1

105K 1K 11
                                    

My name is Skylynn Gomez. 17 years old. 2nd year college. Andito ako ngayon sa harap ng clinic ng school namin. Hinihintay kong lumabas si Dr. Scott. It's already 12:00pm. 11:30am pa lang nakatayo na 'ko dito sa harap na clinic nya. So 30 minutes na 'kong naghihintay dito pero hindi pa rin sya lumalabas. Lunch break na at nagugutom na rin ako.

Hinihintay ko syang lumabas kasi yayayain ko syang mag lunch. May gusto ako kay Dr. Scott, at alam nya yun. He's 8 years older than me. So what? Age is just a number.

"Ms. Gomez, what are you doing in front of my clinic." Napaangat ako ng tingin. That voice, kilala ko ang boses na yun.

I smiled at him.

"Finally, akala ko hindi ka na lalabas eh. 30 minutes na 'kong naghihintay sa labas ng clinic mo."

Tinaasan nya ako ng isang kilay.

"Sino ba kasi ang nagsabi sayo na maghintay ka dyan sa labas ng clinic ko?" He asked me coldly.

"No one. I came here to invite you for lunch." Pa-sweet na sabi ko.

Napabuntong hininga sya sa sinabi ko at hinilot ang sintido na para bang sakit ako sa ulo nya.

"Ms. Gomez, ilang beses ko bang ipapaalala sayo na hindi ako pumapatol sa estudyante."

"And why not? Hindi ka naman teacher dito ah. I am not your student." Pagdadahilan ko.

"Yes, I am not a teacher here, but I am still a staff in this University. Mas mataas ang posisyon ko kesa sayo sa Universiry na 'to, so you should respect me." Aalis na sana sya pero may sinabi pa ako.

"Bakit ba ganyan ka sakin makitungo? Sa ibang student na nagyayaya sayo ng lunch pumapayag ka. Eh bakit sakin hindi? Almost everyday I invited you to have lunch with me, but you always declined." Mahaba kong litanya.

Humarap sya sakin at tinitigan ako sa mga mata. 

"You wanna know why? Kasi makulit ka. Isn't it obvious na ayaw ko sayo?" Ouch. "Kasi kong interesado ako sayo, unang offer mo pa lang tinanggap ko na. And besides, you're too young. You're about 17 right? Hindi ako pumapatol sa bata. Too immature and controlling."

Hindi ako nagsalita. Inaabsorb ko pa yung mga sinabi nya.

"So please Ms. Gomez, leave me alone. Wag mo na ako habulin at wag mo na din sabihin sakin na gusto mo ako."

"Don't tell me what to do. I don't simply like you, I think I love you." Pagtatapat ko ng nararamdaman ko.

Tinitigan nya ako ng mga ilang segundo, at pagkatapos ay tumawa sya ng tumawa na para bang nakakatawa yung sinabi ko.

"Bata ka pa nga talaga, hindi mo pa alam ang mga sinasabi mo. It's not love, infatuation lang yang nararamdaman mo. Sooner or later mawawala din yan, at pagtatawanan mo ang sarili mo every time na maaalala mo 'tong mga sinabi mo." I'm hurt and offended. May namumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko.

"Wag mong pakialaman ang nararamdaman ko dahil ako ang nakakaramdam nito. Ayaw mo sakin kasi bata pa ako? I'm willing to wait. Hihintayin kong mag 20 ako or kahit 18 lang, legal age na ako non. Or wait for me hanggang sa makagraduate ako ng college para magustuhan mo na ako." Nagmumuka na akong disperada pero kaya ko talagang maghintay.

"Don't waste your time on waiting because it'll not gonna happen na magugustuhan kita." Seryoso nyang sabi. "Look at yourself, muka ka ng disperada sa ikinikilos mo. Hindi kita magugustuhan, una sa edad mo. Pangalawa, hindi ikaw ang tipo kong babae. Spoiled brat kid. Tsk! At pangatlo, I simply don't like yo-"

Hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil dumapo na ang kamay ko sa pisngi nya. He deserve that.

"Eh gago ka naman pala eh. Hindi mo na kailangan ipamuka sakin lahat ng sinabi mo. Fine, I will fucking leave you alone! I will not bother you anymore. Tama ka, you don't deserve my time. You're such a waste of time. With that attidude, talagang lalayuan na kita." Lumuluhang sabi ko at tumalikod na ako at nag lakad palayo.

Gago sya. Sobrang sakit ng mga sinabi nya.

Bago pa man ako makalayo, may sinabi pa sya.

"Give some self respect. I didn't know na kaya mong magpaka-baba ng dahil lang sa isang lalaki. Nanggaling ka sa kilalang pamilya, pangalagaan mo ang pangalan na yun!"

Hindi na ako nag abalang lumingon pa. Naglakad na ako palayo. Lumuluha at broken hearted.

Iiwisan ko na sya simula ngayon. At sisimulan ko na rin kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. I hate you Andrew Scott!

I Got Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon