28

36.2K 666 78
                                        

"Where are you going mommy?" Tanong ni Hayes habang nag-aayos ako sa harap ng salamin.

"Going out. With your Tito Greg. How do I look sweetheart?" At humarap ako kay Hayes. Nakataas ang isang kilay nya at naka-cross ang dalawang kamay sa dibdib nya.

"What?" I asked.

"Is he your boyfriend?"

"Nope. Not yet. Why sweetheart? Don't you like him for me? Greg is handsome like you. He's nice. And he's an engineer, like you always wanted to be." Pagpapaliwanag ko.

"And also a doctor. Like my d-dad." Mahinang pagkakasabi ni Hayes. "But I like Tito Greg. He makes you happy. Unlike my dad, he always made you cry."

Napatitig ako sa anak ko. Kita ang lungkot sa mata nya nang sabihin nya yun.

"It's okay sweetheart." Ginulo ko ang buhok nya. Sakto namang pag tunog ng doorbell.

"It must be your babysitter. Let's go." At sabay na kaming lumabas ng kwarto at tinungo ang pinto.

Tama nga ang hinala ko. Katie is here. Hayes' babysitter. She lives next door. One of my friend and Hayes friend too. She's 18 years old. And she loves kid. Mabait at mapagkakatiwalaan kaya kampante ako.

"Hi Katie. Come in." Binuksan ko ng maluwang ang pinto.

"Hello Sky. You look good tonight. And hello there handsome Hayes." Nakipag high-five pa sya kay Hayes.

"Hello Kate. I'll court you when you grow up." And he giggled. Crush talaga ng anak ko si Katie. Sya lang pati ang tumatawag ng Kate kay Katie.

Tumawa lang si Katie. "Sure handsome. But I'm afraid that I have my own family when you grow up." Nakangiting sagot ni Katie.

"It's ok. Then I'm gonna court your daughter." Napailing na lang ako sa sinabi ni Hayes. Ang bata-bata pa pero pag-ibig na agad ang nasa isip.

Hindi ko na gaanong ipinaliwanag kay Katie ang mga gagawin kay Hayes dahil alam na nya yun. Ilang beses na rin kasi syang nag-babysit kay Hayes.

Tumunog na naman ang doorbell at sigurado akong si Greg na yan. Kaya kinuha ko na ang gamit ko at tinungo ang pinto para pagbuksan ito.

Mukha nang nakangiting Greg ang sumalubong sakin. Holding a bunch of tulips. He flashed his one million dollor smile before he gave the flowers. Pinapasok ko na muna sya at inilagay ng mabilis ang bulaklak sa vase. At nagpaalam na rin ako kala Hayes at Katie.

"You look stunning tonight." Sabi nya habang pinagbubuksan nya ako ng pinto sa kotse nya.

"Why, thank you. You look good as well. Bagay pala sayo ang suit and tie." Papuri ko sa kanya.

First time ko kasi syang makitang naka suit and tie. He always wear long sleeve pag papasok sya sa trabaho nya. At simple shirt naman pag walang pasok at dumadalaw sya sa bahay.

Kumindat lang sya sakin at pinaandar na ang sasakyan.

Dinala nya ako isang restaurant. Pero sa garden kami dumiretso. And there you go, there was an arranged table with candle on it. It's a candlelit dinner I guess.

Mukhang pinaghandaan nya ngayon ang date na 'to ah. Lagi lang kasi kaming sa restaurant or coffee shop pag nag-ddate kami. Well, ok lang naman kasi enjoy naman syang kasama. Nalilimutan ko ang oras pag kasama ko sya. He has that effect on me. Weird but I like the feeling.

Pinaupo na nya ako. Napansin ko sa kanya na hindi sya mapakali. Mukha syang kinakabahan.

"Are you okay Greg?" Tanong ko.

"Y-yes. I'm okay. L-let's eat." Oh, he's tensed.

"You're stammering." Pang-aasar ko.

Ngumiti lang sya. Nagsimula na rin kaming kumain. Nagkwentuhan lang kami ng mga bagay-bagay pero halata pa rin ang kaba sa kilos nya. What's with him? May pinagtataguan ba syang pinagkaka-utangan nya? Tss. Lame joke Sky. Whatever.

Kasalukuyan na kaming kumakain ng dessert nang maalala ko na may sasabihin nga pala sya.

"So, anong sasabihin mo sakin? Muntik ko ng makalimutan." Nagulat ako nang masamid sya ng kinakain nya at umubo ng umubo. Ibinigay ko agad ang tubig ko sa kanya at ininom nya rin naman ito agad.

"Geez, are you alright. You looked tense. Is there any problem? You wanna go home?" Confused na tanong ko.

"N-no. I'm alright. Sorry. Nagulat lang ako sa tanong mo." Nagulat? Wala namang nakakagulat sa tanong ko ah.

Tinaasan ko lang sya ng isang kilay.

"O-okay. Sasabihin na. Don't give me that look. It creeps me." Napangiti ako.

"What is it? I'm all ears."

Tumikhim muna sya. "Ahmm. As you can see. Almost a year na rin tayong magkakilala. 8 months na rin akong nanliligaw sayo." And?

"Uh-huh. Continue."

"I.. uhmm, gusto ko nang itigil ang panliligaw ko sayo sa ngayon."

Napatitig ako sa kanya. Napanganga rin ata.

What the hell? Ititigil na nya? Sawa na ba sya? Napagod na ba sya sa panligaw? Masyado ba akong nagpakipot?

Fuck! Kung kelang ready na 'kong nagsimula kasama sya eh. Ito ba yung sasabihin nya? Damn! Hindi ako nainform!

"Before you say anything, I just want to make myself clear."

So hindi ako nagsalita. Kahit gusto ko na syang sampalin. Isa rin sya eh! Isa rin syang paasa! Damn!

"You're the prettiest girl I've ever met. You're smart. You're extra ordinary."

"Anong pinagsa--."

"Shhh, let me finish love." Love? "So yeah, as I was saying you're different to other girls that I've met. Walang arte sa katawan. Parang walang pinoproblema. Laging naka-ngiti. You don't know how your smile affects me. That smile always made my day." Tumayo sya at lumapit sakin. Tumayo din ako.

"Skylynn Gomez, I'm gonna stop courting you for now." Lumunok muna sya. "So, I want to ask you if you're willing to be my girlfriend? And I will continue courting you for the rest of my life."

Nagulat ako sa sinabi nya? Seriously? Kahit may anak ako? Bihira sa lalaki ang ganon. Omg!

Kita ko sa mga mata nya ang sincerity. Mga ilang segundo din ako sa kanyang tumitig. Hindi ako makasagot.

I admit ,those are the sweetest word that I've ever heard in my entire existence. As is seriously. 23 years na kong nag-eexist pero ito ang unang beses na may magtapat sakin ng nararamdaman nya. Am I really that special to him.

Nakita kong napakamot sya sa ulo nya. "I take that as a no. Kulang pa siguro ang effort ko. Hayy." Bulong nya na rinig ko naman.

Nataranta ako nang akmang tatalikod na sya sakin. So without second thought, I grab his nape and kissed him.

Natulala lang sya sa ginawa ko. Mga ilang segundo din na nakadikit lang ang labi namin sa isat isa. Hanggang sa hawakan na nya ang bewang ko and kissed me with full of care and love. I kissed him back. I saw fireworks kahit wala naman. Naghiwalay na rin ang labi namin at tinitigan nya ako.

"Who told you that I would say no?" Umiling lang sya. "Yes Mr. Walkers. I'm willing to be your girlfriend." And I kissed him again.

"I love you." I heard him whisper. Sa ngayon hindi ko muna masasagot yan. Sisiguraduhin ko muna ang feelings ko para sa kanya bago sabihin ang mga katagang yan. But one thing is for sure. I like him and I want to be with him.

----

Team Greg here!!! :))

I Got Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon