya sinagot at tuluyan na akong lumakad palayo sa kanya.
"Cassandra...please... "
I bit my lip.
For the very first time. Tinawag niya ako sa totoo kong pangalan....Agad na dumoble ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib. The pain is piercing my heart. It is truly and undeniably torturing.
"Harui... " I said between my tears.
I love you but we don't deserve each other.
BINABASA MO ANG
Sweet but Psycho
RomanceI'm Rui Hakimura, I'm a half-japanese-half-pinoy, young college boy who is shy, tahimik lang at hindi pala kaibigan dahil lumaki akong home-schooled dulot ng aking pagiging sakitin. My parents want me to over come my weakness and become more indepen...