Skylynn's POV
Nagbabyahe na kami papunta sa bahay pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa ni Drew kanina. Why did he kissed me? And what the hell happened to my heart? It's beating so fast. Hindi kagaya pag hinahalikan ako ni Greg.
Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa salamin sa unahan. Kitang-kita ko ang pagtingin ni Drew sakin. Nagkakasalubong pa minsan ang tingin namin na iniiwas ko din agad. Sa passenger seat nakaupo si Greg. Sa backseat naman kami ni Hayes.
Medyo awkward ang atmosphere. Me, Drew and Greg in one car. Geez. Wala samin nagsasalita. Si Hayes naman tulog habang nakasandal sa dibdib ko. Napagod sa byahe.
"So Skylynn, are you staying here for good?" Biglang tanong ni Drew na ikinapitlag ko. Out of the blue biglang na lang magtatanong.
Napakunot-noo ako sa tanong nya. What made him think na dito na ako for good? After what happened the past 3 years? No way!
"No. We'll be staying here for a month." Sagot ko.
Tumango-tango lang ito.
"How 'bout you Greg? Also staying here for a month?" Tanong naman nito kay Greg.
"No. After Hayes birthday, I'll be back in NY."
Hindi na sumagot si Drew. Pero kita ko ang pag-ngisi nito. Hindi ko na lang pinansin.
Hanggang makarating kami sa bahay, wala na ulit nagsalita. Nagising na rin si Hayes nang buhatin ko palabas ng kotse. Kaya kinuha na ito sakin ni Drew at sya na ang bumuhat. Nagkatitigan pa kami ng kunin nya sakin si Hayes.
Tinulungan ko na lang si Greg na kunin ang gamit namin sa compartment. Ang magaling kasi na Drew, hindi pinairal ang pagiging gentleman.
Binitawan ko agad ang maleta na dala ko nang makapasok kami sa loob ng bahay at tumakbo agad kala mommy para yakapin ito. Ghaa, I missed my mom and my dad so much. Hindi na rin kasi sila gaanong nakadalaw sa NY. Skype na lang lagi at phone calls.
Pinakilala ko na rin sa kanila ng pormal si Greg. Ito ang una nilang pagkikita ng personal. Tho nagkita na sila through skype.
Nakatingin lang samin si Drew habang kandong si Hayes na may hawak na phone. Cellphone ata ni Drew.
"Ok, let's eat." Yaya ni dad at tumuloy na kami sa dining room.
Laging nakadikit si Hayes kay Drew. He really missed his dad. But sorry sweetheart, we need to leave him again.
"How was your school buddy?" Tanong ni Drew kay Hayes habang kumakain kami.
"It was amazing dad, my classmates are cool. And I can read and write very well. Right mom?" Pagyayabang nito kay Drew. Nginitian ko lang si Hayes. "How did you know that I'm going to school?" Nagtataka nitong tanong kay Drew.
"I just know." He just shrugged.
I'm pissed. I'm fucking pissed. Bakit parang wala lang sa kanya ang nangyari noon? Na parang wala syang ginawang mali sakin. O ako na lang talaga ang naaapektuhan hanggang ngayon? But I've moved on. Wala na sakin ang nangyari. But I'm still mad. Still mad at him.
"Mom, are you listening?" Napatigil ako sa pag-iisip sa pagtawag sakin ni Hayes.
"Yes baby? Ano ulit?"
"I said we're going to dads house after this." Mukhang hindi naman ito nagpapaalam sakin. Parang sinabi lang sakin at hindi na ako pwedeng humindi.
"Anong gagawin nyo?" Hanggang sa maaari, ayokong magkasama ang mag-ama. Ayokong umasa na naman si Hayes. Lumalaki na si Hayes. Unti-unti na nyang naiintindiihan ang mga bagay-bagay.

BINABASA MO ANG
I Got Pregnant!
RomanceOne mistake that changes everything! I'm Skylynn, and I got pregnant. And now, a mom of a 4 year old boy!