"Hindi ka na ba talaga namin mapipigilan?" Maluha-luhang tanong sakin ni Vio.
Ngumiti lang ako at umiling. Andito kami ngayon sa NAIA. If you're asking me why? It's because babalik na kami ni Hayes sa NY. It's a part of moving on. Kailangan kong lumayo. I'm the new version of Skylynn, but I'm not that strong and masochist to stay here. So I decided to go back to the place where I belong. Without pain.
"We will miss you ate Sky." Naka-pout na sabi ni Khrisna. She's so cute.
"Yeah. Promise us na babalik ka dito. May gagantihan pa tayo." Napatawa ako sa sinabi ni Julz. She's referring to Belle, obviously.
Hayy. Mamimiss ko din 'tong kambal na 'to. Kahit ilang beses ko pa lang silang nakasama ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko sa kanila. I wiss I had sister like them.
"Ang drama nyo, alam nyo yun? Ang lapit-lapit lang ng NY. Pwede nyo akong dalawin kung gusto nyo. Ang yaman-yaman nyo kaya. Saka uso naman ang Skype ah. Kayo talaga." Tatawa-tawa kong pang-aasar sa kanila.
Pero hindi sila tumawa. Ang lungkot pa rin ng mga mukha nila.
"Hey, cheer up. Ano ba yan. Aalis na lang ako, yang mga mukhang yan pa ang pabaon nyo sakin. Ang pangit nyo kung alam nyo lang." Pagrereklamo ko.
"Naman eh. Hindi ka man lang nagtagal dito. Ilang months ka lang dito tapos aalis ka na ulit. Hayup kasi yung Dr--"
"Hep hep hep. Wag mo nang ituloy. Magkakasala ka lang." Pagpigil ko sa sasabihin ni Vio. Ngumuso lang sya.
Tiningnan ko si Hayes na kasama nila mommy at daddy. Hayy. I felt bad for him. I just burst his bubbles immediately. Sorry sweetheart. Mommy need to do this. It's for your own good. Our own good. You'll understand me when you grow up.
Napangiti na lang ako ng mapait. My parents don't know the real reason why I decided to go back to NY. Ayokong sabihin dahil ayokong mapahiya sa kanila. Kahit alam kong maiintindihan naman nila ako. But I'm a grown up lady now. I should handle this situation by myself.
Nagkwentuhan lang kami habang hinihintay tawagin ang flight namin. At hindi rin nagtagal, tinawag na ito kaya isa-isa na silang nagpaalam sakin. Hindi ni mommy napigilang hindi maging emosyonal. Si daddy, wearing his tough exterior as usual. Pero alam kong nalulungkot din sya. Sino ba naman ang hindi? Aalis na naman ang solong anak nya. At ang nag-iisa din nyang apo. Umiyak din si Hayes, mukhang ayaw pa ngang umalis sa pagkakakarga kay dad.
Pagkatapos ng madramang pagpapa-alaman, naglakad na kami palayo ni Hayes. Hindi na ako lumingon pa sa kanila. Ayaw kong makita ang malungkot sa mukha nila dahil baka magbago pa ang isip ko at manatili na lang dito. Pinigilan ko rin ang pagpatak ng luha ko.
Andito na kami sa plane. Nasa may bintana si Hayes. Kita ang lungkot sa mata nya. At nalulungkot din ako para sa kanya.
"Mom, why do we need to leave? I miss them already. And also my dad. We didn't say goodbye to him." Malungkot na sabi ni Hayes.
"Your dad don't need us anymore sweetheart. We need to leave because of him. I know you don't understand the situation right now, but I'll explain it to you when you grow up." Hinalikan ko ang noo nya.
"I don't understand mom."
"I know sweetheart. Take a nap." Tumango lang sya at sumandal sa dibdib ko.
"I love you mommy. You and me against the world." At nakatulog na sya.
"I love you baby. You and me against the world."
"MOMMY, HURYY! I can't be late on my firsr day." Magsisimula ng mag-school si Hayes. Pre-school pa lang kasi 5 pa lang sya. And yup, 1 year have been passed. Ok na ako. Pero hindi pa totally healed. Matagal na ang 1 year pero may konting sakit pa rin pag naaalala ko ang nangyari. But I'm fine. We're fine.
Actually I'm dating someone. It keeps me busy bukod sa pagtatrabaho ko sa isang book store. Yeah, I'm working. Para naman may extra income ako. Hindi yung kala mom at dad lang ako umaasa. Ayaw pa nga akong payagan ni daddy na mag-work eh. Kaya naman daw nya kaming buhayin ni Hayes. Pero syempre nahihiya pa rin ako dahil ang tanda ko na tapos dependent pa rin ako sa kanila. Kaya ito, naghanap ako ng trabaho. And I love my job. Cashier ako sa isang bookstore. Hindi man mataas ang sweldo ko, pero okay lang dahil malapit naman ako sa passion ko. I love books remember. At pwede ko pang isama si Hayes sa bookstore. He's a smart kid kaya marami ang natutuwa sa kanya.
Dun ko rin nakilala ang dine-date ko. His name is Greg. Gregory Walkers. Pinoy ang mom nya at obvious naman na amerikano ang dad nya base pa lang sa last name nya. He has also a child na hindi naman malaking bagay sakin dahil may anak din ako. Babae ang anak mya. Candice ang pangalan. Mas bata ng isang taon kay Hayes. Hindi ko pa nakikita ng personal ang bata kasi nasa LA. Nagbabakasyon sa magulang nya. But I saw her picture. She has a blonde big curly hair na nakuha ata sa mommy nya. Kuha nya ang features ng daddy nya except the hair. Patay na ang mommy nito. Namatay sa panganganak kay Candice. And according to him, mabait na bata daw si Candice. At marunong mag-tagalog. Well, marunong na rin ng onti si Hayes. Tinuturuan ko rin kasi pag wala kaming gawa.
"Mommy, stop thinking about Tito Greg. I'm gonna be late." Masyado na pa lang napahaba ang pagde-daydream ko. Kaya dali-dali na akong nag-ayos ng sarili at umalis na rin agad kami ni Hayes. I have my car here. Pero hindi ko nabili dahil sa sweldo ko sa bookstore. Galing sa pera nila daddy.
Hindi pa naman late si Hayes ng makarating kami. May 30 minutes pang natitira. Hinatid ko na sya sa classroom nya. Mukha namang mababait ang classmate nya kaya kampante ako.
"Goodbye mom. I love you." At yumakap na sya sakin at hinalikan ako.
"I love you sweetheart. Don't forget to eat your food, ok? At wag kang mang-aaway." Napatawa sya sa huling sinabi ko.
"I won't make away mommy. I'm a good boy." Hinalikan ko na ang noo nya at umalis na.
Sa trabaho ko na ang punta ko. 10:30 pa ang out nila Hayes kaya mamaya ko pa sya susunduin.
Nang makarating ako sa bookstore. Nakangiting mukha ni Greg agad ang sumalubong sakin. Holding a cup of coffee.
"Good morning beautiful." At humalik pa sa pisngi ko. Sanay na ko sa kanya. Comfortable naman syang kasama kaya okay lang sakin.
"Aga natin ah." Pang-aasar ko at kinuha nag coffee na inabot sakin.
"And you're 15 minutes late." Tiningnan pa nya ang relo nya.
"I know. Hinatid ko pa si Hayes eh. Alam mo na, first date of school. And you mister, you better get going. Malapit nang mag eight oh. Ma-late ka pa sa trabaho mo Mr. Engineer." Yup, he's an engineer. Bigatin.
"It's ok. Basta makita lang kita tuwing umaga. Mas gaganahan akong magtrabaho." At kumindat pa sya sakin. "I'm leaving, see you later. And oh, before I forgot. Date tayo mamaya. Need to tell you something." Kumindat na naman sya at lumabas na ng bookstore.
Napatawa na lang ako. Greg is so nice. Malayong-malayo kay Drew.
"You're boyfriend is really sweet." Sabi nung isang may edad nang babae sakin. Ngumiti lang ako at nagsimula nang magtrabaho.
Pero naisip ko din, why don't we give it a try. Nanliligaw na sya sakin ng 8 months. And I think it's enough time to know him better. Saka matino naman sya. May magandang trabaho. Gwapo. Every girl wished for a man.
So yeah, ito na siguro ang panahon para sumayo ako. With Greg. So I texted him.
"Need to tell you something too. Take care:)"
------
SORRY FOR THE LONG WAIT GUYTH:((
So? Team Drew or Team Greg? Lols :P Enjoy reading :**
BINABASA MO ANG
I Got Pregnant!
RomanceOne mistake that changes everything! I'm Skylynn, and I got pregnant. And now, a mom of a 4 year old boy!
