9

42.5K 754 6
                                    

Confirmed! I'm two weeks pregnant. I didn't expect it'll happen.

"Maiwan ko po muna kayo Mrs. Gomez." Paalam ng OB samin ni mommy. Yes, I'm with my mom. And she was shocked when the OB confirmed that I was two weeks pregnant.

Nagpumilit syang samahan akong magpacheck-up dahil feeling ko hindi na gumagaling ang pagkahilo ko. And run some test to me, then pinapunta kami sa OB to have a second opinion. Alam ko kung bakit. I know that I'm pregnant dahil sa result ng PT bago ako mahimatay sa school. But I need second opinion. Nagkakamali din kasi ang PT, diba?

So pumunta kami ni mommy sa OB na sinabi samin. And there, naconfirm na buntis nga ako.

Tiningnan ko si Mommy. Hindi sya nagsasalita. Wala din akong galit na nakikita, lungkot lang. And I'm so guilty. Wala naman akong balak itago sa kanila. Kaya pumayag na 'ko nang sabihin ni mommy na sasama sya sa check up ko. At heto na nga!

"Mom" hinawakan ko ang kamay nya at tumingin sakin si mommy. Puno ng lungkot ang mga mata nya. "I'm so sorry. I disappointed you. You and dad. I'm so sorry mom." Lumuluhang pagsosorry ko.

Hinawakan nya ang pisngi ko at malungkot na ngumiti. "It'll gonna be alright sweetheart. And don't say sorry. It's not your fault." At hinalikan nya ang noo ko. Lalo akong napaiyak.

Nagpasundo kami ni mommy kay daddy sa hospital. Hindi ako nagsasalita. Samantalang si mommy, tanong ng tanong kung may masakit daw ba sakin. Kung ano gusto ko kainin dahil ganun daw ang mga buntis, gustong kumain ng kung anu-ano. Ngiti lang ang sagot ko o kaya "ok lang po ako".

Dumating rin agad si daddy at umuwi na kami sa bahay.

Ang alam ko may dinner kami ngayon with their friends.

Niyakap ko agad si daddy nang makarating kami sa living room. Alam ko na alam na nya. I know my mom, alam kong nasabi na nya kay daddy ang kondisyon ko.

"Daddy, I'm sorry. I'm such a disappoinment in this family. I'm so sorry dad. I know you're mad." Umiiyak kong paghingi ng sorry kay dad habang nakayakap ako sa kanya. Hinihimas nya lang ang buhok ko.

"Don't say that princess. You're not a disappointment, ok? We love you. Always remember that." Masuyong sabi sakin ni dad. "It's not all your fault. May kasalanan din kami ng mommy mo. Hindi ka namin napagtuunan ng pansin. Hindi namin nasubaybayan ang paglaki mo. Lagi na lang kaming busy sa trabaho, conference abroad. I'm so sorry anak. Daddy's not mad. I love you princess." Mahabang pagpapaliwanag sakin ni daddy. Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap pa rin ng nag-iisang lalaking nagmamahal sakin.

"Stop crying princess, makakasama yan sa baby mo. Baka pumangit pa magiging apo namin ng mommy mo nyan." At tumawa si dad ng mahina. Napatawa rin ako, pero hindi ko pa rin kayang hindi umiyak. Nahihiya ako sa magulang ko. Napaka-walang kwenta kong anak.

Yumakap din samin si mommy. I'm so blessed to have my parents. Very understanding, loving and caring parents.

Humiwalay na samin si mommy, pero si daddy niyakap pa ako ng sobrang higpit. Hinalikan ako sa ibabaw ng ulo ko at pinunasan ang mga luha ko sa mata.

"Kumpadre." Napalingon kami nila mommy at daddy sa nagsalita sa may pintuan. And I saw a man with the same age as my dads, and a woman and a guy. The guy no other than Drew.

"Kumpadre." Nakangiting bati ni daddy. "Pasensya na kayo, naabutan nyo pa kami sa ganitong eksena." So sila ang bisita namin. Ang pamilya nila Drew.

Lumapit na sila samin.

"Ito na ba ang dalaga mo Sam?" Nakangiting tanong nung lalaki kay dad. "Why are you crying hija?" Nakakunot noong tanong nya. Kinuha ko agad yung panyo sa pouch na dala ko at pinunasan ang muka ko. I look like a mess, I know.

"Arthur, this is my lovely daughter, Skylynn." Pagpapakilala sakin ni dad sa kumpadre nya. "And princess, this is your Tito Arthur. My best buddy." Nginitian ko lang si Tito Arthur at iniabot ko ang kamay ko para nakipag-kamay. "And this is your Tita Karen, Arthur's wife."

"Hi po, nice to meet you po." At lumapit ako sa kanya para makipag-beso.

Pumunta na rin kami sa dining room pagkatapos. Bigla akong nakaramdam ng gutom pagkakita ko sa mga pagkain. Ganito ba talaga ang mga buntis? Parang patay gutom?

Pagkaupo na pagkaupo ko, kumuha agad ko ng kung anong sa tingin ko ay gusto kong kainin. Pero nung nasa plato ko na, biglang nagbago ang gusto ko. Parang gusto kong kumain ng apple at sampalok na isasawsaw sa suka na maraming sili.

Napansin ata ni mommy na hindi ko ginagalaw ang mga kinuha ko. "What do you want to eat sweetheart?" Tanong sakin ni mommy.

Nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba ang gusto kong kainin o hindi. Baka maghinala ang iba naming kaharap sa weird ng pagkain na gusto ko. So in the end, hindi ko na lang sinabi kahit gustong-gusto ko talagang kumain. Kinain ko na lang ang mga nilagay ko sa plato ko.

Kasarapan na ako sa pag kakain ng bigla kong maamoy ang chocolate moose na inihahain ng maid. Bigla akong nahilo, at pakiramdam ko umikot ang sikmura ko. Dali-dali akong tumayo at mabilis na tumakbo sa kwarto ko. Pagkarating na pagkarating ko sa banyo ng kwarto ko, bigla ko na lang inilabas ang mga kinain ko. Halos ilabas ko na ang bituka ko sa pagsusuka. May mga luha na ring lumabas sa mga mata ko. Ang hirap pala mag buntis.

Naramdaman ko na lang na may humahaplos sa likod ko.

Paglingon ko, muka ni Drew ang nakita ko. Papaalisin ko sana sya ng bigla na naman umikot ang sikmura ko at muli na naman akong sumuka. Patuloy lang sya sa paghaplos sa likod ko hanggang sa huminto na ko sa pagsusuka. Naghilamos na ako ng muka at nagmumog.

Inilalayan nya 'kong makalabas ng bathroom hanggang sa maka-upo ako sa kama. Hindi na rin ako nagprotesta dahil nanghihina na rin ang mga tuhod ko.

Humiga na ako sa kama. Nahihilo pa rin ako.

"Are you sick?" Tanong nya.

"Yes, sick of you." Malamig na sagot ko.

"Good, para matigil na yang kahibangan mo sakin." Mapanuyang sagot nya.

"Don't worry, after this night hindi mo na makikita kahit anino ko. I'm leaving. Magpa-party ka na. Mawawala na ang batang patay na patay sayo." Pabalang na sagot ko sa kanya. And I mean it. Aalis ako. Napag-isip isip ko kanina na sa New York na lang ako ma-stay habang buntis ako. Dun na rin ako manganganak. Total naman walang pakialam ang ama nitong dinadala ko. At wala rin akong balak na ipaalam sa kanya ang pagbubuntis ko. Para saan pa? Hindi rin naman ako pananagutan.

"Good." At padabog nyang sinarhan ang pinto ng kwarto ko.

NAGISING ako sa haplos sa buhok ko. Pagmulat ko ng mata, si mommy at daddy ang nakita ko. Ngumiti sila sa akin. Tiningnan ko ang oras sa side table ng kama ko, 10:12pm na ng gabi.

"Just checking on you sweetheart." Nakangiting sabi ni mommy.

"Dad, Mom, I want to leave. Sa New York ko na lang ipagpapatuloy ang pagbubuntis ko. Sa New York na lang ako manganganak. Please mom, dad." Dire-diretso kong pagpapaalam.

Ngumiti lang si dad, mapag-unawang ngiti. Hindi na sila nagtanong pa.

NGAYON na nag flight ko. Namin. Ihahatid ako ni mommy sa New York. Hindi pwedeng ako lang dahil nga sa buntis ako. Kay tita Sandy ako titira. Alam na rin ni tita ang kondisyon ko.

Sumakay na kami sa eroplano papuntang New York. This is the start of my new life. Start of moving on. Start of forgetting him. And the start of being a mother to my baby.

"Goodbye Andrew." Mahina kong bulong sa sarili ko kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko. Hinaplos ko na lang ang himpis pang tyan ko. "Tayo na lang dalawa baby, I'm a coward to let your daddy know about you. I'm afraid he'll not accept you. You and me against the world, I love you baby."

I Got Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon