12:30am but I'm still awake. Mag-eeleven na nang ihatid ako ni Drew dito sa bahay. Pagkatapos namin tumambay at maglandian sa field, namasyal lang kami at tumambay sa isang restaubar. I had so much fun tonight. And here I am, laying on my bed. Thinking of what happened earlier, the kiss, the moments and everything.
Wala si Hayes sa kwarto ko. Andun kala mommy kaya malaya akong nakakapag-gulong gulong sa ibabaw ng kama ko sa kilig. Para akong teenager na first time nakaranas ng date sa crush. Well, fist time naman talaga namin ni Drew mag date. He's not my first date. Sa NY ko naranasan ang date date na yan. But this date is the best.
He kissed my forehead bago ako pumasok dito sa bahay, and said have a good night sleep. Hindi pa naman ako matanda para kiligin kaya ok lang 'tong nararamdaman ko.
Nang makaramdam na ako ng antok, I just closed my eyes with a smile on my lips.
NAGISING ako sa tunog ng cellphone ko. Tiningnan ko muna ang oras bago sinagot. 9:15am and Vio was on the line. I swipe it and answer the call.
"Aga-aga binubulabog mo agad ako. Kelangan mo?" Tanong ko na inaantok pa.
"Early bird here. Anyways, bar tayo mamaya. Ok bye." At pinatayan ako. Yun lang ang sasabihin tumawag pa ng ganitong oras. Puyat ako eh.
At dahil sa pambubulabog sakin ni Vio, hindi na ako muling nakatulog pa kaya nag-asikaso na lang ako ng sarili ko at bumaba para mag late breakfast.
Pumunta na lang ako sa may pool side at dun nagpadala ng breakfast. Clubhouse sandwich and milk. Hindi ko pa nakikita sila mommy. Kaya tinanong ko yung isang katulong na nagdala ng pagkain ko.
"Pinasyal po sa mall si Hayes. Baka daw po gabihin na sila ng uwi dahil ipapasyal pa si Hayes sa Star City." Sagot sakin at tumalikod na rin.
Napanguso ako. Hindi man lang ako ginising para makasama ako. Tutal naman gagabihin sila, punta na lang ako sa mall at magshopping. Good idea, yayain ko na lang si Vio.
So I called her. Nakailang ring pa lang ay sinagot na agad. "Don't tell me buntis ka. Omg." Napa-OA talaga kahit kelan.
"Hambalusin kita eh. Punta tayo sa mall, sunduin kita sa shop mo. K bye." At binabaan ko agad.
Hindi na rin ako nagtagal sa bahay. Pagkatapos kong kumain, nag-asikaso na agad ako at umalis na rin. Nagpaalam na lang ako sa katulong na hindi na ako sa bahay maglulunch.
So, I used my old car. Yep, buhay pa sya at maayos pa ang takbo. Inalagaan nila daddy nung wala ako. Pumunta na ako sa shop ni Vio. May nakasalubong ako na lalaki na tatawa-tawa palabas ng pinto.At pagkapasok na pagkapasok ko, nakasimangot na mukha ni Vio ang naabutan ko.
"Whoa! Period?" Lalo lang syang sumimangot na ikinatawa ko.
"Wala. Let's go." Kinuha lang nya ang bag nya at lumabas na kami ng shop. Hindi man lang ako inalok ng kape.
Nakasimangot at nakanguso pa rin sya habang nagbabyahe kami papunta sa mall.
"Hoy! Pwede ng sabitan ng kaldero yang nguso po. Problema mo?" Iiling-iling na tanong ko.
Lalo lang sumingot. "Napakawalang-hiya nung lalaking yun. Hayup sya. Lintik na yun. Hinding-hindi na sya ulit makakatapak sa shop ko." What?
"Waait a sec. Dahan-dahan. Sinong lalaki ba yan? Boyfriend mo?" Naguguluhang tanong ko habang nakatutok ang tingin sa daan.
"Yung lalaking nakasaubong mo pag pasok sa shop." At tila nang-gagalaiting sagot nya ng maalala yung lalaki. Yung lalaking nakasalubong kong tatawa-tawa.
BINABASA MO ANG
I Got Pregnant!
RomanceOne mistake that changes everything! I'm Skylynn, and I got pregnant. And now, a mom of a 4 year old boy!