Napatitig ako sa kanya. Ramdam ko ang init ng mga kamay nya sa bewang ko. Unti-unting bumaba ang mukha nya sakin. Hindi ko alam kung pipikit ako, pero yun pa rin ang ginawa ko. Naramdaman ko ang paglapat ng mga labi nya sa labi ko. Naramdaman kong may kuryenteng gumapang sa buong katawan ko. At parang may sariling isip ang mga kamay ko na pumulupot sa leeg nya. And I kissed him back, the way that I know. I missed this. Ang pagkulong nya sa katawan ko, ang paglapat ng mga labi nya sa labi ko. I really missed this man kissing me right now.
"Mom, dad, get a room." At parang napapasong napahiwalay kami ni Drew sa isa't isa. Hindi ako makatingin sa kanya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko.
Lumapit ako kay Hayes at umupo sa tabi nito. Ganun din ang ginawa ni Drew. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Nahihiya ako.
"Hey buddy, you hungry?" Tanong ni Drew kay Hayes. Tumango lang si Hayes at sabay-sabay na kaming umahon sa tubig.
Ibinalot ko agad ng towel si Hayes dahil baka magkasakit. Nagpalinga-linga din ako para maghanap pa ng ibang towel. Pero negative! Hindi ko naman pwedeng suotin ulit yung blouse ko dahil basa. Ang awkward pa naman ng suot ko, bra and shorts. Buti sana kung nasa beach kami.
Naramdaman ko na lang na may bagay na bumalot sa katawan ko. Tiningnan ko ito, and it was a robe. Tiningnan ko si Drew, sinulyapan lang ako at sinuot na rin nya ang robe nya. Inayos ko na rin ang pagkakasuot nung sakin at hinatid na kami sa isang kwarto. Sa kwartong ginamit ko 5 years ago. I missed this room. Halos walang pinagbago.
Pinaliguan ko na si Hayes. Ayaw pang magpaligo sakin dahil malaki na daw sya. Pero wala syang nagawa, ako ang nanay. Naligo na rin ako pagkatapos kong bihisan at ayusan si Hayes. Sinusuot ko na ang undies ko ng maalala ko na wala nga pla akong damit. Bigla akong napaface-palm. Ugh! San naman ako kukuha ng damit? Wala akong baon eh. Ipinatong ko na lang ulit ang robe na gamit ko at lumabas na ng banyo. Nadatnan ko si Hayes na nakadapa sa kama habang naglalaro sa phone ko.
"Mom, are you done? Let's go downstairs. I'm hungry." Sunod-sunod na tanong ni Hayes habang hindi ako tinitingnan, masyadong busy sa paglalaro.
"Baby, I don't have anything to wear." Nakanguso kong sabi at umupo sa edge ng kama. Tumingin sakin si Hayes. Pero muli ding binalik sa paglalaro ang atensyon.
Biglang bumukas ang pinto at sabay kaming napatingin ni Hayes. Sino pa nga ba? Si Drew lang naman ang hindi marunong kumatok eh. May hawak-hawak syang white tshirt at black na boxers.
Lumapit sya sakin at ipinatong sa lap ko ang mga damit. Tiningala ko lang sya habang nakataas ang isang kilay.
"You don't have anything to wear, so here." Pormal na pagkakasabi nya. Wala ka man lang mababakas na emosyon. What's new?
"Thanks." Tumango lang sya. "Isama mo na si Hayes sa baba. Sunod na lang ako pagkatapos kong mag bihis" hindi na sya nagsalita, inakay na lang nya si Hayes at lumabas na ng kwarto.
Nagbihis agad ako and checked myself on the mirror. Oh, I look hot oin this shirt. Its a V-neck shirt. Dahil mas malaki sya sakin, loose sakin ang shirt kaya kita ang cleavage ko. Wag na magtaka, may hinaharap ako. Kayo ba naman ang magkaron ng anak, at nagpabreast feed. Ewan ko lang kung hindi yan madagdagan. Hindi rin pansin ang suot kong boxer dahil natatakpan ng shirt na umabot lang sa kalahati ng hita ko.
Tiningnan ko na lang ulit sa salamin ang kabuuan ko.
Bumaba na rin ako. Narinig ko ang maliit na tawa ni Hayes galing sa kusina kaya doon ako tumuloy. Sabay pa silang napatingin sakin. Napansin ko ang paglunok ni Drew habang tinitingnan ang kabuuan ko. Nagkibit-balikat na lang ako at lumapit kay Hayes na kumakain ng ice cream.
"You want?" Tanong ni Hayes sakin, ngumiti lang ako at sinubuan naman ako. Nakatingin samin si Drew, medyo nakakailang.
Tumunog bigla ang doorbell. Lumabas ako ng kitchen at binuksan ang pinto. And I saw a guy, holding two boxes of pizza and pasta. Ngitian ko ito, hinihintay kong ibigay nya sakin ang hawak nya pero para bang naenkanto ito at hindi gumagalaw. Nakatitig lang sakin at bumaba ang tingin sa bandang dibdib ko. Naramdaman ko na lang na may kamay nang nakapupot sa bewang ko. At nang itaas ko ang paningin ko, I saw Drew and his frowning forehead.
"Stop staring at my wife or I'm gonna break you're neck? You choose." Pagbabanta ni Drew sa delivery boy. Tila natakot naman ang delivery boy at dali-daling inabot ang dala samin na hindi tumitingin sakin. Dali-dali din itong umalis matapos iaabot ni Drew ang bayad.
"What was that?" Tanong ko agad pagkasarang-pagkasara ng pinto.
"What?" Tanong din ni Drew habang pinapatong ang mga pagkain sa center table sa living room.
"That" turo ko sa pinto.
"Tss, so gusto mo ang mga titig 'sayo nung lalaking yun? Halos lumuwa na ang mata sa pagtitig sa katawan mo eh." Malakas na pagkakasabi nya.
Natigilan ako.
"You think gusto ko yun? Eh hindi ko nga napansin na tumitingin sya eh." Pagdadahilan ko.
"Pwes ako alam ko. Lalaki rin ako. Bakit kasi yan pa ang isinuot mo?" Tanong nya.
"Eh bakit kasi ito din ang ibinigay mo. At hindi ko na kasalan kung tumingin man yung lalaking yun." Malakas na sagot ko.
"So gusto mo talaga na titigan nung lalaking yun ang katawan mo?" Galit na tanong nya.
"So, ikaw lang ang pwedeng tumitig sa katawan ko? Ganun ba yun? Baka akala mo hindi ko napapansin, kanina ka pa tingin ng tingin sa katawan ko." Tinaasan ko sya ng isang kilay.
"Oo, ako lang ang pwede. Ako lang! Dahil ako pa lang ang nakakakita nyang buong katawan mo. Ako pa lang ang nakakahawak, at ako pa lang ang nakakatikim. So ako lang ang may karapatan." Nakangising sabi nya at nilampasan ako.
Napanganga ako sa sinabi nya. At nag-init ang mga pisngi ko.
NANONOOD kami ngayon ng movie dito sa kwarto nya. Nagpilit si Hayes na dito matulog. Big hero 6 ang pinapanuod dahil yun ang gusto ni Hayes. Magkatabi kaming naka-upo sa kama habang nakasandal sa headboard at nakakumot hanggang bewang. Si Hayes naman, nakakandong kay Drew.
Hindi ko na pinansin si Drew matapos ng sagutan namin kanina. Walang hiya kasi. Isigaw ba naman yung bagay na yun. Nakakahiya kaya.
Pansin ko na pasulyap-sulyap sya sakin. Hindi ko na lang pinapansin. Kumakain lang ako ng chips. Si Hayes naman, tutok na tutok ang paningin sa pinapanuod.
Nasa kalagitnaan na kami ng movie ng maramdaman ko ang kamay nya na gumagapang sa legs ko.

BINABASA MO ANG
I Got Pregnant!
RomanceOne mistake that changes everything! I'm Skylynn, and I got pregnant. And now, a mom of a 4 year old boy!