It's been a week since that shit happened. Kagaya nga ng sinabi ko sa kanya, iniwasan ko na talaga sya. At sa loob ng 1 week na yun, hindi ko pa sya nakikita. At 1 week na din akong gabi-gabing umiiyak. Hindi mawala sa isip ko yung mga masasakit na sinabi nya sakin. Ewan ko ba, pero gusto ko pa rin sya. Ginayuma siguro ako nung lalaking yun.
"Hey, spaced out kang masyado. Magreview ka na nga. Mamaya magsisimula na exam natin." Paalala sakin ni Violet. Bestfriend ko.
Midterm na namin at hindi man lang ako nag abalang mag-review. Aasa na lang ako sa stock knowledge. Kung meron mang na-stock.
Pero ipinilit sakin ni Violet na mag review ako, kaya nag-scan na lang ako ng notes ko sa literature. Pero kahit anong gawin ko, wala pa rin pumapasok sa utak ko. Inaantok lang ako.
After ilang minuto, dumating na rin yung kalbo naming Prof.
Dinistribute na ang mga questionnaire at answer sheet at nagsimula nang sumagot ang mga classmate ko. Hindi muna ako nagsimula. Iniscan ko muna yung questionnaire kung madali lang ba o mahirap ang exam. Napangiti ako ng makita ko ang laman ng test paper. Easy baby, nagsimula narin akong sumagot.
After 30mins, tumayo na ako at ibinigay ko na ang papel ko sa Prof namin. Halata pa sa mukha nya ang pagkagulat dahil siguro ang bilis kong natapos ,eh 2 hours ang ibinigay saming time para sagutan yun. Wala akong magagawa, sadyang madali lang ang exam nya.
Lumabas na ako ng room. Balak ko ng umuwi kasi wala na akong exam ngayong araw. Itetext ko na lang si Violet na mauuna na ako at hindi ko na sya mahihintay.
Naglalakad na ako sa pathway ng may tumawag sakin. Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa classroom namin.
Lumingon ako kung sino ang tumatawag sakin, it's my Chem teacher. Mrs. Ocampo.
Lumapit ako sa kanya and smiled at her.
"Yes ma'am?" Tanong ko.
"Wala ka na bang exam Ms. Gomez?"
"Wala na po. Kakatapos lang. Actually pauwi na po ako. Bakit po ma'am?" Magalang na tanong ko.
May inabot sya sakin folder and said. "Can you give this to Dr. Scott? Kailangan na kasi nya ngayon. Hindi ko maiwan ang estudyante ko kasi nag-eexam."
Seriously? Sa dami ng estudyante sa paaralan na 'to, ako talaga? I was about to decline her favor pero sinundan na nya agad.
"I will give you 10 points, please. Kailangan na kasi yan. Hindi ko agad naibigay kasi may pinaasikaso din sakin si Dean."
Hindi na ko nagsalita, I just nod. Ngumiti sakin si Mrs. Ocampo ang mouthed me Thank You at bumalik na sa classroom na pinanggalingan nya.
Tiningnan ko muna ang folder na binigay sakin bago ako nagsimulang maglakad at tinahak ang daan papuntang clinic na kabisang kabisa ko na siguro kahit nakapikit pa ako.
NAKATAYO lang ako sa harap ng pinto. Nagdadalawang isip kung kakatok ako o iiwan ko na lang sa harap ng pinto itong folder.
Hayy, bahala na!
I was about to knock nang bumukas ang pinto at niluwa nito ang lalaking nanakit sakin.
"It's you again." Cold na sabi nya. "What do you want this time?"
Hindi ako nagsalita. Basta ko na lang siniksik sa dibdib nya yung folder na pinabibigay sa kanya.
"Kung inaakala mo na pumunta ako dito para kulitin ka NA NAMAN, pwes nagkakamali ka. Wag masyadong assuming Doc. Pinabibigay yan ni Mrs. Ocampo. Isaksak mo sa baga mo, kung may baga ka pa." At walang sabi sabing tinalikuran ko sya.
Ilang meters pa lang ang layo ko sa kanya ng tawagin nya ako.
"Skylynn, wait!"
Hindi ko sya nilingon. Huminto lang ako sa paglalakad at hinintay ang sunod nyang sasabihin.
"Let's talk Sky."
![](https://img.wattpad.com/cover/28742658-288-k101205.jpg)
BINABASA MO ANG
I Got Pregnant!
RomanceOne mistake that changes everything! I'm Skylynn, and I got pregnant. And now, a mom of a 4 year old boy!