39

45.2K 1.1K 251
                                    


“I love you, baby"

Paulit-ulit na nagfa-flashback sa utak ko ang mga sinabi nya kanina.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya kanina. Hindi ko din alam kung anong mararamdaman ko. Tuwa? Pagkalito? Hindi ko alam.

Mabuti na lang dumating si Hayes. Pero kitang-kita sa mukha ni Drew ang lungkot dahil walang nakuhang sagot sakin.

Andito kami ngayon sa kwarto ko. Tulog na si Hayes sa gitna namin ni Drew. Hindi na namin napag-usapan yung nangyari kanina.

“Sky?” tawag nito sakin.
Alam kong nakatingin sya sakin kaya tumingin na rin ako sa kanya. Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya.

“I love you.” And he gave me his genuine smile.

Napangiti na lang ako sa sinabi nya, pero hindi ako sumagot. Anong isasagot ko? Na ganun rin ang nararamdaman ko sa kanya? Which is true. Pero hindi ganun kadali yun eh. May boyfriend ako.

Shit!! May boyfriend ako! Bakit ba bigla na lang sya nawala sa isip ko. Damn! Nawala lang ng ibang araw, nabaling na naman ang atensyon ko kay Drew. Sa lalaking paulit-ulit akong sinaktan noon.

Napansin ata ni Drew ang pagbabago ng reaksyon ko.

“What’s wrong? Hindi ka ba komportable na magkasama tayo sa kwarto?” hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya. “Maybe I should go. Tulog naman na si Hayes. Sabihin mo na lang na maaga akong umalis kaya hindi ko na sya nahintay na gumising.” Akma na sana itong tatayo pero pinigilan ko.

“No. I mean, ok lang naman na andito ka. Uhmm, I mean you can stay here. Uhm, I mean.. ughhh. Nevermind!” agad akong tumayo at nagtungo sa terrace ng kwarto ko.

I need air.

Naramdaman kong sumunod sya sakin.
Magsasalita sana sya pero inunahan ko na sya.

“Explain. Everything.” Kahit hindi ko na sabihin kong ano ang gusto kong ipaliwanag nya ay alam kong alam nya na yun.

Tumitig muna sya sakin at huminga ng malalim.

“I know I’ve hurt you so much. And I’m so sorry. I have my reasons why I did that.” Pag-uumpisa nito.

Naguluhan ako sa sinabi nya. Anong reason?

“Was it Belle?” si Belle lang naman ang nakikita kong hadlang samin noon eh.
Umiling ito.

“Then tell me!” napataas na ang boses ko. I need to know that reason.
“I’ll tell you, but hindi pa ngayon. It’s not the right time for you to know.”

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nya.

“Right time? I thinks it’s the right time for me to know that reason of yours.” Lalo lang akong naguguluhan.

“Sasabihin ko rin sayo. Pero hindi pa ako handa. Hindi ganoon kadali yun. Just trust me.” Pagpapaliwanag nito.

“Trust you? How can I trust you again kung yang rason na yan ay hindi mo masabi sakin?” damn!

“Please Sky. Just listen to me ok. Sasabihin ko rin sayo. But not now. I’ll tell you soon. Just trust me. Kahit ngayon lang.” kita sa mata nito ang pagsusumamo.

“You’re impossible.” Tatalikuran ko na sana ito nang magsalita na naman ito na nakapag-pahinto sakin.

“I love you. I really do.” Marahas akong napatingin sa kanya.

“Love? Are you for real? Hindi ko alam kung tanga lang talaga ako dahil pinaniniwalaan ko yang sinasabi mong yan. Pero ngayon, parang nagdadala-dalawa ako. Paano mo masasabing mahal mo ako eh nung una pa lang eh pinagtabuyan mo ako sa buhay mo, at wala ka man lang pakialam samin ng anak ko nang umalis kami. Ni hindi man nga lang siguro sumagi sa isip mo kung ok kami eh. O kahit si Hayes lang.” hindi ko alam pero napaiyak na ako. “Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko, namin ni Hayes nang umalis na naman kami. Habang ikawa nagpapakasaya kay Belle. Samantalang kami nangungulila sayo.” Napahagulhol na ako.

I Got Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon