Pinunasan ko agad ang luha ko nang makarinig ako ng footsteps papuntang kusina. Si Drew lang naman yun. Pinagbalat ko na lang ng mansanas si Hayes na para bang walang nangyari. Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sya sakin. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Isang pilit na ngiti. He just sighed and continue what he's doing.
Hanggang sa matapos syang magluto at makakain kami, walang umiimik. Kahit si Hayes na mahilig magkwento ay hindi rin nagsasalita. Tila ba nakikiramdam rin kahit sa murang edad pa lang.
Ako na ang nag-ayos nang mga pinagkainan. Yung mag-ama naglaro na lang ng xbox. Ok na rin yun. Ayoko munang kausapin si Drew.
Ugh! Mali tong nararamdaman ko eh. Hindi dapat ako maapektuhan kahit mahal ko pa sya. Dahil unang-una, hindi nya ako gusto. Maybe my body but not me. Hindi rin ako pwedeng magdemand ng kung anu-ano lalong-lalo na ang kasal dahil sya na mismo ang nagsabi na hindi nya papakasalan ang taong hindi naman nya mahal. At hindi ko kayang gamitin si Hayes para lang sa bagay na yan. Hindi pa naman ako ganoong kadesperada. And not my child. Never. At yung mga intimates moment namin, dahil ginusto ko rin. Hindi ako pinilit. Kusa kong binibigay. Hell! Ang tanga ko. Assuming lang talaga ako. Fuckshit!
TULOG na si Hayes sa tabi ko. Pero ako hindi pa rin makatulog. Kaya bumaba na lang ako sa kusina at tumingin na pwedeng maiinom. Nakakita ako ng beer in can sa fridge at kumuha ng isa. OK na rin 'to. Pampaantok lang.
Binuksan ko na ito at uminom agad. Lumabas na rin ako sa kusina. Pataas na sana ako nang mapahinto ako. He's on his mini bar. Drinking whiskey or scotch. Wala sya kanina paglabas ko ah. Baka kakababa lang din.
Napatingin sya sakin. At sa hawak kong beer.
"Bakit gising ka pa?" Malalim na tanong nya.
"I can't sleep. I get some beer in your fridge, pampaantok. If you don't mind." Tinaas ko pa ang hawak kong beer. "Ikaw?"
"Ganun din. Kakababa ko lang din. Come here. Join me." Tumango lang ako at umupo sa high stool sa tabi nya.
Wala saming nagsasalita. Nag papakiramdaman lang. Nakakailang shot na sya samantalang ako'y hindi pa nauubos ang beer na iniinom. Kalahati pa lang yata. Hindi naman kasi ako palainom.
"Sky?" Tawag nya.
"What?" Nilingon ko sya. He's looking at me intently.
"About what happened earlier--"
"Don't say sorry about that. I perfectly understand." Pag putol ko sa sasabihin nya. Hindi sana nahalata ang pagka-sarcastic sa boses ko.
"Still, i want to say sorry." I smiled bitterly. "Belle didn't know about Hayes. I'm trying to tell her but I don't know where to start. Yung hindi sya masasaktan at matatanggap nya ang bata."
Nanlaki ang mata ko. All this time, hindi ko alam na sila pa ni Belle at ngayon naman na alam ko na, si Belle naman ang walang kaalam-alam na may Hayes nang nag-eexist sa mundo.
"What? Hindi nya alam? Ano na lang ang sasabihin nun pag nakita si Hayes? Pag nakita kami ni Hayes dito sa bahay mo. At bakit mo pa kami pinalipat dito sa bahay mo kung gayong may girlfriend ka? And worst, you bedded me." Hindi ko na maiwasang hindi mag-taas ng boses. Marami pa akong gustong sabihin pero yan lang ang mga lumabas.
"I don't know. Masyado pa kong naguguluhan. Kung pinaalam mo sana sakin nang maaga ang tungkol kay Hayes nagawan ko na nang paraan." Tumaas na rin ang boses nya.
"Fuck! The blame is on me now? Huh? Kung ganyan din lang, bukas na bukas aalis na kami ni Hayes. Ayokong mapunta samin ang sisi kung magulo man yang relasyon ninyo dahil ngayon pa lang ay ako na ang sinisisi mo kung bakit hindi ko sinabi ang tungkol kay Hayes!" Napatayo na ako. I'm hurt and mad. All I want to do is cuddle my son and cry.
"Fuck, no! You're not leaving again. Hindi mo na ulit pwedeng ilayo sakin ang anak ko. I'm the father. I have the rights. I can get the custody of my child." Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.
"Don't you dare Andrew! Wag mo saking gamitin yang putanginang custody na yan. Not my son Andrew. Not him." Lumuluhang tinalikuran ko na sya.
Niyakap ko agad ng mahigpit ang natutulog na Hayes pag pasok ko sa kwarto. Umiyak lang ako ng tahimik.
He's blackmailing me about the custody of my son. Hindi nya ba ako naiintindihan? Ayoko lang namang madamay ang anak ko sa gulo. Lalo na't hindi pa nya nasasabi kay Belle ang tungkol kay Hayes. At itong pagpapatira nya samin sa bahay nya. Sya mismo ang nagpasok samin sa gulo eh. May girlfriend sya pero pinatira nya kami dito. Mukha kaming naglilive-in at may anak pa. Girlfriend nya yun! Ano ang iisipin nun pag nakita kami dito? He's so impossible.
Hanggang sa hilahin na lang ako nang antok na yun pa rin ang iniisip.
NAALIMPUNGATAN ako sa masuyong pag haplos sa buhok ko. Tiningnan ko ang tabi ko pero tulog pa naman si Hayes. 5:30am pa lang ayon sa bedside clock.
I smell the familiar scent and I know it's Drew. Napatingala ako sa kanya habang nakakunot-noo. He smiled a little.
"Good morning." And kissed the top of my head. Hindi ako nagsalita. Masama pa rin ang loob ko.
"I'm sorry about last night. I didn't mean to blackmail you about the custody of our son." I saw sincerity in his eyes.
Gusto ko na namang lumuha nang marinig ko ang custody na yan.
"Please, not my son. Not Hayes. Don't take him away from me. Please." I almost cried begging him
Niyakap nya ako kaya nasubsob ang mukha ko sa dibdib nya.
"Hush baby. I didn't mean that. I will not take him away from you. I promise that." Marahan nyang hinalikan ang ulo ko. "Sorry sa mga nasabi ko kagabi. And no, I'm not blaming you. It's not your fault. I'm sorry if it's sounds that I'm blaming you. Sorry. Please don't be mad at me."
Hindi pa rin ako. Tahimik lang akong umiiyak. Paggalaw lang ng balikat ko ang mararamdaman.
"Sasabihin ko na kay Belle ang tungkol kay Hayes. Don't worry. She'll understand it." Napatingin ako sa kanya. Pinunasan naman nya ang muka kong puno na ng luha.
"How about me and Hayes? Living in this house?" Yan ang nagpapagulo nang isip ko. Maybe I'm expecting something?
"Ako nang bahala dun. Wag mo nang isipin yun. Ok? 8 months pa bago sya bumalik sa Pilipinas. So alisin mo na muna sa isip mo ang bagay na yun." Tumango na lang ako. Ayoko na muna mag-isip ng kung anu-ano.
"Baby?" Tawag nya. Nasasanay na sya sa baby na yan.
"Hmmm?"
"You still mad?" Mahinang tanong nya.
Galit pa nga ba 'ko? I don't know. So umiling na lang ako. Nagsorry naman na sya. And promised me na hindi kukunin si Hayes. May panghahawakan na 'ko.
"Thank you. Let's sleep again. Masyado pang maaga. Come on." Hinalikan nya ako ng mabilis sa labi at humarap na ako kay Hayes at niyakap. Buti na lang dikit sa wall itong bed kaya safe si Hayes.
He cuddled me. Bahala na kung ano ang mga mangyayari sa mga susunod na araw. According to him, 8 months pa bago bumalik si Belle dito sa Pinas. Makakapag-isip pa ako.
Nakatulog ako na medyo magaan ang pakiramdam. While the two boys that I love is laying beside me. My Hayes and My Drew.
![](https://img.wattpad.com/cover/28742658-288-k101205.jpg)
BINABASA MO ANG
I Got Pregnant!
RomanceOne mistake that changes everything! I'm Skylynn, and I got pregnant. And now, a mom of a 4 year old boy!